Hershey's POV
"Deng who's he?" I asked Deng my friend, pertaining to the guy at the doorway.Lagi ko kasi siyang napapansin na laging tahimik at malungkot sa isang tabi. Regular customer namin siya dito sa Caftans Coffee shop. Lagi ko rin nakikitang nakatitig siya sa picture sa wallet niya. May kasama siyang babae dun sa picture at kung hindi ako nagkakamali girlfriend niya yun, No scratch that--- ex-girlfriend to be exact.
"Si Joshua yan," sagot in Deng.
Joshua pala name niya ang ganda bagay sa gwapo niyang mukha. Yes he's handsome
"Bakit ba parang lagi siyang malungkot?"
"Aba'y malay! Lapitan mo kaya at tanungin mo!"
I saw him glance at us maya-maya ay sumenyas siya at tinawag ako
"Sir? " Nahihiya pang lumapit ako.
"Ugali nyo ba talagang pag-usapan ang mga customer n'yo dito?" He asked one eyebrow raised
Ang shoray, His baritone voice echoed on my ear. Alam mo 'yon, tahimik pero ang lakas ng authority and it's scared the hell out of me.
"Excuse me Sir?" But I composed myself and trying to be calm. Syempre deny to death ang lola n'yo. Meron ba namang kriminal ang umamin ng kasalanan?
"One cup of caramel machiato. " But instead of answering me umorder lang siya ng kape na parang walang nagyari. Natahimik ako at natulala. I like him ang swabe niya.
" I said one cup of caramel machiato. " Ulit niya sa sinabi niya.
Ay sorry Sir bawal ba matulala? I whispered. "Coming up po. " Umalis na ako at kinuha ang order niya bago pa ako masigawan.
"Ano napagalitan ka?" tanong ni Deng nang makabalik ako sa counter.
"Not masaydo. "
"Shooo kunwari pa! ano pahiya ka kay crush mo noh? "
"Pwede ba magtrabaho ka nga!"
"Oh sya ano bang order niya? "
'Yon lang patay ano nga ba 'yong order niya. I try to recall what he just said pero yung gwapong mukha lang niya ang nakita ko.
"2 Chess cake and a cup of Caramel Macchiato for table no. 4 " Bilang sumingit sa usapan namin si Chad isang crew din dito kasamahan namin ni Deng ayun caramel machiato pala yung order ni pogi buti parehas nung sinabi ni Chad.
"Ayon caramel machiato raw. "
"Next time kasi makinig ng order hindi nakatingin lang sa nag-order."
"Oo na sige na! Kunin mo na bago pa tayo parehas masigaw dito."
"In fairness Shey, hindi 'yong tipo niya ang naninigaw. "
"Oo na, sige na bilisan mo!"
Sinunod naman ni Deng 'yong sinabi ko then after a minute dumating na rin tapos hinatid ko na sa table ni Pogi.
"Sir may kailangan pa kayo?" I asked as I bit my lower lip.
Without a word he just shrugged and picking up the cup of coffee I made for him
Hindi na siya sumagot kaya umalis na ko at kumuha ng ibang order.
So ayun na nga...araw-araw ko siyang nakikita sa coffee shop. Araw-araw din pare-parehas lang ang order niya at araw-araw din nakatingin siya or I rather to say nakatitig as in titig siya d'on sa picture na yun. Pero...
Pero isang araw nag-order siya ng coffee tumutig sa picture umalis pero this time iniwan niya 'yong picture. At dahil likas na pakialamera at ususera ako hinabol ko siya at binigay ang picture.
BINABASA MO ANG
L.O.V.E
Short Story"Love is patience, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It alwa...