Chapter 0

3 0 0
                                    

._._.

"adjourned..." tumayo na ang dalaga sa silya nito at inayos ang mga papeles. Saka rin nagsitayuan ang mga tauhan sakanilang puwesto at yumuko muna sa dalaga bago sila tumalikod palabas.

"Tadao-san....." tawag ng dalaga sa matipunong ginoo na nakatayo lamang sa tabi. Siya namang lumapit ang tinawag na Tadao.

"Father would need these documents for tomorrow's conference." Sabi ng dalaga at inabot ang folder ng mga papeles. "Thank you for your hard work today..." ani ng dalaga at tumungo.

Kinuha niya ang bag at dumiretso palabas. Nag-lakad siya sa mahabang pasilyo habang dalwang ginoo ang nakasunod. Sumakay sila ng elevator at pinindot ang '2B'.

Maya-maya pa ay nakarating na sila sa basement kung saan nakapark ang sasakyan ng dalaga. "Let's go straight to the mansion, Keishii." Ani ng dalaga at tila pagod na naupo sa likod habang pinaandar ng ginoong nakasunod sakanya, si Keishii ang makina ng sasakyan.
May isa pang kotseng nakabuntot sa sasakyan ng dalaga.

"Keishii, nahanap mo na ba?" Bungad ng dalaga sa nag-mamanehong Keishii. "Don't lean forward, Miss. And yes, here it is." May inabot na folder ang ginoo.

Dali-daling tinignan ng dalaga ang mga papeles. "A 5th generation royal... oh.. a frequent in the club.... 14 relationships... Yup!.... Nope!" Tinapon lang ng dalaga ang mga papeles sa ere ngunit dali-dali niya ring pinulot uli at inayos ang mga papeles.

"Keishiiiiiii...." parang batang sambit nito sa ginoo. "What's the matter?" Tanong naman ng ginoo at sinulyapan ang dalaga mula sa salamin.

"Will you marry me?"

"Aaaah!" Napasubsob sa harap ang dalaga sa biglaang pag-liko at pag-preno ni Keishii. "What was that for!?" Bulyaw ng dalaga sa ginoo.

"Come to your senses, my lady. You're not a child anymore, please don't spout nonsense." Mariing tugon ni Keishii.

Natahimik ang dalaga at nag-buntog hininga na lamang. Nag-patuloy ang ginoo, "My lady, please don't throw away the reason we are here... YOU are the next successor." Nilingon ng ginoo ang dalaga at natahimik ang dalawa tila mga mata lamang ang nag-uusap.

Tinanggal ni Keishii ang seatbelt at lumapit papalapit sa dalaga, hinawakan ang mga pisngi nito. "We all know, my lady. It can't happen, you are my lady and will always be." Mariing pahayag nito. Hinawakan ng dalaga ang mga kamay na nakahawak sa pisngi nito.

"Keishii.." bulong ng dalaga at dinikit ang kanyang noo kay Keishii. Dali-dali namang humiwalay at umayos si Keishii at may inabot na ibang dokumento sa dalaga.

"Currently in the middle of his specialty at the same university. But this guy is quite strange." Nag-simulang mag maneho ulit si Keishii.

"Strange?" Tanong ng dalaga at binasa ang mga nilalaman ng dokumento. "He's the only child of the de Regis." Ani ni Keishii.

"de Regi.... aren't they referred as de Falco now?" Tanong ng dalaga. "Yes, but they still have a royal background, though they're not in power anymore, but de Regi has history with the east." Sinulyapan ni Keishii ang dalaga mula sa salamin.

"It's going to be your sword, my lady." Dagdag pa ni Keishii. Sumulyap sa bintana ang dalaga at nanatiling tahimik. Hawak-hawak niya ang mga litrato ng nasabing doktor. Binasa niya ang dokumento. "He has an English, no, American name? Cole.. Matteo Cole." Ani ng dalaga. "His mother Philomena, oh, half-American." Patuloy nito. "So, his aristocratic background is hidden?"

"Yes, my lady. Seems like Cesar de Falco was caught up with scandals and Philomena Cole ran with the newborn child. Staying here. There hasn't been any contact between the two since then." Sabi ni Keishii at niliko ang kotse papasok sa malaking gate.

"Aah, so this man is not aware of his power." Mahina niyang bulong sa sarili at maunay na pinagmasdan ang mga litrato ng binata. Specializing in internal medicine, outstanding for such a young age! Binasa niya ang mga achievements nito at iba pa. Sa edad na 24 marami ng nakamit ang binata.

"We've arrived." Pinag-buksan ng pinto ang dalaga at siya namang lumabas ng kotse. "The Master is still awake?" Tanong niya sa isang katulong. "Yes, my lady. The Master is waiting." Inihanda ng katulong ang tsinelas ng dalaga sa harapan at kinuha ang mga gamit nito.

Nag-patuloy lang ang dalaga sa pasilyo at huminto sa harap ng fusuma. Tinanggal niya ang tsinelas at nag-hintay. "The lady has arrived." Nakayukong pahayag ng katulong at pinagbuksan ang dalaga. Umapak na siya sa silid at naramdaman ang mainit na sahig. Aah, Tatamis are wonderful, ani ng dalaga sa isipan. "Father, I'm home." Yumuko muna ito at nag-patuloy. "Welcome home, my dear" ani ng ama.

Lumuhod siya sa harap ng ama at yumuko. Maya-maya pa ay kumportable na itong naupo. Nag-hain ng tsaa ang mga katulong kasama narin ng rice cakes. "Thank you for your hard work." Sabi ng tatay. Binalingan niya ng tingin ang dalaga at ngumiti, "Akiko, when will you settle down?" Humigop ang ginoo ng tsaa. Nanahimik lamang ang dalaga.

"Not yet, Father. I'm going to be the head of the Takamado Household." Mariing pahayag ng dalaga. Nagulat ang ama at tinitigan lamang ang anak na babae. "Father is the current leader of the houshold. I am your only child, I shall have the right to succeed your position." Patuloy ni Akiko. Tila may apoy ang mga mata nito habang tinitignan ng diretso ang kanyang ama. "You're a princess, my dear. And you kno--" pinutol ni Akiko ang pagsagot ng matanda.

"I am fully aware of that. Disregarding the fact that I am a woman. I believe I have the capabilities."

Nanatiling tahimik ang matanda sa puna ng dalaga. Ayaw man niyang aminin ngunit totoo ngang sapat ang kakayahan ni Akiko pero siya'y dalaga. Niminsan wala pang babaeng namuno sa Takamado. Kaya naman dehado ang matanda.

"Please consider this, Father." nanahimik na ang dalaga at ininom ang tsaa.

-//-

"Keishii, enroll me to that university." sabi ni Akiko sa telepono.

[Understood. I shall begin the preparations by tomorrow, my lady] sagot ni Keishii mula sa kabilang linya.

"Hmm.. Thank you. I'll see you tomorrow" binaba na ni Akiko ang tawag.

Naupo siya sa harap ng lamesa at nag-simula na muli mag-trabaho.

---

The Woman Who Had It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon