Si Samantha Lim ay isang matalino, mabait at mapagkumbaba na babae, ngunit walang kahit isang lalaki ang nagkakagusto sa kanya maliban sa isa.
"Sam! Sam! Samantha Abbygale Lim!! Halika!! Lumabas na yung resulta ng exam!"
Lumingon si Sam nang narinig niya na may taong tumatawag sa kanya.
"Jeya!! Oh! Ito na ba yun? Nakita mo na ba yung sayo?"
"Di pa Sam eh. Halika hanapin natin."
Hinanap nila ang pangalan nilang mag bestfriend sa listahan at naging masaya sa resulta.
"Section St. Mary ako Jeya, ikaw?"
"Section St. Mary ka! Talaga! OmG classmates tayo!"
Naging magkaklase si Jeya at Sam
"(Pabulong) Sam! Sam!"
"Ms. Jeya Vigor! Stop chit chatting! Or else I will bite you in the arm!"
"Sorry ma'am."
Hindi maganda ang first day dahil si Miss Dahlia Flores (ang pinaka strikta na adviser sa buong campus) ang naging adviser nila.
At the canteen
" Jeya anong kakainin mo? Champorado lang ako ikaw?"
Hindi sumasagot si Jeya.
"Huyy! Jeya galit ka ba sakin?"
"Di mo kasi ako sinagot kanina, yan tuloy nakita ako ni Miss Dahlia."
"Di kaya kita narinig."
"Malamang talaga hindi! Titig ka nang titig kay Mr. Badboy"
"Huh, siya? Hindi ahh, may iniisip lang talaga ako."
"Ano nanaman?"
"Si mommy kasi naglasing, nahuli ng boss niya edi na football."
"Ano ba kasi yan si tita Luezel, Sam."
"Oo nga eh. Dumagdag pa tong si Daddy, may pa Casi-Casino pa, inubos niya yung pera namin. Eh pano na yung house expenses diba?"
"Magagawan lang yan ng paraan friend"
"Sana nga Jeya."
"Friend tara na!"
"Huh bakit?"
"Basta tara na!"
Napadali sa pagtayo ang mag bestfriend at hindi namalayan ni Sam na may tao pala sa likod niya. Kaya di sinasadyang nabuhusan ng juice.
"Hala sorry!"
"Dont touch me!"
"Sorry di ko talaga sinasadya!"
"Di mo ba ako kilala you stupid, cheap, brat?"
"Wag na wag mo akong tatawagin na stupid ahh! Nag sorry na nga diba!"
"Eat your words! Lets go girls!"
Kumulo ang dugo ni Sam nang una niyang makilala si Clare Monteverde (ang babaeng hinding hindi magpapatalo lalo na kay Justin Perez).
"Sam, ok ka lang?"
"Ok lang Jeya, na bw*s*t lang talaga ako"
Maya Maya may isang grupo ng mga lalake na tila may hinahanap.
"Sino si SAMANTHA ABBYGALE LIM !?"
Sam's POV
Nabigla ako nang nabanggit ang pangalan ko sa harap ng maraming tao. Bakit niya kaya ako hinahanap? Maya maya may dinagdag ang lalaki.
"Kung nandito ka man Samantha Abbygale Lim dumeretso ka na sa Campus' mini park, pangatlong bench mula sa faculty room."
Inisip ko na baka importante yun kaya't dumeretso nalang ako sa spot na binanggit nang lalaki. Pagdating ko roon may nakita akong lalaki na naka hoodie at naka eyeglasses nakaupo sa nasabing bench. Nilapitan ko siya tinanong kung anong kailangan niya.
"Uhhm, ikaw ba yung lalakeng pinapahanap ako?"
Hindi niya ako kinausap at hindi na siya nagpakilala ngunit may inabot siyang nakatuping papel sa akin na may nakasulat na....
Samantha Abbygale Lim, ikaw ay nakaantasang maging P. A (Personal Asst.) ni Justin Perez. Siguraduhin mong mapapabago mo ang ugali niya. Kung may oras ka turuan mo nalang din ang anak ko ng mga lessons ninyo.
Maging alerto ka sa mga lakad ng anak ko. P 15,000 ang sweldo mo every 2 weeks. Kung may mga tanong ka itext mo lang sa asst. ko. 09074538168. Good luck!~Mayor Rodrigo Perez
Napaisip ako at takot na mag desisyon. Ngunit pakiramdam ko makakatulong iyon sa pamilya ko.
YOU ARE READING
Mr. Badboy Meets Ms. Simple
Ficção AdolescenteA story of a badboy and a simple girl