EIGHT.2

138 5 0
                                    

Dahil sa nangyari napagdesisyunan ni JYP na tapusin na ang promotions. Ang 1 month promotions namin nauwi sa 3 weeks dahil sakin.

Hindi pa din umuuwi si Jimin, pero mas okay na muna yun para di na lumala pa.

Dahil sa issue di kami makalabas. Dorm-Company lang ang laging pinupuntahan namin. Nagsisimula na akong madepressed.

Tuwing nakakakita ako ng ibang fans na babae nakakaramdam ako ng kaba. Pinatingnan na din ako ni JYP sa isang psychologist.

At sabi ng doctor meron daw akong anxiety. Kung titingnan parang wala lang, pero nahihirapan na ako.

"Xena, tapos ka na ba?" Tanong ni Jae sa akin. Tiningnan ko sya at tumango.

"Patapos na isang line na lang." Ngumiti sya sa sinabi ko. Nandito ako ngayon sa company building dahil nag papatulong si Jae gumawa ng kanta para sa comeback nila.

"Tapos na, pwede mo ng lagyan ng tono yan." Iniabot ko sa kanya ang papel. Tiningnan nya itong maigi.

"Napakalungkot naman ng kantang to." Nanatili ang tingin nya sa papel habang nagsasalita. Sasagot na sana ako kaso may nag bukas ng pinto.

"May dala kaming pagkain." Si Eun Ki at Minyang pala ang dumating. Inilapag nila ang plastic sa sahig.

"Anong binili nyo?"

"Pudding at mga snacks para hindi kayo gutumin habang nag tatrabaho."

Nang tapos na atang iscan ni Jae ang kanta inilapag nya muna ito at kinuha ang plastic.

"Thank you guys. Gutom na nga ako." Tiningnan lang namin sya habang kumakain ng pudding.

"Tapos na ba kayo?" Tanong ni Eun Ki.

"Hindi pa, lalagyan pa namin ng tono." Sagot ko at saka kumuha ng pagkain sa loob ng plastic.

"Aalis na nga kami. Baka makagulo pa kami sa ginagawa nyo." Nagpaalam na sila at lumabas.

Natahimik kami ni Jae dahil kumakain kami. Nang matapos na syang kumain kinuha na nya ang gitara nya.

Pinakikinggan ko sya habang nilalagyan nya ito ng tono. Bigla ulit bumukas ang pinto.

"Oh? Jinyoung oppa? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Napakabihira kasi na pumunta sila rito. Pati si Jae na kanina ay busy napatingin din kay Jinyoung.

"Baka kailangan nyo ng tulong. Kamusta ka na? Narinig ko na nagkaroon ka ng anxiety." Tumango ako sa sinabi nya. Si Jae balik sa ginagawa nya kanina.

"Ayos lang ako. Mild lang naman kaya mabilis lang itong mawawala." Sagot ko sa kanya.

Ngumiti muna sya bago mag salita, "Kung kailangan mo ng makakausap nasa practice room lang ang Got7. Sigurado makakalimutan mo ang problema mo."

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Lumapit sya kay Jae at kinuha yung papel kung nasaan ang lyrics.

"Sinong nagsulat ng lyrics? Napakalungkot naman, pero maganda." Nagtaas ako ng kamay bilang sign na ako ang sumulat ng lyrics.

"Sa pagsusulat ko binubuhos ang emosyon ko kaya siguro ganyan." Tinapik nya ang ulo ko. "Kaya mo yan. Wag mong sukuan si Jimin." Nagulat ako sa sinabi nya.

Pero ngumiti lang sya at naglakad paalis. Di ako magaling mag lapat ng tono kaya pinapakinggan ko lang ang ginagawa ni Jae.

Muli na namang bumukas ang pinto. Si Soo Hwa naman ang dumating.

"Tapos na kayo? Papasama sana ako kay Xena."

"Ah oo, tapos na kami. Sige na sumama ka na kay Soo Hwa." Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng studio.

Ang weird dahil hindi kami nag talo ngayon ni Jae at parang napakatahimik nya.

Nang madaanan namin ang practice room ng Twice, sumilip kami ni Soo Hwa sa pinto. Nakita namin na busy sila sa pag stretching.

Napansin naman ni Mina ang presensya namin sa pinto.

"Pasok kayo."

"Kamusta ka Xena?" Tanong ni Nayeon. Lumapit sya samin at ganoon din ang iba.

"Ayos lang naman ako." Maikling sagot ko sa kanya.

"Kaya mo yan! Fighting!" Pag encourage sa akin ni Tzuyu. Nginitian ko sila. Medyo awkward ako sa kanila pero si Soo Hwa, ayun kasama na si Jihyo at Momo.

"Dito muna kayo, panuodin nyo muna kaming magpractice." Nagsimula na silang magpatugtog ng kanta nila kami naman ni Soo Hwa naupo sa gilid habang pinapanuod silang magpractice. Paulit-ulit lang naman ang kanta ng pinapractice nila.

"Break muna tayo kahit saglit." Reklamo ni Dahyun kaya pinatay nila ang music. "Bibili ako ng donut. Papabili kayo?" Tanong ni Sana sa kanila.

"Tara samahan nyo ko." Pag aya samin ni Sana kaya sumama kami tutal gusto ko din ng donut.

Paglabas namin may mga fansite master sa labas nag aabang kung sino ang mga lalabas na idol.

Matiwasay naman kaming nakalabas at hindi naman ako sinugod na isa sa mga fansite master sa labas. Umorder kami ng 3 box ng donut. At saka na bumalik sa loob.

"Issue lang yan Xena. Minsan na din namin naranasan yan. Pero tingnan mo kami lalo kaming tumatag dahil dun." Ngumiti ako sa sinabi nya.

Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad na kita namin ang manager namin.

"Annyeonghaseyo." Bati namin sa kanya.

"Babalik na tayo sa dorm nyo. Tara na." Tiningnan namin si Sana at inabot na ang dalawang box ng donut sa kanya. Pero isa lang ang kinuha nya.

"Sa inyo na yan kainin nyo sa dorm." Niyakap nya kami ni Soo Hwa at nagpaalam na.

Pagdating sa Van nandun na sila Eun Ki at Minyang. "Wow donuts!" Kumikinang ang mata ni Eun Ki at mabilis na binuksan ang box.

May messages akong natanggap kay Jimin. Mga selca nya at iba pang pictures. Kinuhaan ko din ng picture ang donut na kinakain ko at sinend sa kanya.

Napakahaba ng araw na ito.


Xxxxxxxxxxxxxxxxx
Twice x Got7

All the love xx

Lucky or Not? ||p.jm||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon