Chapter 11

263 10 0
                                    

Grey P.O.V

Naiinis na ako dito kay Kent at ang kulit-kulit nitong animal na ito

"Sige naman Grey
Samahan mo na ako" pangungulit niya sa akin

"Bakit hindi na lang si Jake ang kulitin mo?!
Marami akong ginagawa" inis na sabi ko

Hindi naman talaga marami ang ginagawa ko pero ayoko lang talaga samahan si Kent para kausapin itong si Jessica

Nagulat na lang ako ng biglang lumuhod si Kent sa harap ko at ngumangawa 😒

"Sige naman Grey
Akala ko ba mag-bff tayo
Kaya tulungan mo na ako
Para ito sa lollipop ko
Sige na!" pagmamakaawa niya

Ano naman ang kinalaman ng lollipop niya at pakeelam ko ba
Kaya kumunot ang noo ko sa sinabi niya

"Kase nalaman ko na may lollipop silang nakatago doon
Kaya gusto ko makita at lalong gusto kong matikman
Kaya sige na Grey samahan mo na ako kila Trace
Saka may tiwala ako sa iyo kaysa kay Jake
Walang kwenta ang hayop na iyon
Kaya sige na naman samahan mo na ako" sabi niya

Kaya lumaki ang mata ko sa sinabi niya
Ibig sabihin pupunta kami kila Trace

"Ano pang hinihintay mo
Tara na umalis na tayo" mabilis na sabi ko

Makikita ko ulit si Trace
Ang mahal ko
Kaya dali-dali kong kinuha ang mga gamit na dadalhin ko

Nakita ko si Kent na nakatunganga pa

"Ano bang tinutunganga mo diyan?" tanong ko sa kanya

Tapos ang gago ayon nakangisi na parang isang asong ulol 😒

"Parang may kakaiba sa iyo Grey
Nung binanggit ko ang pangalan ni Trace
Para kang isang batang na sobrang excited umalis
Don't tell me..." ngising sabi niya

Bwisit naman itong si Kent
Aasarin na naman ako
Saka hindi rin pwede malaman ni Kent ang tungkol kay Trace kundi lagot ako nito

"Bahala ka diyan
Ikaw na lng mag-isa pumunta doon
Ang dami mo pang satsat ikaw na nga ang sinasamahan" sabi ko

Pero deep inside parang gusto kong bawiin ang sinabi ko

"Eto naman hindi na mabiro
Sige na samahan mo na ako
Ayoko pang mamatay ng maaga at nag-iisa" sabi niya

She Is My Boyfriend? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon