Kaitlyn
"Ang gara naman nung lalaking yun! Napakasuplado, akala mo naman kung sinong gwapo!" iritang sabi ni Bella samin ni Tracy at Athena.
Kadadating lang niya at tinatalakan niya ako dahil may nakabangga daw siyang lalaki kanina at sinungitan pa daw siya.
And take note ha! Binulabog niya kami sa mga kwarto namin. Walang hiya talaga 'to kahit kelan, pati sila Tracy at Athena binulabog niya dahil yung kwarto nung dalawa ang una niyang napasukan. Nasa dulo kasi ang kwarto ko eh. Tapos nasa una at pangalawa ang kwarto nung dalawang magkapatid. Kaya sila ang unang nagising ni Bella ewan kung paano nya nagising ang dalawa. Kasi silang tatlo din nanggising sakin.
"Sino bang nakabangga mo na yan?" nagkukusot pa ng mata na tanong ni Athena.
"I don't know kung anong name nung guy na yun! He's so nakakairita!" sabi niya at umirap sa kawalan. Para talagang sira itong bestfriend ko.
"Pwede ba Ysabella Steph Patterson ang aga-aga! alas syete palang ng umaga nandito ka na! At wag mo akong umpisahan sa ka-conyo-han mo at baka masapak kita." irita kong sabi sakanya. nag-pout naman ang bruha. Gagang 'to! Di naman halatang excited siya ha! At talagang napaka aga niyang pumunta dito!
"So mean mo talaga Kaitlyn." sabi niya.
" Athena babe?!" mula sa labas yung boses.
"Umagang-umaga naman talaga naglalandi yang manliligaw mo." sabi ni Tracy sa ate niya.
"Manliligaw ka dyan?! Sipain kita you like?" sagot sakanya ni Athena.
"SIno ba yang ang aga-aga eh nanliligaw?" natatawa kong tanong.
"Kaya nga." singit naman ni Bella, aba! Ang bestfriend ko usisera! Feeling close talaga 'to! Pinanliitan ko siya ng mata.
"Feeling close ka talaga noh?" sabi ko inirapan lang niya ako.
"Magsi-tayo na kayo." sabi niya at lumabas ng kwarto. Tinignan ko yung dalawang magkapatid na nagkibit-balikat lang.
"Pagpasensyahan niyo na yun si Bella ha, sadyang nung nagpaulan ang Diyos ng kakapalan ng mukha, ayun siya't sinalo lahat." sabi ko, natawa naman silang dalawa.
"Okay lang ano ka ba, ang cool nga nya eh." sabi ni Tracy kumunot ang noo ko sa sinabi niya, alin naman ang cool sa inakto ni Bella kanina? Eh puro ka pabebehan ang pinagagawa niya kanina dito sa kwarto.
"Tara na't lumabas." sabi ni Athena.
"Mauna na kayo mag-aayos lang ako." sabi ko, tumango sila at lumabas na ng kwarto ko.
Dumiretso ako ng banyo at nag half bath ako then nag-toothbrush.