Nandito kame sa shop ngayon kasama ko si kuya paul, ate ashley, justine at RM wala si pj di naman alam kung nasan.
Nag mimiryenda lang kame at kwentuhan.
Yung dalawang hambog na katabe nag papadamihan naman ng mga babae haaay nako wala na talaga silang nagawang matino.Si kuya paul at ate ash naman okey na nakausap na din yung parents nila ilang linggo na din kasi mula nung nag inuman kame ay sila lang pala.
"Nasan ba si philjay text niyo nga" sabe ni tanda.
"Text mo na BI wala kameng load" dahil wala na kong choice sinunod ko na si RM
*Parekoi nasan kana hinihintay kana nila.
Send.Pag kasend ko nung message siya namang pag dating ni philjay nice nag effort pa ko mag text.
Nagulat kameng lahat dahil may kasama siya sino kaya yun.
"BI my kasama yung future hubs mo bulong sakin ni RM" tsssss lakas mang asar sino naman kaya yung kasama niya aba at siya pa nag tanggal ng helmet wala bang kamay yung babae na to.
" ummmmm someone's jealous HAHAHAHAHAH" pang gagatong ni justine sige tawa pa mamatay sana kayo kakatawa mga hype.
"Anong meron saya niyo ah! Si elis nga pala girlfriend ko"
"Hi im elis" pacute na sabe nung elis we know na ikaw si elis kakasabe lang ni pj diba pssssssh
"Owww hi there elis ako si justine, eto si RM, ate ash at kuya paul at si Bella Irish BI for short" nice justine nice nakakatamad kasi mag pakilala eh.
Hindi na kame kumibo kaya umupo na sila sa bakanteng upuan sa tapat namen ni Rm.
"M lumayo ka nga nangangawit na ko" inalis ko yung ulo niyang nakasandal sa balikat ko nakaka VB yung view ang kati.
"Ano ba ayoko nga " at mas lalong pang sumiksik sakin
"Ang init init para kang bakla jan eh" inis na sagot ko na kakadagdag siya sa VB ko sisipain ko na to.
"Tumigil na nga kayo na stress na yung asawa ko sa ingay niyo eh" saway ni tanda.
"Wooow asawa level up ah hahahahahaha"
Namula tuloy si ate ash sa pang aasar ni justine hahaha.
"Aaahhhh ano na babe wag ka nga mangili ti" maarteng sabe ni elis na nakapag patahimik samen.
"Selos ka no" bulong sakin ni RM sa sobrang cold ng boses niya kinilabutan talaga ko.
"Tssss stop teasing me M alam mo naman na hindi ako nag seselos"
"Okey sabe mo eh hahahaha tara gala tayo bili tayo sa 7/11 ng ice cream pampalamig ng ulo mo"
"Okey mabuti pa nga" tumayo na kame at kinuha na ni RM yun susi niya.
"Alis lang kame ah may papabili ba kayo? " si RM nalang yung nag paalam pumunta na ko sa motor at dun nalang mag hihintay.
"Tara na BI pizza lang gusto nila" sumakay na siya sa likod ko naka front ride kasi ako lam na chicks eh hahaha joke.
Bago kame makaliko tumingin muna ako sa kanila at nakita ko si philjay na seryosong nakatingin samen.
Umiwas nalang ako ng tingen bahala siya.
Tssss pag tapos mang halik hindi mag paparamdam tapos ngayon may girlfriend na ibang klase.
YOU ARE READING
One Of The Boys (Bella Irish)
RomanceI grew up na walang kapatid na lalake at hindi din naman ganun ka close sa mga pinsan kong lalake kaya ganto ako. Sabi nga nila one of the boys daw ako minsan nga napag kakamalan na akong tomboy. Yung ibang mga judgemental naman na inggitera eh mala...