Chapter 72

156 3 0
                                    

Kent P.O.V

Nang makita ko si Jessica na umiyak ng 1st tym ay tumayo na ako at hinatak ko na sya paalis doon

Tinatawag ako ni Stella pero hindi ko sya pinansin at hatak-hatak ko lng si Jessica

Hinanap ko yung kotse ko at sinakay ko sya doon
Hindi parin sya kumikibo

Hindi ko muna binubuhay ang kotse ko at nakatingin lng ako sa kanya samantala sya ay nakatulala lng
Hindi na sya umiiyak pero halata sa kanya na nasasaktan sya

Kaya bumuntong hininga ako at lalo kong hinigpitan ang pagkahawak ko sa kamay nya

Ayokong magsalita dahil pakiramdam ko na hindi makakatulong sa kanya yun

Kaya ginawa ko ay niyakap ko sya ng mahigpit wala syang response pero maya-maya ay umiiyak na sya

Humahagulgol na sya kaya hinayaan ko na sya kse pakiramdam ko ay kailangan nyang ilabas ang lahat dahil parang naipon na sa loob nya

"Ang sakit-sakit
Bakit pa kse sya nawala sa akin?" iyak na tanong nya sa akin

Hinahagod ko lng ang likod nya at hinahayaan ko lng sya kahit wala akong maintindihan sa sinasabi nya

"Mahal na mahal ko sya sobra at hindi naman magbabago yun,ehh
Kaya bakit kse sya pa nawala dapat ako na lng,ehh
Ako na lng" umiiyak parin sya
Sobra talaga syang nasasaktan

"Wag ka ng umiyak Jessica
Andito naman ako
Hindi kita iiwan" sabi ko sa kanya

After nyang umiyak ay sobrang namaga ang mata nya kaya hinawakan ko ang pisnge nya

"Gusto mo na bang ihatid kita sa bahay nila Trace?" tanong ko sa kanya

"Ayoko muna please
May gusto akong puntahan
Sasamahan mo naman ako,diba?" ngaun ko lng nakita sa kanya ang pagkakalumanay

Gusto ko syang kurutin dahil ang cute nya
The Fuck, ano bang pinagsasabi ko

"Oo naman
Kahit saan pa yan, sasamahan kita" ngiting sabi ko sa kanya

Sinabi nya lng lugar at tumingin sa may bintana kaya binuhay ko na yung makina

Umalis na kmi doon at habang nagmamaneho ako ay sinulyupan ko si Jessica at nakikita kong pumapatak na naman ang luha nya

Ayaw kong magtanong kase pakiramdam ko baka lalo pa maging sanhi ng pagkaiyak nya

Kaya tahimik lng ako nagmamaneho kahit kating-kati na ang dila ko magtanong

Dapat sa gantong sitwasyon ay marunong naman tumigil ang dila ko sa kakatanong

Kasalanan ng lalaking kasama ni Jessica, hayop na yun humanda sya sa akin kapag nakita ko sya
Susuntukin ko talaga sya ng malakas
Para naman makaganti sa ginawa ng hayop na yun sa pag-iyak sa mahal ko

Nang maging red ay tiningnan ko si Jessica at nakita kong nakatulog sya habang umiiyak

Kaya inayos ko sya para hindi mangalay ang leeg nya at pinunasan ako ang mga luha sa mga mata nya

She Is My Boyfriend? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon