Kaitlyn
This can't be happening.. no! Kaya ba malamig ang pakikitungo niya sakin kahapon?
"Smile." bulong sakin ni lola, ngumiti akong pilit. Napatingin ako sa lalaking may hawak saking kamay nakasalikop ang aking mga kamay sa kanyang kamay. He's looking straight to the crowd smiling, I wonder, is this okay with him? Bakit hindi siya umatras? Kung ayaw din naman ata niya.
"Smile Yue, wag mong bigyan ng pilit na ngiti ang mga bisita." bulong nya sakin.
"Aw! Ang sweet naman ng ating couple." sabi ng emcee. Palihim akong umirap at bahagyang ngumiwi sa sinabi ng emcee.
couple...
Ilang sandali pa ay bumaba na kami sa stage.
"Let's talk." sabi nya sakin at hinila ako palabas ng function room ng hotel kung saan nagaganap ang magarbong celebration.
"Can you slow down naka heels ako!" naiinis kong sabi pero parang wala siyang narinig.
"Ano ba?!" sigaw ko sakanya, masakit na ang paa ko dahil suot kong killer heels!
Huminto siya sa garden ng hotel at hinarap ako.
"What's your problem Kaitlyn Yue Hammilton?" naiirita nyang tanong sakin, kumunot ang noo ko sa tanong niya, diba dapat ako ang nagtatanong sakanya nyan? After dragging me here?! Ang gara naman!
"I should be the one asking you that question mister!" sigaw ko at umirap, at aba ang loko! Umirap din! Bakla ba to?!
"Bakit ka sumisigaw?!" kapal talaga ng mukha nito! Eh siya yung unang sumigaw eh!
"Sumisigaw ka eh!" sigaw ko pabalik.
"This is pointless." tinalikuran niya ako at naglakad pabalik ng hotel. What the hell is wrong with that man?! Kinaladkad niya ako dito tapos iiwanan niya ako?!
"Argh! Bwisit kang lalaki ka! Magbaback out talaga ako dito sa engagement na to!" iritadong sigaw ko. Bwisit na lalaki to! Nakakainis!
Naglakad ako papunta sa hotel. Nakasalubong ko sila Tracy at Hiro.
"There you are! Saan ka galing?" tanong nilang dalawa.
"Dyan lang sa garden, dahil may isang bwisit na lalaki na dinala ako dun at nilayasan din ako." inis kong sabi. Nagkatinginan silang dalawa tapos tumingin ulit sakin.
"Nag away ba kayo ni Blake?" tanong ni Tracy, tumingin ako kay Hiro, nakatingin siya sakin na parang naghihintay ng sagot ko sa tanong ni Tracy.