**06**

1 1 0
                                    

Third Person's POV

Kasalukuyang nasa mall ang BTS. Sa likod na bahagi ng mall sila pumasok dahil maraming zombieng nakapalibot sa front door ng mall. Kaya naisipan ni Jimin na sa likuran nalang dumaan.

Nang makapasok na sila sa loob ng mall, dumiretso sila sa super market. 9 AM narin kasi, kaya siguradong nagugutom na sila.

"Hyung ito akin, ay ito pa pala, PATI RIN yun!!" Tuwang-tuwang sigaw ni Taehyung habang namimili ng mga pagkain.

"Swerte naman natin nasa mall tayo. Hihi, libre na lahat! Kekeke." Isa pa 'tong si Kookie. Swerte pa sila sa lagay na yan ah? Sa bagay sino ba namang hindi matutuwa? Yung kapag normal days na mahal ang items sa mall tsaka biglang nagkazombie lahat ng items ay free na.

"Jimin, mabuti pa maligo ka na muna. Tsaka magpalit ka na din ng damit, kukuha ako sa mga bilihan ng damit." Sabi ni Jin. Lalabas na sana siya nnng pigilan siya ni Suga.

"Samahan na din kita hyung. Hindi sapat yung armas na dala mo." Sabi ni Suga at tuluyan na silang umalis.

Si Jimin naman, dumiretso na siya sa CR ng supermarket, yung ginagamit ng mga authorized person lang. Dun siya naligo. Habnng naliligo hindi niya napapansin na may zombie sa bandang kisame ng CR at balak nitong kainin si Jimin.

Natapos naman siya kaagad sa pagligo at saktong pagkalabas niya, biglang bumagsak yung zombie na galing sa kisame.

"Waaahhh!! Hyungs! Zombie!!" Sigaw ni Jimin saka tumakbo papunta sa mga hyungs niya, nakatapis lang siya ng towel at half nake siya. Hindi ko din alalm kung paano siya nagkatowel eh.

"Jimin! Tabi!" Sigaw ni Jhope saka pinugutan ng ulo yung zombie. Namatay naman ito agad.

"Jimin, Taehyung, and Jungkook. I guess I have to give your own armors." Siryosong sabi ni Namjoon. Hay! Leader goals.

"Jimin, get this. Yang iyo ay water gun na kapag itinira mo yan sa kung saan ay magiging apoy iyon. At isa pa, hinding hindi ka mauubusan ng bala hangga't suot mo itong relo, ganun din sa inyong dalawa, Taehyung at Jungkook." Paliwanag ni Namjoon.

Sinubukan naman iyon ni Jimin, itinutok niya iyon sa zombie na napugutan ng ulo kanina lang ni Jhope. Binaril niya iyon. Akala niya wala lang mangyayari kasi ordinaryong tubig lang NAMAN ang tumama sa zombie, pero nagulat siya ng bigla itong umapoy.

"AY NANAY MO!!" Sigaw ni Jimin.

"Oo nga hyung! Da best is you talaga!! Idol!!" Tuwang tuwa na sabi ni Jimin saka yinakap si Namjoon.

"Jimin.... pwede ka nang kumalas." Sabi ni Namjoon in an awkward tone. Hahaha.

"Eto naman sayo V dahil mesapagkaelyen ka, ito yung ginawa ko para sa'yo." Sabi ni Namjon saka iniabot yung palakol kay V

"Hyung naman eii! Ba't kay Jimin astig tas akin?!! Hyung naman ehh!" Pagiinarte ni V habang nagpopout at nagtatadyak tadyak ng paa.

"V akala mo lang, suotin ko na yung relo mo at pindutin mo yung pindutan ng palakol." Sabi ni Namjoon.

Sinuot na ni Taehyung yung relong pink at gaya ng sinabi ni Namjoon, pinindot ni Taehyung yung palakol. Bigla naman siya nawala.

"Hala hyung! Nawala si Taehyung!!" Nagulat na sabi ni Jungkook habang nanlalaki ang mga mata. Hindi pa siguro nagsink in sa utak niyang maliit ang lahat. Hahah char.

"Bulaga!!!" Panggugulat ni Taehyung kay Jungkook. Napatumba naman si Jungkook dahil sa gulat, bigla bigla kasing sumusulpot si V. Kakatawa lang silang tignan.

War Of Zombies ( BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon