heartbeat

56 3 3
                                    

niyaya ni Lance si Lielle para makipagdate sa kanya. just this once.

kaya pinayagan naman siya ng presidente

at sumama naman si Lielle dahil wala naman siyang planong gawin

ngayong araw.

"san ba tayo pupunta? "-lielle

"basta. kapit lang." nakangiting sagot ni lance

binigay ni lance yung blue helmet kay lielle at sinuot naman ni lance

yung white na helmet.

sumakay na sila sa motor.

"kumapit ka lang sakin lielle."-lance

walang nagawa kaya agad namang kumapit si lielle kay lance.

Lielle's POV

wala akong choice kundi ang sumakay sa motor.

natatakot talaga ako. di lang obvious .-.

may abs si lance.

-.- arrg ewan ko ba pero parang bumilis talaga yung tibok ng puso ko.

nevermind

mabilis ang takbo ng motor. malayo siguro ang pupuntahan namin.

nagulat nalang ako nung biglang nagpreno.

"shit." napatuon tuloy ako kay lance.

"ok ka lang ba? sorry ha. medyo malayo kasi yun. liblib kase hideout mo.haha"-lance na nangingiti pa.

hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking to. bat kailangan nya akong pagmotorin.

at ang weird pa dito bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko nung sinabi nya yon.

gusto ko na sanang sabihin na umuwi nalang kami.

kaso

makikita mo sa mga mata nya na masaya sya.

ayoko namang maging kj. kaya sinakyan ko pa trip nya.

hanggang sa makarating kami sa isang amusement park.

"surprise!!!!!!!!!!!" para syang bata.

napailing nalang ako habang hinahatak nya ako papunta sa may entrance.

"alam mo masaya dito. XD syempre mas masaya kase kasama kita."

corny ah.

Enshented Kingdom? eto ang kaisa isang amusement park sa tawi tawi.

anu ba yan bat ko ba kinakausap sarili ko.

"bat ba tayo nandito?" tinanong ko na sya para matigil na kacornyhan nya.

"andito tayo para magcelebrate!"

para talaga syang bata. na nakangiti pa ng todo. ang cute.

whhhat?! nevermind dun sa sinabi ko.  eew.

"anong ice-celebrate eh wala namang okasyon?"

biglang nawala yung ngiti nya.

tumungo sya

at tumunghay pero nakangiti na uli sya.

pero kita mo pa rin sa mata nya na malungkot sya.

tsss. pakialam ko? basta gusto ko na umuwi. o kaya kumain nalang.

naglalakad kami sa malawak na lugr na to.

"gutom ka na ba?" tanong nya at masaya na talaga sya ngayon.

Seducing Lielle 001Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon