PuchoPucho 5

38 4 6
                                    

Cayla

Step 1. Ilabas mo lang lahat ng emosyon mo.

Admit mo lang na talagang may strong feelings ka for him. Let it go hanggang magsawa ka sa kaaamin na gusto mo nga sya haha :D

Step 2. Don't let bitterness get into you.

Wag kang masyadong bitter chingu. Idiot ka lang hindi ka bitter arasseo?

Step 3. Pulaan mo siya.

Hmmm..... Dapat iwasan mo na ang pagpupuri at pag-eemphasize sa mga magagandang katangian niya. You should also notice those things in him na hindi kanais-nais. Di ba Gingging marami siya non? He's your cousin so alam mo lahat ng baho ng Mark na yan. Share mo yon sa kanya.

Step 4. Someone out there deserves you better than him.

Yiiieeee someone out there's looking out for you chingu. Wag kakalimutan ha? Bear that in mind. Kung si Mark ayaw sayo, I'm pretty sure merong isang nilalang sa mundong to ang kasing baliw mo. Trust me.

Step 5. Remember, YOU are amazing and beautiful.

Tandaan! Maganda! Mas maganda kesa sa GF niya. AJA!

Step 6. Stop talking to him, stop talking about him.

Eto chingu! Eto! Hahahaha alam kong di ka nakakapagsalita pag nasa paligid siya pero wag na dapat ganun haha nahahalata ka masyado. Nagmumuka kang pabebe kahit na nahihiya ka lang naman talaga. Saka yung pangalawa, STOP TALKING ABOUT HIM! Duh! Kami kaharap mo pero puro tungkol sa kanya ang tinatanong mo? Wag na yon. Ne?

Step 7. Wag kang bubuntot-buntot sa kanya. -______-!

Kung nasaan man siya, wag mo kaming hihilahin dalwa. Please kung susundan mo siya ikaw na lang wag mo na kame idamay ha? Charot! What I mean is kung nasaan mo siya dapat di ka niya maispottan din doon. Iisipin non na sinusundan mo siya or iniistalk mo siya which is true haha

Step 8. Get ready for a new crush.

Yiiieeeee the most exciting part! hahaha

"Aiissh! Ano ba yan? Andami? Sadya?! Haaayst! You think that would work ha?" naguguluhang tanong ko sa dalwa kong kaibigan. Yeah after ilang weeks ng pagkabusy namin sa pag-aasikaso kung saan kami mag-oOJT ito ang kinahantungan ng aking mga idiot na kaibigan.

"Pwede ba? Wag kang choosy. Sinearch pa namin yan ni Dayanot sa google para lang matulungan ka tapos makareact ka dyan tsss.. and duh dapat nga walang ganyan e. Kasi in the first place wala ka namang dapat ikamove-on di ba?" inis na sabi ni Gingging.

"Ssssshh... Abi ano ka ba? Bakit ka ba ganyan? If I know concern ka rin sa kanya e, kaya nga nagsearch ka rin di ba? Talagang to." malumanay na saad ni Dayanot.

The Way He IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon