Phone Message Chapter 1(on going story)

148 1 1
                                    

Oh grabe may nagtext nanaman sa akin di ko nanaman kilala ! grabe lagi na lang ako nakakatanggap ng ganito ah ."sabi ni Kevin ng makita nya ang kanyang cellphone ng makita na may nagtext sa kanya na di naka register ang number sa kanyang cellphone. 

         “Magpalit ka na kaya ng number no para naman di ka na araw araw nagrereklamo dyan di ba?”. Sabi ng kanyang kaibigan na si Jun na busy rin sa pagtipa ng kanyang cellphone dahil marami din itong katext.

        “Eh ayoko nga no ito yung number na matagal na sa akin saka maraming mahalaga dito sa number na saka eh di gastos din pag bibili nanaman ako ng bagong sim card no”. sagot ni Kevin at tumingin siya dito at nakita nya na busy ito sa pagtetext ng kung sino-sino.

        “Eh di ikaw na lang kaya magpalit ng number no kasi lagi na lang kitang nakikita na busy sa pakikipagtext mo saka tapos ka na ba magsulat dyan? Kanina ka pa text ng text dyan pagalitan ka nanaman ni maam buti busy gumawa ng lesson plan pag nakita ka talaga nun lagot ka nanaman”. Wika ni Kevin at bumalik na sa pagsusulat ulit.

         “Ayoko nga no, saka mababait naman yung mga nakikipag text saka di naman sila bastos no, saka magsulat ka na lang dyan pahiram na lang ng notes mo total matatapos ka na rin naman dyan”.wika ni Jun at bumalik na uli sa pagtipa ng kanyang cellphone.

         “Nako antamad mo talaga eh no pano nga ba kita nagging kaibigan?”. At bumalik na uli si Kevin sa pagsusulat.

          “Syempre ganyan talaga no, oh bell na uwian na bilisan mo naman dyan magsulat baka gabihin nanaman tayo kakahintay ng jeep pauwi saka pagkatapos mo bilisan mo mag ayos ng gamit ha” wika ni jun na nagsisimula na magligpit ng gamit.

           “Opo senyorito Jun malapit na ako matapos”. Wika ni Kevin nagpatuloy na uli sa pagsusulat. At natapos na nga si Kevin magsulat pagkatapos din magligpit ng gamit ni Jun.

           “ Oh senyorito Jun tapos na ako oh eto na notebook ko, paki ingatan lang po ha.  Nahiya naman ako sayo” at nagsimula na ngang magligpit ng gamit si Kevin “

          “Yun oh sige tutulungan na kita magligpit ng gamit mo para makaalis na tayo andyan na din yung mga juniors na susunod na gagamit nitong lab. Wika ng kanyang kaibigan at tinulungan na rin siyang magligpit ng gamit. Buti na lang talaga kahit tamad tong kaibigan niyang ito ay lagi naman siyang tinutulungan saka bata pa lang sila ay magkasama na sila kaya sila na rin ang magkasama kahit ngayong high school na sila.

           Habang naglalakad sila ni Jun ay may nagtext nanaman na di niya kilala. “Sino nanaman kaya ito iba nanaman ang number” wika ni Kevin habang binabasa at binubura ang mga text na di naman niya kilala kung sino.

            “Baka naman kung kani-kanino nanaman binigay ng mga ka klase natin ang number mo, Ang gwapo mo kasi kaya madaming nanghihingi ng number mo pero ayaw mo naman ibigay dahil sabi mo nga aksaya sa load di ba? So baka mga kaklase na natin ang nagbigay”. Wika ni Jun at ito ay busy din sa pag tetext.

     “Nako malaman ko lang talaga kun sino nagbibigay ng number ko na mga ka klase natin sa iba lagot talaga sa akin”. Pagkatapos magbura ng mga text message ay naisip nanaman ni Kevin kung ano ang ireregalo sa ka klase niyang nabunot. DI naman niya masyadong ka close ang nabunot niya kaya di niya masyado alam kung ano ang ibibigay dito.

 “Jun, alam mo ba kung ano ang gusto ni Lester? Dba medyo ka close mo naman yun?.” Wika niya sabay tingin sa kaibigan na busy pa rin sa pakikipagtext. “nako ito talagang lalaking to kulang na lang pati cellphone na lang ang kaninin”. Wika ni Kevin sa kanyang isip.

“Ahm sige itext ko para malaman natin”.

“Oy wag mong sabihin na ako nagpapatanung ha sabihin mo secret kung sino man nagpapatanung kasi did aw alam kung anu yung gusto niya.”

“Oo kulet, kaya nga ako nagtetext dba?”

“ewan”. At nakarating na nga sila sa sakayan ng jeep.

“Ano nagreply nba?”

“Oo, di ka naman excited dyan?” sa tonong nangaasar

“oo sobrang excited nga ako eh, dib a halata? Ano na anong sinabi?”

“Sabi niya T-shirt lang daw na superman saka baller na black na superman din o kaya sombrero daw na pang swag”. Wika nito na binabasa pa ang text.

“Ah sige yun na lang bibilhin ko, saka samahan mo ako bukas ha? Di ka pa rin ata nakakabili ng panregalo mo di ba? sa Lunes na ang Christmas party ah”.

“Oo kasi naman si mama di pa ako binigyan ng pera nung isang araw so bukas din ako bibili kaya talaga namang sabay tayo bibili “. At nakarating na nga  sila ni Jun sa sakayan ng jeep at busy pa rin si Jun sa pagtetext.

“Oh ayun na wala masyading tao sakay na tayo” . wika ni Jun nang Makita agad ang jeep na walang sakay.

--------------------------

Ahm sa mga readers medyo malayo pa yung may alam neo na pero ganun talaga no :) HAHA subaybayan lang :))! XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Phone Message Chapter 1(on going story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon