Chapter 3: Class Officers

2.6K 64 29
                                    

Maaga akong nagising. Papasok na 'ko magaling naman na ako eh. Tsaka kasi magpapasalamat pa ako kay Eping! Myghad!

Papunta na ko ng school pero naka-earphones pa rin ako. Music kasi ang nagpapasaya sa 'kin. Nakalinya na sila buti na lang tumakbo ako at inilipag ang bag ko pumunta sa linya.

Inalis ko na yung earphone ko. Terror kasi adviser namin eh.

Pumasok na kami sa room. Nagturo na yung terror teacher namin. Nakakaboring gusto ko matulog. Pero bawal eh. Kung ayaw mo pahiyain ka niya sa harap ng klase.

Recess na. Pagkabili ng pagkain, pumunta agad ako sa room. Nagring na rin agad yung bell. Ang bilis nga eh.

"Class, we'll elect our officers today. So be ready to nominate."

Class officers? Nanaman?

Sinimulan namin sa President.

Nanalo yung first honor sa Deswine Academy.

Blah..blah..blah..

Sa muse na. Kinakabahan ako kasi baka ako nanaman.

At as I expected, ako nga. Ako yung ninominate.

"Ang mananalong Muse at Adonis ang icocontest sa Intramurals natin." Kingina nakakahiya! Pag nanalo ako jan Intrams ang bagsak ko.

Pagkatapos mg bilangan, (close eyes)

Whaaaaaaat? Nanalo ako? Puta. Intrams bagsak ko! 😭 naknamputa.

At kung mamalasin ka, ang nanalong adonis? Si Eping -_-

Nang mag-uwian na, dumiretso muna akong Milktea. I open my messenger at may GC na agad tungkol sa darating na intrams. Sa bagay, next week na eh.

LOL player is real nga. Si Trevor gustong sport LOL-_- hayst.

Chinat ako ni Trevor.

Sya: Yohanna?
Mukhang mabait ata siya ngayon. 😂
Ako: Bakit?
Sya: Pagkatapos ng Intrams pumunta ka sa harap ng stage ah?
Ako: Huh? Bakit?
Sya: Basta.

Hays. Kung ano mang masamang balak mo wag mo nang ituloy.

Umuwi na ko ng bahay. Take time to rest.

---------
After a week...

Myghad! Intrams tomorrow is real! Iyak naaa!

Excuse kami ngayon with my teacher at si Trevor. Magreready na kasi kami eh.

Pumunta kami sa David's Salon? Para ipaayos na itong buhok ko. Si Trevor naman pumili ng isusuot dun sa kabila. Mall kasi ito.

Sinimulan na nila ayusin ang buhok ko. Sakit sa leeg pag magbabanlaw ng buhok! Pero sabi ni Teacher tiis ganda raw. -,-

After ng session, chanaaaan!

Gumanda naman ako kahit konti. Mwehehehez.

Binayaran na ni Ma'am at pumunta kami sa isang Optical. Ano naman kayang gagawin namin dito?

"Lalagyan ka nila ng contact lens. Go." Sabi ni Ma'am. Hays.

Pagkatapos ulit nun, sinamahan ako ni Ma'am na bumili ng isusuot ko sa Intrams.

At wala namang 2 minutes, nakapili na agad si Ma'am. Kulay white siya tas merong parang mahabang tela sa likod. Yung parang nilalagay sa ikakasal na babae? Pero hindi naman ako mukhang ikakasal sa damit na yun. Malaki naman ang pinagkaiba eh.

"Tara na para sa sportswear mo." Ano kayang magandang sport na imomodel ko? Uhm, Taekwondo nalang.

Pagkabili namin, umalis na kami. Yung talent portion ko? Whistle by Blackpink. Kpopper kasi ako eh.

Pinaderetso na agad kami sa bahay para magmemorize, magready, at magpahinga. Hays. Sana hindi naman ako matapilok or what bukas.

Trevor's POV

Yung babaeng magpapasaya't magpapaligaya sa 'yo. Yung dahilan ng bawat ngiti mo.

Siguro nga, handa na kong aminin sa kanya bukas. Oo, mahal na mahal ko siya.

Ngayon lang ako manliligaw ng ganito. Kasi pagdating ng araw ipapakasal ako sa babaeng di ko gusto. Dahil sa business ng pamilya namin. Kaya inaaksaya ko ang oras ko sa LOL.

At ang tinutukoy kong babae?

Si Yohanna Levine Ocampo.

Ang babaeng nagpatibok ng puso ko. At nagturo sakin ng salitang 'pagpapahalaga'.

Sa kanya lang ako nagseryoso.

Nagising ako sa katotohanan ng tinawag ako ni Mom.

"Nak, I found out na ikaw ang Mr. Intrams representative ng Grade 7?" -Mom

"Yes, Mom. And it's tomorrow na." Tugon ko.

Natulog na ako. Ready naman na siguro lahat ng surpresa bukas.

Yohanna's POV

Nagising na ako sa napakagandang panaginip ko. Si Jungkook papakasalan ako mygahd! Sayang naputol sumigaw kasi si Mama.

"Yohan! Ano ba? Intrams niyo ngayon! Magpapaayos ka pa! Nako naman nak!"  Nagulat ako kaya gumising ako agad.

Binilisan ko ng nagbihis at pumunta na ng Salon. Owmayy. Gusto ko talaga yung make-up ni Jennie Kiiiim!

At dahil mahal nila ako, yun ang imemake-up nila sakin <3

Wiee! After the session...

Ako ba 'to? Psh, Yohan nagtaka ka pa.

Papunta na ako ng school at nakita ko ang iba kong kaklase. Wala si Trevor siguro nagreready na din siya.

"Wow! <3 Levinita is dat you po?" Sabi nung kaklase ko HAHAHA.

Umalis na ako agad at pumunta ng room ng mga candidates.

"Yohanna? Yung make-up mo parang si Jennie Kim?" Tanong nung isang babaeng nakatube ng black.

Oh! May kadugo pala akong army at Blackpink dito!

"Ah oo. Hehe."

Pagkatapos nun, magsisimula na yung pageant. Omyghad medyo kinakabahan ako.

Nagsi-arrange na ang mga contestants. Panglima ako.

Yung una, maganda naman. Yung pangalawa, kailangan pa siguro ng practice sa paglalakad. Yung pangatlo muntikan ng madulas. Yung pang-apat okay naman.

Pang lima ohmayghad.

Rumampa na ako with confidence. Shepayy lang ang cute nag-effort yung section namin <3

At yung isa nagustuhan ko!

Nakalagay go Blackpink Yohan<3 mahal ka ni Jungkook!

Omyy!

Pagkatapos nun ay susunod ang talent portion. Whistle ang sasayawin ko may dalawang back-up dancers sa likod ko.

Crop top yumg suot ko at maong shorts.

Nang tinawag na yung 5 pumunta na ko sa harap.

'Make a whistle like a missile bomb bomb! Everytime I show up, blow up oh.'

Wieeeee! Feeling ko talaga ako si Jennie😍

Pagkatapos ng performance ko lakas ng sigaw ng section namin! ❤

Sumunod na yung Q and A. Homayghas talaga. T_T

Iba yung question and answer namin dito. May bubunutin ka sa isang box tapos kung ano yung nabunot mo, ieexplain mo siya.

Nang tawagin na ang five, pumunta na ako. Bumunot ako ng isa.

"Ang mga words na nasa box na ito ay galing sa mga trending hashtags sa twitter!" Sabi nung emcee.

Shettt!

-----------------
Medyo matatagalan po ko sa update😂 may isang story po akong tinatapos eh.

-Ms. author

Falling for a LOL player❤️Where stories live. Discover now