Chapter 3

5.3K 31 0
                                    

Ang Central National High School ay kilalang public school sa Quezon City dahil

para na ring ito private school kung saan mas prioridad nila ang mga nasa class S to C. Habang ang mga nasa class D naman ay tapunan ng mga pinakamababa ang ranking sa school.

Naging Class D dati sila Adrian at Luk nung first year sila dahil nahuli sila ng pagenroll kaya dun sila tinapon.

Balik sa kwento....

After ng weekend ay masayang masaya si Adrian na pumasok sa school pero bago yun ay nag tweet muna siya ng "Kitakits sa school. #AngSayaNgLayf." Talagang masaya ang gago dahil nga sa nangyari nung Byernes:

"Okay class, we have a transferee student here and she well introduce herself." Pahiwatig ni Maam Kate sa mga mag-aaral niya.

Pumasok naman ang dalaga na nakayuko at mahinhin na nahinhin na naglalakad sa harap ng nila Adrian. Napatitig naman ang lahat sa kanya pati na rin ang mga girls napa taas kilay sa kanya.

"Ahm. Hi, I'm Xhena Mae Valdez, 16 years old. I came from Leyte province and I'm a transferee here." mahinhin na pinakilala ng magandang binibini ang sarili niya. Obvious ba?

"Hmm probinsyana." bulong ng klasmeyt niyang babae sa katabi nito.

Mangha ang mga boys sa kagandahan ni Xhena lalong lalo na ang Big 5 na sumisigaw ng: "Ano number mo Miss Xhen? Pwede kitang itour dito sa puso ko!" sigaw ng gwapong si Red. Na obviousy Red talaga ang buhok.

"Boom!" banat naman ng apat niyang kasama. Sabay tawanan ang mag-aaral na tinigil naman ni Maam Kate.

"Okay Miss Valdez you may take a seat now."

"Thanks maam." agad naman na naghanap si Xhena ng mauupuan. Naririnig niya na gusto ng Big 5 na tumabi siya sa kanila. Pero di niya ito pinansin. Sa halip ay "Okay lang umupo dito?"

"Ha ako ba kausap mo?" Nabigla si Adrian ng kinausap siya ni Xhena . "Naku naman. Heto kahinaan ko. Babae. Babae wala ng iba," naisip ni Adrian habang kinakabahan.

"Obvious naman siguro na sayo ako nakatitig at tsaka kaw kinakausap ko?" pagtataray ni Xhena.

"Naku ang taray naman pala nito akala ko probinsyana..." naisip ni Adrian habang pinagpapawisan. Tuliro pa rin siya dahil na LAFS nga siya sa dalagang ito na mamula mula pa ang pisngi. "Ah, oo okay lang na umupo ka jan Miss----".

"Xhena," ngiti ng dalaga. Agad naman siya umupo sa tabi no Adrian. "Ahm hindi naman ako galit. hihi, para kasing natatakot ka sa akin" Ngiti ng dalaga.

Di naman kumibo si Adrian. Tog tog tog tog. Palakas ng palakas ang kabog ng puso ni Adrian dahil katabi niya ang maria clarang binibini.

Tog tog tog tog tog. Limang minuto na ang lumipas ng tinabihan siya ni Xhena at patuloy pa rin ang kaba niya ng...

"Ahhh.." Napasigaw si Xhena.

Nagulat ang lahat. Inatake na pala sa asthma si Adrian! Lokong bata, di na-carry ang tibok ng puso niya! Yan tuloy inatake ng asthma! haha

17 Year Old VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon