there is this one thing na hindi alam ng presidente tungkol kay Lielle
ang dahilan kung bakit hindi umiibig si Lielle
ang dahilan kung bakit natawag siyang babaeng walang romantic bone
bata pa lamang si Lielle ay namulat na sya sa realidad ng mundo
isang beses ay naiwan sya sa park habang kumakain ng ice cream
may nakita siyang magkasintahan
noong una ay ang sweet sweet nila
nilalanggam sa kasweetan
tila may mga nagliliparang mga puso sa paligid nila
nang biglang may nagtext sa lalaki,
parang nawala na ang atensyon niya sa kasintahan niya
doon ay tila biglang nagapoy ang mga mata ng babae
sinubukang magpaliwanag ng lalaki ngunit hindi nakinig ang babae
nagsabihan sila ng masasakit na salita...
sinampal ng babae yung lalaki...
magwawalkout na sana yung babae nung bigla syang binaril nung lalaki.
walang tao sa park kundi ang magkasintahan at ang batang si Lielle
ang tanging saksi sa pangyayari na iyon ay si Lielle
mabilis na umalis ang lalaki. naiwan doon ang katawan ng babaeng binaril niya.
hinabol ng batang si Lielle ang lalaki ngunit nakalayo na ito.
umiyak ang batang Lielle
"MAMA! PAPA!" *sobs* "MAMA! PAPA!"
at nagtatakbo siya papunta sa kotse nila para doon na lamang maghintay sa kanyang mga magulang.
bumili kasi sila ng walis sa may malayo sa park
di nagtagal ay bumalik na sila at saka umalis agad.
hanggang ngayon ay binubulabog pa rin si Lielle ng nakaraan
gabi gabi niyang napapanaginipan ang nakita niya
araw araw naaalala niya ang itsura ng babaeng nakahandusay sa damuhan
at hanggang ngayon
iniisip niya ang nangyari sa babaeng yon
kung nakuha ba iyon ng pamilya niya
kung natagpuan ba ng pulis ang lalaki
---------------------------------------------------------------
"that will never happen to me. never!"
yun na lamang ang nasabi ni Lielle at saka siya bumuntunghininga
natatakot si Lielle
natatakot magmahal
natatakot na baka ganun din ang kahinatnan kung siya ay iibig
ang mapait na nakaraan ang nagdulot sa kanya ng takot
simula ng araw na iyon,
pinangako niya na hinding hindi siya magmamahal
at hindi nga nabali ang pangako niya.
hindi madali ang paglimot sa nakita ni Lielle
ngunit itong pakana kaya ng presidente ang makakapagpabago sa kanya
ito kaya ang maging dahilan upang umibig sya?
maaari nga bang mawala ang takot niya?
maaari nga bang maseduce ang isang Lielle Catherine Legaspi?
################################
>///< pasensya na. ito lang talaga ang pumasok sa isip ko XD tandaan ito ay bunga ng kathang isip ko. XD
this chapter is soooooo dramatic. XD gosh
^-^v hindi ko inaakalang makakaabot ang at least 100+ reads to :DDD
sobrang thank you mga friends :D
at kung may ibang readers man :D thank you so much :* xoxo
BINABASA MO ANG
Seducing Lielle 001
RomanceSino ang magpapatibok sa puso ng taong ipinanganak na walang romantic bone??