Hugot ng Isang Taong Lumayo

25 0 0
                                    

Nagsimula tayo sa wala. Ngayo'y nagtapos din sa wala.
Mga puso'y kumawala, dahil sabi mo, ako ay nawala.

Uumpisan ko ang pagsasalaysay ng ating kwento. Ating kwentong tingin ng iba'y imbento.
Dahil nung umpisa, tila ito'y perpekto dahil sa isa't isa'y kuntento.
Pagmamahal ko'y totoo. Itaga pa ng ilang ulit sa bato.
Ngunit pag ibig mang totoo,
Minsan din ay nalilito.

Pagmamahala'y kay saya, Sana'y di na magwakas. Ngunit panahon ay lumipas. Paglipas nyay isinama ang sana'y walang wakas. Alam kong ako ang mali, mga pinagdaanan natin ay di nilutas. Di ko nilutas. Pero hindi ba't hindi mo rin nilutas?
Hindi ako gumawa ng paraan para pag iibiga'y di matapos ng ganun lang, ngunit ikaw, ngayon ba'y natapos kana sayong pagbibilang? Pagbibilang sa mga kasalanan kong tinuturing mong dahilan, dahilan ng paghihiwalay, pagkasira at pag kabuwag ng pag iibigan. Pag iibigang sana'y mabalikan. Pag iibigang natagpuan na natin minsan. Pag iibang minsang natagpuan ngunit nauwi rin sa pag lisan.

Nakipaghiwalay ako ngunit di kita iniwan. Sarili lang ay nais lang ulit matagpuan. Akala ko naman, ang aking dahilan ay iyong maiintidihan. Ngunit hindi pala. Kahit katiting na pang unawa ay di mo napagbigyan. Kahit na katiting na pang unawa, ako'y iyong pinagkaitan.

Oo nga't ako ang unang lumayo. Ngunit ikaw, ikaw ang unang sumuko. Hindi ka nagtiwala na babalik ako. Ngayon sa pag alis ko, hinanap mo manlang ba ako?
Nasaktan ka, alam ko.
Pero di mo alam na nasaktan din ako.
Kumapit ka, bumitaw ako.
Bumitaw ako dahil kay lamig na ng kapit mo. Bumitaw ako dahil alam kong para satin to. Hanggang ngayon ba, pag ibig pa ang nararamdaman mo? O ikaw lang ay nanghihinayang. Nanghihinayang sa mga panahong tila nasayang. Nasayang sa pag mamahalang akala'y walang hanggan. Ngunit saang banda mang tingnan. Ang makikita'y masalimuot na katapusan.
Ako ang Unang lumayo. Ngunit ikaw ang unang nawala.
Hindi naman sa nililipat ko ang sisi sa iyo.
Sinasabi ko lang na walang mali rito.

Mali bang pakawalan ka, kung sa isa't isa'y nanlalamig na?
Mali bang pakawalan ka kung sa isa't isa'y di na masaya?
Mali bang pakawalan ka kung alam kong may mahal ka ng iba?
Mali bang pakawalan ka, dahil ang sakit sakit na?

Di lang ikaw ang may pakiramdam.
Ako man din ay marunong makiramdam.
Alam ko, di lang ako ang nagsawa dito.
Ikaw din, wag mong itanggi dahil may pakiramdam din ako.
Sumapit tayo sa isang yugto.
Isang yugto ng paghihintayang sumuko.
Kumapit ka ng bahagya,
Bumitaw ako ng bahagya.
Ngunit sa pagbitaw ko ng bahagya,
Ikaw ay tuluyang nawala.

Ang paglayo ko ba ay nagdulot sayo ng lumbay?
O naghudyat, naghudyat sa panibagong buhay?

Sa pag layo ko ba ay ikaw ay nahirapan?
O mga pasani'y tuluyang gumaan.

Nung ako ay lumayo ba, ikaw ay naghintay?
O lumayo din. Sa malayo naglakbay.

Ako ay nagmahal.
Ikaw ay nasaktan.
Ako sana'y babalik,
Ngunit ikaw ay lumisan.

Ako ay nagmahal.
Ikaw ay nasaktan.
Sa aking paglisan,
Sana ikaw ay nasiyahan.

Ako ay nagmahal.
Sabi mo ikaw ay nasaktan.
Nung ako ay nawala
Hinanap mo ba ako minsan?

Sinulat ko ito sa anyong patula.
Na kahit papaano'y mayroong tugma.
Di gaya nung tayo, akala natin ay tama.
Ngayon asan ako? Asan ka? Asan tayo? Wala na. Wala na talaga.

Nagsimula tayo sa wala. Ngayo'y nagtapos din sa wala.
Mga puso'y kumawala, dahil sabi mo, ako ay nawala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Hugot Ng PinanghugutanWhere stories live. Discover now