1. What should I do?
3rd Person POV
Nagpapractice ng basketball si Vince sa court sa school nila ng biglang may tumawag sakanya.
"uy Vince may naghahanap sayo" sabi nung lalaki
"ha? ah.. Ok sige" sagot ni vince na nagtataka
Paglabas ni vince nakita nya ang taong naghahanap sakanya, babae pala at yung babaeng yun ay yung crush niya pala pero syempre hndi nya pinahalata kay Angela na crush niya sya kaya kalmado lang sya nung hinarap ito.
...... ........... ..... ......... .... .......
Pagkatapos nilang magusap nagpaalam na si Vince kay Angela tapos kinuha na nya yung gamit niya para makauwi na.
- - -
Vince POV
Pagkauwi ko sa bahay hndi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin, hindi ko alam kung anong gagawin ko para magustuhan din ako ni Angela, baka matameme ako sa harapan niya pag magkasama na kami. Ayst! Ano ba naman..
Humiram ako ng libro sa classmate ko kanina, "11 steps for girls to like you" yan yung title ng libro, ewan ko nga kung bakit may ganun yung kaklase ko eh. Lalaki pa naman yun. Anyway.. Habang binabasa ko yun.. walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam kng pano iaapply yung mga yun sa sarili ko. To think na maraming mga babae ang may gagwapuhan skin tapos ganun lang di ko kaya. Kaasar!
Pagkagising ko ang sakit sakit ng batok ko. Tinignan ko yung wall clock 30 mins lang pala akong nakatulog kakabasa dun sa libro tapos wala rin naman akong maintndhan.
Kinuha ko nalang yung mga damit ko sa cabinet, ano kayang isusuot ko kung lumabas kami? haaaay! Kahirap pala ng ganito. Inisa isa ko yung mga damit ko, bakit puro t-shirt? wala ba akong polo? o kaya kahit anong magandang damit? ano banaman! ><
Pumunta nalang ako sa computer ko, nagsearch ako ng mga bagay na isuot sa date. Kung saan dapat dinadala ang mga babae kapag nasa date. Kung anong romantic dapat ang gawin para sakanya. Mga damoves para magustuhan nya ko...
Kaso wala talaga akong maintndhan. Ang gusto ko kasi simple lang pero sweet tapos yung natural na ako lang yung magugustuhan niya.
After 10mins, wala parin akong gnagawa kaya natulog nalang ulit ako.......
... ... ...
Kinabukasan...
Vince POV
Nandito na ko sa school, actually tapos na yung mga klase, uwian narin namin kaya naglakad ako papunta sa washing area para basain yung mukha ko tapos naglakad na ko palabas.. lakad... lakad... lakad... nung malapit na ako sa gate may nakita akong babae at lalaki, parang pinipilit nung lalaki yung babae.
Nakita ako nung babae, biglang nanlaki yung mata niya tapos nilapitan ko sila.
"Hoy, anong gnagawa mo kay Jen? Layuan mo nga siya!" sabay agaw nung kamay ni Jen skanya.
Aalis na sana kami kaso bigla akong sinapak nung lalaki na hndi ko kilala. Walang'yang yun, sisirain pa yung mukha ko. Ayun, bago pa nya ko masapak ulit, hinawakan ko na yung kanang kamay nya gamit yung kanan ko saka ko siya sinapak gamit yung kaliwang kamay ko. Tatayo pa sana sya kaso sinipa ko siya sa tiyan tapos tumakbo na kami ni Jen.
... ... ...
Pagkarating namin sa field may mga naglalaro dun tapos may mga upuan din dun kaya dun ako umupo. Pagkaupo ko nakita ko na umupo rin si Jen sa may bandang taas ko. Tinitignan nya yung mukha ko na nangingitim na dahil sa suntok nung gagong yun.
"Bakit ba?" naiiritang tanong ko sakanya kasi nakatitig siya sa mukha ko.
Hindi siya sumagot tapos ang gnawa nya pinindot pindot niya yung pasa sa mukha ko.
"Aray! Wag nga!" sabi ko sakanya tapos siya tawa ng tawa na pinipindot pindot parin yung pasa ko
"Bakit ka ba tumatawa? Tinulungan na nga kita eh" sabi ko sakanya
"Ohhh, kung malalaman ng mga babae dito sa school na ako yung dahilan kng bakit nagkaganyan yang mukha mo, patay talaga ako." sabay pindot nnaman sa mukha ko na nakangiti
"Tch. Sana pala hndi nalang kita tinulungan, hinayaan nalang sana kitang rapin nung gagong yun!" naiinis na sabi ko
Tapos bigla siyang natahimik, tumingin siya sa malayo..
"Nga pala, sbihin mo nga skin, bakit ka ba ginugulo nun?" tanong ko para magsalita nman sya. Nahurt yata sa snbi ko eh
"Sa totoo lang...... uhm..." sagot niya sakin na parang nagaalangan
"Bakit? sabihin mo na sakin.." atat na tanong ko
"Bakit ka ba nagagalit sakin?" tanong nya sabay hampas sa likod ko
"Oo na ssbhn ko na, pero ipromise mo skin na hndi mo sasabihin sa iba?"
"Oo. Pangako!" nakangiting sagot ko sakanya
"Ahm... kasi, ang totoo nyan. Gusto ko na makipagbreak sakanya kaso lang ayaw niya pumayag." naiinis na kwento nya skin
"Huh!? bakit naman kayo magbebreak? anong dahilan?" nacucurious na tanong ko. Medyo tsismoso lang ang dating ko.
"Nahuli ko siya, niloloko niya ko" sagot niya
"Nung nalaman ko yun, gusto ko na siya ibreak kaya lang ayaw niya pumayag, kaya pinuntahan nya ko.. nagmamakaawa sya skin na wag ako makpagbreak skanya tapos ayun bigla kang dumating" pagpapatuloy niya
"Ay.. kagulo naman, hahaha.. pano kung hndi ako dumating....." pangiinis ko sakanya
Nakita ko syang ngumiti, "Kainis ka!" sabi nya sabay hampas sakin.
"Maganda ka kasi kaya ganon." nakangiting sabi ko, nakita ko rin syang ngumiti
"Aynako, Ewan ko sayo.. pero salamat pala ah. Hndi ko na alam ang ggwin ko kung hndi ka dumating" nakangiting sabi nya
".... ahm... ah... J-jen...." nauutal kong sabi
"uhm? bakit? ano yun?" sabi nya
"ah.... pwde bang humingi nga favor?......"
...........
.............
...............
..................
Hi guys. This is my second story. Hindi pa taposyung first story ko perognawa ko na to. May pinanghuhugutanakonetong story na to eh..
True story to na may Twist. hihi! :">
Sana magustuhanniyo! ^_^
Please do read my stories. Vote. Comment. & Follow me as well. :*
Thankyou guys!
HAPPY NEW YEAR. :)))

BINABASA MO ANG
Is she the one?
Fiksyen RemajaAnong mararamdaman mo kung yung taong gusto mo, gusto ka? - kakilig dba? Eh pano kung dumating yung time na hndi na pala siya yung gusto mo? na may iba ka ng gusto? Gusto ka rin kaya ng taong gusto mo na? - - - - - READ and ENJOY! ;)