Chapter 2: Edi magpapasalamat

2.1K 50 0
                                    

Trevor's POV

Nasa computer shop kami ngayon at pinaghihintay ko ang babaitang NAIA na ito. Eh pano ba naman kasi? Ang laki ng noo eh. Tapos tinawag pa ako ng Eping. Excuse me, ang gwapo ko para jan.

Habang naglolol ako napansin kong wala si NAIA kaya tinignan ko siya sa labas. Baka tinakasan na ako nun. Mahirap na haha.

Tas nakita ko nalang siya na pinagtritripan ng mga lalaki. At may ice cream pa ang lawak noo na 'to ah.

"Hoy! Bitawan niyo nga siya!" Mga bwisit 'to. Ito yung mga nakalaban ko sa LOL eh. Mga weak naman. Isang araw kasi, niyaya nila ako magLOL kahit beginner palang sila tapos ang laki pa ng pinusta nila. Ako ang nanalo at sinasabi nilang cheater ako kaya lang naman ako nanalo.

Binugbog nila ako. Ginawa ko naman ang makakaya ko para makalaban sila.

Kaso napatumba ako. At nagdilim na ang lahat.

___________________________
Author's POV

Sinakay ng mga kaaway si Trevor at Yohanna sa kotse. Dinala nila ito sa isang lumang factory. Pinaupo nila sa upuan si Yohanna at itinali. Habang si Trevor ay hinayaan lang nila sa sahig.

Nagising na si Yohanna.

"Oh, gising na pala ang ating prinsesa eh." Sigaw nung isang lalaki.

"Asaan ako? Teka, diba nasa computer shop ako kanina? Pero ba't..." Hindi niya naituloy ang pagsasalita niya dahil tinakpan nung lalaki ang bibig ni Yohanna gamit ang pointer finger niya.

"Ssssh. Wag maingay baby. Ipapaliwanag ko sayo pag tapos na ang show." *evil grin*

"King*na ka! Baby? Eew! Uuwi na ko!" Sabi ni Yohanna at pilit na iniaalis ang tali sa katawan niya. Pero di niya ito maalis sa higpit ng pagkakatali.

Pumadpad ang mata ni Yohanna kay Trevor. Halata sa mukha ni Yohanna na naaawa na siya.

"Hoy Eping! Bumangon ka nga diyan!" Ngunit hindi bumangon si Trevor. Aakmang iiyak na si Yohanna.

~

"Uy mga tol. Ba't nawala si Francis?" Tugon ni Zayn. Sila lang na tatlo nina Justin at Enzy ang pwedeng tumawag ng Francis kay Trevor.

"Oo nga mga tol. Try niyo ngang tawagan." Sabi ni Enzy. Lumabas sila dahil walang signal at saktong nakita nila ang cellphone ni Trevor na tumutunog sa gitna ng kalsada.

"Malakas ang kutob kong nasa panganib siya." Sabi ni Justin.

"Tara puntahan na natin."

Hanggang sa nakakita sila ng factory. Bumaba sila at dahan-dahang sumilip sa isang butas na naroon.

"Tama nga ang kutob kong andito sila. At teka, si Terrence yun 'di ba? Yung beginner sa LOL na tinalo ni Trevor?" Kutob ni Justin.

"Hala. Totoo nga. Tara na!" Sigaw ni Enzy.

---

Nagising na si Trevor at pagmulat niya ng mata nagulat siya dahil may mga nakapaligid na sa kanya.

"Bakit ako nandito?" Tanong niya.

"Sisimulan na ba natin ang show?" Sigaw ni Terrence. Aakmang papaluin na ni Terrence ng kahoy si Trevor ng sumigaw si Yohanna.

Falling for a LOL player❤️Where stories live. Discover now