PuchoPucho7

8 1 0
                                    

Cayla

"Chinguuus! Graduate na tayooo! Finally! Chukahae!" masayang bati ni Diane sa amin. Oo. Graduate na kami.

Ang bilis ng panahon. Masyadong naging busy ang mga nagdaang buwan para saming magkakaibigan. Minsan na lang kami magkita dahil sa iba't-ibang paaralan namin napiling mag-OJT. Kung magkikita man kami ay sa school na lang at kung magpapasa ng requirements or may kailangang ayusin.

"Congrats sa inyong magkakaibigan." bati ng isang lalaki mula sa kung saan. Agad ko namang nakilala si Mark nang lumingon ako.

Ngayon ko lang sya ulit nakita after ilang buwan. Dahil na rin siguro sa kabusyhan ay hindi ko na sya masyadong naisip. Hindi ko sya masyadong hinahanap, hindi bukambibig kasi wala naman akong mapagkwentuhan tungkol sa kanya. Wala rin akong masyadong naging balita sa kanya. Pero ngayon heto sya sa harap ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw.

"Huy sabi ko congrats! Di mo man lang ako babatiin? Grumaduate din ako aba!" natatawang turan ni Mark

"Ah ano... Oo congrats din sa'yo at sa mga kaibigan mo." kabadong tugon ko.

"Bakit pati mga kaibigan ko binati mo? Ako lang naman ang nandito. Kakatampo naman!"  sagot nya kaya napatingin ako sa mukha nya.

Hindi ko alam kung bakit ganyan ang naging tugon nya. Ano? Bakit? Bakit sya ganyan? Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

" Ano ka ba Cayla, ako lang to. Masyado ka namang kinakabahan dyan!"

Tumawa na naman sya. Sa aming apat ay sya lang ang natawa sa sinabi nya. Siguro ramdam din ng dalawa kong kaibigan ang nararamdaman ko. Marahil nagtataka rin sila kung bakit ganito bigla ang pakikitungo sa akin ni Mark. Sa tagal naming hindi nagkita nakakapagtaka na bigla syang naging ganito. Gusto kong matuwa at kiligin. Gusto kong maglupasay dahil finally eto sya ngayon sakin. Binibigyan nya ko ng pansin. Binibigyan nya ko ng oras. Pero hindi ko maiwasang mag-alala, mag-isip at magtaka. Pero sige sa ngayon hahayaan ko muna ang sarili kong damdamin na tangayin ang buong pagkatao ko. Patungo sa kanya.

"Anyway balik na ko sa parents ko. Pumunta lang talaga ako dito para batiin kayong tatlo. Congrats ulit. Abi, sabay-sabay daw tayong uuwi. Cayla, alis na ko." tumango pa sya sakin bago tuluyang tumalikod at umalis kaya napakapit ako sa mga kaibigan ko. Grabe! Lakas talaga ng epekto nya sakin. Mahal ko na ata sya?

" Ano'ng meron? Bakit ganon sya sa'yo ngayon Cayla? Nag-uusap na ba kayo dati bago pa maggraduation o ngayon lang talaga sya lumapit sa'yo? takang tanong ni Abi. Halata sa mukha nya ang pagkainis at pagtataka. Ako man ay nagtataka pero lamang ang kasiyahan sa puso ko.

"Ano ka ba pinsan mo yon. Ikaw dapat ang mas nakakaalam. Isa pa, at least ngayon kusa na syang lumalapit sakin. Nagkukusa na syang makipag-usap. Saka gash! Nakita nyo ba yon? Nagpaalam pa sya sakin bago sya umalis. Naku! Sabi ko na mahuhulog din yang pinsan mo sa alindog ko!

"Pero ka-...

" Tama si Cayla, Abi. Maging masaya na lang tayo para sa kanya. Ilang taon din nyang pinangarap yang pinsan mo kaya hayaan na natin. Basta wag lang nyang sasaktan ang kaibigan natin. " pagpigil ni Diane sa sasabihin pa sana ni Abi.

Hindi na rin naman na kumontra pa si Abi pero kita ko ang masamang tinging ipinukol nya kay Diane.

To be continued...

The Way He IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon