Chapter 4(Meet Harrel,the bestfriend)

29 3 0
                                    

Chapter 4(Meet Harrel,the bestfriend)

(Harrel's POV)

Halos ilang chapters na ang nagdaan,ngayon lang naisipan ni author na bigyan ako ng karapatan.ahaha.

BytheWay.Ako si Harrel Reynoso ,nakilala ninyo ako bilang bestfriend ni Alexa,syempre yun naman ang role ko rito eh.

Isa akong typical na lalaki.Syempre mai-inlove sa isang babae,lalo na sa bestfriends nila na babae pero iba kasi ang sa akin bukod sa hindi daw babae si Alexa ayaw ko siyang masaktan kaya eto ako over protective masyado sa kanya.Halos araw-araw hindi ko inaalis ang tingin sa kanya.OA hindi naman ako nagmumukhang mamboboso nuh.Kahit nasa apartment na siya hindi ko parin mapigilang i-check siya kung minsan kung okay lang siya.OA buh? Wala eh... Yun na kasi ang nakatatak sa isip ko ..ang sinabi ng tatay ni Alexa noon:

Flashback.

Pagkatapos naming dalawin ang puntod ng lola at lolo ko pumupunta kami sa puntod ng mama niya.

Ipapakilala niya daw ako sa tatay niya tulad ng pagpapakilala ko sa kanya kina lolo at lola ko.ahaha.Akala ko nanay niya ang pupuntahan namin,nagtaka ako kasi sa papa niya ako ipapakilala.Ang gulo ni Alexa.

"Pa,si Harrel po.Ang unang kaibigan ko."Noong una halos lumabas ang puso ko sa kaba ng makita ko ang tatay niya.Ang laki kasi ng katawan at halata mong malakas.Kalbo pa...Grave..Ngayon  alam ko na kung saan nagmana si Alexa.

"H-hello po."Bati ko sa papa niya.NAngangatog na nag mga buto ko at hinihintay ko nalang na hihipan ako ng tatay niya at mapupudpod na ako at dadalhin ng hangin pero nawala ang lahat ng yun ng ngumiti ang tatay niya sa akin.

"Musta naman ang pagiging bestfriend ng anak ko?"Tanong niya.Parang magkapatid lang silang dalawa kung magyakapan.

"Okay lang po."Sagot ko.

"Ahh..Alexa Yvette."Tawag niya sa anak.Naku mas malala pa pala ang tawag ng tatay niya sa kanya kaysa sa akin eh.

Parang trained dog si Alexa kung makalapit sa tatay niya.Hindi naman sa nakalabas yung dila niya pero ang bait niya tingnan at hindi mo mahahalata na tomboy siya.

"Ilagay mo muna 'tong bulaklak sa puntod ng mom mo ah..Mapupuntahan lang kami."Sabi pa niya.

"opo."

Nagulat ako ng hilahin ako ng papa niya at dalhin ako sa isang tindahan.Lumaki ang mata ko nung inabutan ako ng tatay niya ng isang kaha ng sigarilyo.

"Po?"

"Kunin mo?"Alok niya.

Nilayo ko ito sa akin."Sorry po.Hindi po ako naninigarilyo."Pagtanggi ko.Hindi naman talaga.

"Talaga?..ndi ka naninigarilyo?Alam mo bang nakakabawas yan ng points sa isang lalaki."

"Po?Hindi naman po ata, kasi ang tatay ko hindi naman naninigarilyo pero mahal  po siya sa nanay ko."Sagot ko.

" ahhh...Talaga?"Ahhh.... ay oo nga minsan pala nagdadalawang isip ako sa papa ko.....Pero hindi!!

"Opo..Hindi po kasi basihan ang pagsunog ng baga ang pagiging lalaki at hindi po ito maganda sa katawan."Sagot ko.Nagulat ulit ako ng ngumiti siya at inakbayan ako.

"Hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili sayo bilang bestfriend niya.Sabihin mo nga...wala ka na bang nahihigit na nararamdaman sa anak ko maliban sa bestfriend mo siya...bakit mo siya gustong makasama."Kulang nalang sabihin ng papa niya ang katagang ..SOCO.Grabe siya magimbestiga.

Napaisip ako sa sinabi ng tatay ni Alexa.Tama siya anu pa nga ba pero halos lahat na araw na magkasama kami ni Alexa nakakalimutan kong may problema pala ako.Minsan nga nakakalimutan kong may assignments pa pala akong tatapusin ..Teka nga?Kuya boy abunda ikaw ba 'tong nagtatanung???????

Pero sa totoo lang wala na akong ibang nararamdaman maliban nalang nung----

"Harrel!!Paaaa!"

Nakabalik ako sa senses ng sinigawan na ako ni Alexa.Oi nakabalik na pala kami dito?Hinanap ng mata ko ang tatay ni Alexa at nakita ko nga siya sa likuran ko na sumusunod lang sa pag lalakad sa akin.Napatingin naman ako sa papalapit sa akin na si Alexa..Masaya siya tapos ang buhok niya sumasabay pa sa kanya habang tumatakbo siya,napangiti ako.Nilingun ko muli ang nasalikod ko kaso nasa tabi ko na pala siya at hindi ko inaasahang may ibubulong siya a akin.

"Alagaan mo si Alexa ko,magiging sayo rin siya kung gugustuhin mo.ahaha." At sinalubong niya ang anak niya.

Nakatingin lang ako sa kanila mag ama.Kahit kailan hindi pa ako nakakakita ng ganito ka close na mag-ama....

End of flashback.

"Pre ayos ka lang?"Si Alexa pala sabay batok sa akin.

"Wag mo nga akong ma pre.pre.."

"PRE!!"Siya at itinaas ang kamay para mag-apir.Tinawanan ko lang siya at hindi pinansin.

Mukahang nalalasing na kasi ako sa iniinum mo eh..

"Oii..Harrel okay ka lang?Uwi na tayo.Hatid mo na ako pre!! Come on!!"~TAwag ni Alexa sa akin.

"Sige uwi na  tayo."~At nagpaalam na kami sa ka banda niya.Sa bahay nung Micheal silang nagpapractice tapos kanina nagdala ng root beer itong si Micheal.At bilang isang dakilang bestfriend, ininum ko na ang baso ni Alexa na may beer.Ayaw ko siyang malasing .Bahala na kung ako ang masubsob sa daan wag lang siya baka ako pa ang paslangin ng kalbo niyang tatay.

"Harrel,sa mga susunod na araw a-absent ako ah...kasi may gig kasi kami eh.."Sabi niya nang nasa daan na kami.

"Hindi ako papayag baka makita ka ng papa mo magagalit yun."~Ako.Hindi pa kasi alam ng papa niya na nagbabanda siya kasi baka papagalitan siya oh anu.

"Hindi yun.Ako bahala sige na please....wag mong sabihin kay papa okay??"~Alexa.

"Ge...basta wagkang magpapakita ah..."~Ako

"Yeees....Okay!!! Wag mo akong ma miss ah.. one week lang naman ..eh..."~Si Alexa.

"ANU!!!!?? ONE WEEK?!!!Anung tingin mo doon isang oras lang?"

"BASTA PUMAYAG KA PRE AH WALANG BAWIAN!!"Sigaw niya at sinampal ako bigla at tumakbo papalayo.

PUt---pweeeh!

Anu bang pumasok sa isip niya ha???Hinabol ko siya ...Habulan lang kami hanggang sa nakauwi na kami.Nawala ang lasing ko doon ah..

//Sorry sa mga errors...Enjoy.please leave a comment.

_Ter_AL

Prohibited usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon