Guys, dapat bago kayo magbasa play nyo muna yung background music para ma effects thumbs up ^^, salamat Maliban sa mga stalker, ang kantang ito ay para sa mga taong umaasa at nakuntento sa patingin-tingin nalang sa taong minamahal niya ;)
after nito siguro yung saddest part ng kwento.. na may mga bagay talagang dumadating ng di inaasahan.. madalas sabay-sabay pa nga.. may kasabihan na “Love begets trust and Trust begets love.” Naniwala ba kayo dito?.. (dapat lang) :)
Ayos, nandito na ulit ako trying to recall my past experiences especially sa pagiging mapagmahal.. martir kung minsan (Pero gaano nga ba kadalas ang minsan?)
Yan din ang tanong ko sa sarili ko.. 2 years na rin ang lumipas sya pa rin ang axis ng mundo ko haha! Ganto talaga ko lalo na nung medyo sikat pa that time ang mga pick-up lines (wala pa ata si Boy pick-up nun e pero si Papa Dan oo).. actually kakapakinig ko lang ng radio to kaya natuto ako.
Kung nabitin kayo guys sa part 1 malamang dito sobra naman dahil baka ito na ang pangalawa at last part ng kwento.. (pero who knows baka makahirit pa)
Anyways, tama na ang intro intro na yan.. Let’s start :)
Malaking factor talaga yang Theo book na yan e,, kumbaga sa bomba, ito yung triggering device ko. Ang course ko nga pala nun ay BS ECE – 2nd yr. Kahit na pang third year yung general Psychology sa curriculum namin kinuha ko na since la na ko makuha dahil irregular student ako at naubusan na rin ng subjects.
Dapat talaga 3rd yr na standing ko kaso nagkaroon ng academic failure kaya nadelay ng isang sem.. At bago mangyari yun dapat ko muna ipasa yung EQE(Engineering Qualifying Exam) na required for incoming 3rd yr students, as in sasalain talaga kaya ang saya pag nakapasa dun parang board passer siguro ang pakiramdam.
Ang subjects ko nalang for the 1st sem noon ay Integral Calculus, World Literature, Discrete mathematics, at General Psychology. (di ko alam na yun na pala ang last sem ko bilang ECE student)
Teka, anu nga ba connect nung Gen Psych at pati un ay nilagay ko pa sa storyang ito (pampahaba na rin malamang^^,)
Ganto yan kasi, si Prof nirequire kami na gumamit ng textbook sa Gen Psych pwede naman daw kahit manghiram nalang para di na bumili since universal section kami nun (iba-iba ang course haha) at di naman namin major yun (pero major ko na ngayon) kulit :>
Eh Jackpot este swerte dahil Pharma si Kate, at kakatapos lang nya kuhanin yung Psychology kaya this time ako naman humiram ng book.
Pinahiram naman nya ko agad.. tapos ako naman binasa ko na agad yung book kasi may Homework ako kaya yun ng biglang may nakaipit na letter.
Natuwa naman ako dahil first time ko makatanggap ng sulat kaya binasa ko agad..
binasa ko yun ng paulit ulit haha may drawing pang kasama (complete package o diba) hehe
lumipas ang mga araw, sobrang gaan talaga ng pakiramdam lam mo yun kahit vacant ka 7hrs (sa sobrang pangit ng sched) eh mabilis lang lumipas.. kahit nagpraktis magsolve sa Calculus ganado pa rin.
Madalas kong syang puntahan sa room nila pag la ko ginagawa.. may time pumasok ako sa classroom ng Block nila.. as in sigawan parang hayskul lang.. kilig yung iba..
pag uwian na hinihintay ko sya kasi mas maaga uwi ko ng ilang oras kahit gabihin okay lang sakin basta mahatid ko sya.. (syempre kasama yung mga BFF nya na naging malapit na rin sakin)
Minsan may moment na kami lang magkasama.. pag madami sya dala instant bag carrier ako kahit malayo enjoy naman kasi nga kasama ko sya <3
May time din bumanat ako ng pick-up line mali nga lang timing
Bert: San ka galing kagabi?
Kate: sa kapitbahay namin bakit?
Bert: kaya pala.. wala ka sa panaginip ko (baduy haha)
Pag may pagkakataon sumasabay ako sa kanila maglunch, iniiwan ko talaga mga tropa ko kasi madalas ko naman sila kasama na kaya okay lang..
October 5 na, Wow ang saya ko Birthday ko na, natapat ng washday kaya todo porma.. nagtreat naman ako.. syempre kasama sya dun at at dalawang BFF nya.. sagot ko lunch namin.. Di ko expect may ibibigay sya sakin di ko lam tawag kung bracelet ba yun or what basta may nakalagay na name ko.. syempre suot ko agad..
Ayoko ng mawala yung momentum.. nung nagkaroon ako ng chance na kami lang magkasama tinapat ko na sya.. parang palabas lang sa TV ang dating ang venue ba naman sa crossing papuntang SM manila (pag galing ng school) talagang sa kalye talaga nagconfess kahit dami tao hehe tutal mahina naman boses ko at sya lang nakarinig..
Bert: ah friday ka lang pala nauwi ng Cavite
Kate: oo, kasi nalalayuan ako
Bert: may sasabihin sana ko, kaso nauutal ako.. nakakahiya kasi baka (daming what ifs)
Kate: anu ba yun? dali baka sumakay na ko
at yun na nga nadeliver ko nman yung words kahit papano
Bert: Kate, mahal kita...
Nasabi ko yun nung paalis na sya kahit naka side view di ko lam kung na malik mata ba ko o ano parang nakita ko na nakangiti sya di lang siguro pinahalata..
at sumakay na nga sya ng bus.. kumaway naman sakin nung nasa loob na sya.. at naiwan na ko mag isa para maglakad papuntang LRT sa central Terminal
mabilis lumipas ang mga araw, as in dahil nga sa nalilibang ako Finals na pala..
pinakaba pa ko sa Calculus ko dahil sumabit ako.. sa mgtropa ako lang pinalad na mag remedial exam (pass or fail nalang talaga) in short pag pumasa tres nalang..
Pumasa naman dahil ang bait ni Prof. inulit lang nya yung tanong sa exam.. kaya sure pass
Bago mag bakasyon sinuli ko na yung Gen Psych book nya.. Papatalo ba naman ako syempre gumawa din ako ng letter para sakanya :))
gustong gusto ko talagang araw yung friday kasi umuuwi sya sa Cavite noon syempre kasama ko paghatid sa abangan ng Bus sa labas lang ng school..
bago yun tumambay kami saglit sa dorm nila Yandee dahil dun din dorm ng kasabay nya pag-uwi..
Nilagay ko yung letter sa pocket ng bag nya ng palihim :)
after nun yun na, naglalakad na kami
pasakay na sila ako naman nagpaalam na..
di ako makatiis baka di nya mapansin yung ginawa kong letter at baka mawala pa kaya tinext ko sa kanya kung nasan..
Bert: Kate, may letter akong nilagay sa bag mo, kindly check
Kate: Ah talaga sige salamat Gibo :)
nahiya ko bigla pati pala BFF nya nabasa yung gawa ko may picture pa sa fb hawak ung papel wahaha! :">
- itutuloy...