Chapter 4

2.2K 46 0
                                    

Halos dalawang oras din ang itinagal ng meeting. Dinaluhan iyon ng mga kasapi ng organisasyong pinamumunuan ng ama ni Leester. At dahil wala ang kaniyang ama, napagkasunduan ng mga miyembro na siya muna ang pumalit sa binakante nitong posisyon. Ibig sabihin siya ang mamamahala sa operasyon ng grupo. Hindi na rin bago sa kaniya ang mga pasikut-sikot pagdating sa kanilang negosyo. Pinalaki siya para doon. Para sumunod sa yapak ng ama. Kilala na rin niya ang mga miyembro ng grupo dahil noon pa man ay nakakadaupang-palad na niya ang mga iyon. Liban na lang sa mga bagong pasok na kailangan kilatisin.

Paglabas niya sa kaniyang opisina sa Monteero Empire Building, dumiretso siya sa parking area. Habang naglalakad, tinanggal niya ang coat and necktie at inilagay iyon sa backseat ng sasakyan. Itinupi niya hanggang siko ang suot na dress shirt bago pinaandar ang kotse.

Pagkatapos ng mahigit beinte minutong pagmamaneho, narating niya ang GML University. Ayon sa lalaking binugbog niya sa labas ng club kagabi,  sa university na ito kadalasang tumatambay ang mga kasamahan nito. Sinuri muna niya ang paligid at nang mapansin niyang wala namang kahina-hinala, ipinarada niya ang sasakyan sa labas ng coffee shop na katapat ng eskwelahan. Papasok siya sa coffee shop at kung nagsasabi ng totoo ang lalaking iyon, malamang hindi siya aalis ng lugar na 'yon nang walang nakukuhang impormasyon.

Pagpasok niya sa loob, nakita niya ang mangilan-ngilang customer na karamihan ay mga estudyante. Ngunit sa isang sulok ng establisimyentong iyon ay napansin niya ang limang lalaki na tila seryoso ang pinag-uusapan. Napadako ang kaniyang tingin sa kalapit na mesa at napangiti siya sa nakita. Kilala niya ang tatlong estudyanteng nakaupo sa mesang iyon. Napansin din siya ng mga iyon. Kinawayan siya  no'ng isa saka ngumiti. Tumango naman siya bilang ganti. Napansin niya ang pagbulong nito sa katabing babae na tila kinikilig.

'Perfect timing' sa loob-loob niya.

Matapos mabayaran ang in-order niyang black coffee, pumunta siya sa kinaroroonan ng tatlong estudyanteng iyon.

"Hey, can I join you?" wika niya nang may ngiti sa labi.

"Yeshhh, of course! Raine, my hero," pabebeng sagot ni Stephen sabay lagay ng invisible bangs nito sa likod ng tainga. Umayos ito ng upo na tila binibigyan si Leester ng espasyo para makaupo subalit mas pinili niya na maupo sa tabi ni Isabella. Umikot ang mga mata nito na siya namang ikinatawa ni Liza. Medyo namula naman ang pisngi ni Isabella nang makaupo si Leester at 'di 'yon nakaligtas sa paningin ng binata. Lihim siyang napangiti. Two birds in one stone. Nagtagpo uli ang landas nila ng dalaga na ngayon ay katabi niya at napapakinggan pa niya ang usapan ng limang kalalakihan sa kaniyang likuran. Walang nakakaalam sa tatlong kaharap niya  kung ano ang tunay niyang layunin sa loob ng coffee shop na iyon.

"So how are you, guys? Kanina pa kayo rito?"

"Magkakasunod lang tayo," wika ni Liza sabay kuha ng iniinom nitong capuccino. "Ba't nga pala nandito ka? Don't tell me sa GML University ka rin nag-aaral?"

"Nope. May imi-meet akong friend. Napaaga lang ako ng dating," pagdadahilan niya.

Panay ang kwento nina Liza at Stephen samantalang si Isabella naman ay bibihira lang makisali sa usapan. Napapansin 'yon ni Leester subalit abala din siya sa pakikinig sa usapan ng limang lalaki sa kaniyang likuran kaya ngumingiti lang siya sa tatlo o kaya naman maikling oo lang ang isinasagot niya sa mga ito.

Matapos ang mahigit kalahating oras, tumayo ang limang lalaki at kitang kita niya ang tatto ng mga ito nang mapadaan sa kaniyang tabi. Kumuyom ang kaniyang mga palad kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga. Gusto na niyang tumayo para patayin ang mga ito ngunit napansin iyon ni Isabella. Hinawakan siya nito sa braso dahilan upang makaramdam siya ng tila bolta-boltaheng kuryente sa buong katawan niya. Nagsalita ang dalaga kaya napatingin siya sa gawi nito.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon