Writter's POV
Tinanggap ni Sam ang alok ng mayor na walang kaalam alam ang kanyang bestfriend na si Jeya at ang kanyang pamilya. At bukas ay magsisimula na si Sam sa kanyang trabaho na walang kahit isang tao sa Campus ang nakakaalam.
Sam's POV
Sa pagpasok ko sa Campus ay may lalaking biglang humila ng aking kamay.
"Sino ka!? Bitawan mo ako! "
"Wag kang makulit!"
"Ehh sino ka ba?"
Bigla niya akong tinulak sa pader.
"Ako si Justin Perez ang gwapo mong alaga!"
"Ano ba Siii---"
"Shh, wag mo akong tawaging sir dito sa campus, Justin nalang."
"Ano ba Justin umayos ka nga!"
"Umaayos naman ako ahh, talagang baliw ka lang sa kagwapuhan ko.
" ughh"
Kahit unang araw pa lang ng trabaho ko, naranasan ko na ang lupit ni Justin. Maya maya, lumapit si Jeya sa akin at kinausap ako.
"Sam, bakit di mo sinabi sa akin na may trabaho ka na pala."
"Jeya sorry, biglaan kasi eh, na-enganyo lang talaga ako. Malaki yung pera na alok. Baka makatulong sa pambayad ng mga expenses."
"Alam ba to nina tito Samuel at tita Luezel. Alam mo Sam mahirap yung trabaho mo, kaya itigil mo na yan, humanap ka nalang ng iba"
"Di naman ako alkanse dito eh! P15,000 per two weeks. At saka di rin to alam nina mommy at daddy."
"Sam sabin mo nalang yan sa parents para naman maintindihan ka nila."
Maya maya may tumawag sa akin.
"Saaamm! Halika ka na!"
Kaya't nagpaalam na ako kay Jeya. Sa mga sinabi ni Jeya, masyado akong kinakabahan na sabihin kina mommy at daddy na may trabaho na ako. Kasi baka isipin nila na sinusuway ko na sila.
"Sam! Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot!"
"Sorry ah, nakipagusap pa kasi ako kay Jeya. Ano ba kasi yung kailangan mo?"
"Basta! Sumama ka nalang sa sakin"
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Bigla niya lang akong tinulak papasok sa kotse niya.
Writer's POV
Di namalayan ni Sam na nakatingin na pala sa kanya yung kaibigan ni Clare na si Dione.
Sam's POV
Dinala niya ako sa bahay nila na parang isang subdivision na sa sobrang laki. Dinala niya ako sa kwarto niya. Nagulat ako nang hinubad niya ang kanyang polo shirt.
"Justin bakit ka naghuhubad?"
Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy niya lang ang kanyang paghuhubad hanggang sa umabot na sa brief.
"Ahhhhhhhh! Ahhhhhhh! Hoy Justin!"
"Ayaw mo kasing tumalikod kaya akala ko nasasarapan ka! Oh ikaw naman!"
"Anong ikaw naman? Maghuhubad ako?"
"Eh pano mo naman susuotin yang bestida mo kung hindi ka maghuhubad."
Inabot niya sa akin ang bulaklaking bestida at dumeretso na ako sa banyo upang dun na magbihis. Matapos akong magbihis, lumapit siya sa akin at may binulong.
"Sam, dapat walang makakaalam nito."
"Huh! Ano ba kasi yung gagawin natin?"
"Basta, sekreto lang natin to ahh"
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sinabi niya. Lumabas na kami sa bahay nina Justin at pumasok na ako sa kotse niya. Wala akong kaalam-alam kung saan kami pupunta.
"Justin, saan ba kasi tayo pupunta?"
"Sa event ni lolo, dapat nandun ako para ipamukha sa kanya na mali ang mga salitang isinampal niya kay mama noon."
"Magkaaway kayo ng lolo mo?"
"Parang ganyan na din, galit siya kay mama. Noong mga panahong ipinagbubuntis ako ni mama.........ahh wag na nakakahiya."
Sa mga oras na iyon naramdaman ko na parang masama ang ugali ni Justin dahil nagrerebelde siya sa pamilya niya dahil hindi siya tanggap ng lolo niya. Sa kabila pala ng lahat ng pagiging masama ni Justin may malaking sugat pala siya sa puso niya. Ilang oras na ang nakalipas at nakaabot na kami ni Justin sa event ng lolo niya.
YOU ARE READING
Mr. Badboy Meets Ms. Simple
Подростковая литератураA story of a badboy and a simple girl