Airport prevs

76 1 24
                                    

Chanyeol's POV

Kababa lang namin ng van para pumunta sa loob ng airport. Maraming fans ang sumalubong samin kasama na rin ang mga fansite na pinipicturan kami ngayon.

Katabi ko ngayon si Kyungsoo habang nag lalakad dahil ang lintek na Baekhyun ayon kasama si Kai! Hmp.

"Bakit kaba sakin sumasama?!" Bulong ni Soo. Iniingatan nyang wag siyang marinig ng mga fans hahaha. Halata sa kanya na naiinis na siya dahil ayaw niya ngang nakasunod ako sa kanya "nakakainis kasi si Baek eh! Tignan mo kay Jongin tumabi" sagot ko sa kanya at sumimangot.

Hindi ko alam kung ano bang problema niya. Nung isang araw habang nasa taipei kami, ayos naman kaming dalawa. Nagpost pa nga siya sa IG at binati ako eh.

Nung araw na yon. Nagulat talaga ako sa insta update niya. Di ko aakalain na magpopost siya ng ganon. Kinilig pa nga ako eh haha, pagkabasa ko non tumakbo agad ako sa kanya at niyakap at hinalikan ko siya. Puro hiyawan ang narinig sa dorm pagkatapos non.

Kinagabihan non, tabi kaming natulog ni baek. Binuksan namin parehas ang ig namin at nakita namin yung mga comments na hindi kaaya-aya. Tinignan niya ako at ngumiti sabay natulog nalang siya.

Alam ko namang nasaktan na naman siya sa sinasabi ng ibang fans, kung matatawag nga bang fans yon.

Kelan ba kami magiging malayang dalawa?

Kinabukasan non di niya na ako pinapansin masyado. Hanggang sa makabalik kami ng dorm. Kapag may kailangan lang tska siya lalapit sakin. NAKAKAFRUSTRATE KAYA! ARGH.

"Pakelam ko kung magkasama sila" sabi ni kyungsoo sabay irap sakin. Asus kunyare pa 'tong si kwago, halata namang nagseselos.

Kaya hinawakan ko kamay niya sabay naglakad ng mabagal. Tinignan niya ako ng masama, narinig pa namin ang impit na tili ng ibang fans. Siguro shipper namin.

"Ano ba Chanyeol! Bitawan mo kamay ko!" Hindi ko siya pinakinggan at mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Pilit niyang tinatanggal ng maingat para hindi makita ng mga fans.

Habang hawak ko kamay niya. Tinext ko naman si Baekhyun.

To:  My Baekhyuniiee~     Tumingin ka sa likod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

To: My Baekhyuniiee~
Tumingin ka sa likod. Nakikita mo 'to? Di ko 'to bibitawan hangga't di ka umaalis sa tabi ni Jongin!

Sent!

Pagkasend ko 'non. Nakita ko naman na binasa niya sabay lingon sakin. Ngumiti ako sa kanya pero ang langya inirapan ako sabay dikit lalo kay Jongin. ARGH! BYUN BAEKHYUN.

Mas lalo kung hinigpitan ang hawak kay Kyungsoo at sumimangot pa. Alam kong mahahalata 'to ng fans pero badtrip na talaga ako. Ito gusto niya? FINE!

"Makisakay ka nalang. Tsk! Btw, pumunta nga pala si Eomma sa premier night mo kagabi ah" tinigil niya naman ang pag tanggal ng kamay ko sa kanya. "Oo, nagulat nga ako eh! Pakisabi kay Eomoni, thank you ulit" Ngumiti nalang ako sa kanya sabay tumango. Paborito talaga siya ni Mama hays.

AirportTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon