Chapter 2

6 0 0
                                    

My heart rammed inside my ribcage err- I mean chest. this isn't the time to be anatomically conscious Mira. I reminded myself.

I mean sino ba naman ang hindi kakabahan kung may isang gwapong lalaki na hitik sa kabanguhan ang hihila sayo papasok sa condo ng kayo lang! I'm not prasing him okay? Just describing, yeah yun lang yon. So going back

"Oh anong 'now you won't be able to run drama' to?" I asked when we I finally regained my composure and arched a brow at him.

"You ran away earlier at the restaurant, I just wanna be friends with you Serene." He replied. Serene? My name is Mira well Serene is my name too but oh well never mind.

"Ah you see, I have no time to fool around and collect 'friends' as I'm busy so sorry." friends daw wushu gasgas na yang mga linyang yan breezy moves itong si koya.

"Then I better start showing you around since you seem to be a very busy girl." He winked. Napuwing?

I scanned through the place, the whole unit has an interior shade of powder blue matching the ceilings tiffany blue intricate designs, both are my favourite color so the place itself gives some kind of homey vibe, ganoon din kasi ang interior ng kwarto ko sa bahay naming sa alabang. Maybe we have the same interior designer? Whoever the owner of this unit is, one thing's for sure: she has some great taste! She dahil very feminine ang mga furnitures

Sinimulan niya nakong ilibot sa buong unit magmula sa sala na may katmatamang laki para sakin kung ako lang naman mag isa ang tutuloy don sa totoo nga niyan sobra pa yong espasyo so kahit sguro magbisita ako ay hindi ganoon ka cramped sa loob may flat screen TV na rin na nasa 50" and sofa set yung lamesita naman sa gitna ay maayos ang pagkaka ayos. kapansin pansin na malinis ang paligid at walang anumang bahid ng alikabok, ipalinis siguro ito sa housekeeping bago ipa view at walang other personal na gamit ang makikita.

Sumunod naman sa kitchen kumpleto sa gamit magmula kubyertos hanggang caserola next ang bedroom na nasa gilid ay ang balcony. May double sized bed sa gitna sa tabi naman ay may bedside table with lampshade with built in cabinet rin. Iyong bathroom ay may hot and cold shower and toilet bowl with bidet. Overall masasabi kong nice catch na ito walang maipipintas dahil nandito na lahat tanging mga personal na gamit nalang ang dadalhin ko kapag lumipat ako.

Furnished o hindi ay ayos lang sakin dahil ang habol ko lang ay ang mapalapit sa school ko. Imagine yung itutulog ko nalang ay ibibyahe ko pa. Pero dahil furnished itong nakita ni ate ay grab na sunggab na this.

"Two months advanced then two months deposit then 11 post dated checks?" tanong ko sakanya tungkol sa payment terms bago ako lumipat.

"Usually ganoon ang terms pero since schoolmate naman tayo kahit 1 month payment lang makakalipat ka na. Tawagan mo nalang ako regarding sa contract signing minimum of 1 year pala." Ani ni Chaos

"No special treatment kung ano ang kailangan yun nalang."

"So okay ka naman sa lugar? Next naman ang amenities itotour kita."

"Thanks Chaos but its getting late. Dito naman ako titira so kapag nakatira nalang siguro ako ay dun ko na ichecheck iyong mga yon. Salamat sa time itetext ulit kita regarding sa contract signing." Totoo naman na mag gagabi na hindi ko namalayan ang oras.

"Okay sweetheart and my name is Blaze but hearing you say 'Chaos' sounds so hot so Chaos it is."

Ignore him Mira you've met a lot of annoying guys like him and even worse but got over them he's the same. Guys are a nuisance.

"Okay bye." I headed towards the door without turning back and I can't wait to ride the elevator away from this man.

Nang bigla niya kong hawakan sa kamay. Bat ang hilig manghiklat ng taong to? "Hey wait I'll give you a ride back since I don't think its safe for you to ride a cab at this hour."

I glanced at my wristwatch and its only 7:36pm.

"It's not even 8pm so there's still time if it's the curfew you're worried about."

"No honey curfew time or not its still evening and I'll be dead meat if something bad happens to you binilin ka sakin ni Ate Chelsea."

"Magpapasundo na lang ako kay Ate ng matahimik ang mundo mo." I rolled my eyes.

"Mapapagod pa ang ate mo kung mula Alabang ay papupuntahin mo siya sa QC."

"Hindi siya maglalakad duh." Napupuno nako sa lalaking to

"Alam ko pero Traffic kaya duh."

"May expressway at may skyway pa." Isa pa! nako

"No way, Serene look hindi ako papayag no matter what na mag commute ka pauwi at maaga ka pa bukas sa school right? Nasasayang ang oras mo sa pakikipag talo sakin busy ka pa naman di ba at least let me make sure na ligtas kang makakauwi sa inyo malayo ang Alabang and kung mag tataxi ka mapapa mahal ka pa sige ka, I know you're well off and ayaw mong nagkaka utang na loob but you can think of other ways to get even total naman ay magkikita pa tayo for the contract signing kung iyon ay para sa ikatatahimik mo, sounds fair enough?."

Wala nakong masabi pa. Ano pa nga ba eh sinabi niya na ang lahat ng pwede ko pang idahilan at sinagot narin niya. Hindi pa naman ako sanay na natatalo ng lalaki sa mga argumento but I'll let this one pass.

We rode the elevator and the silence was deafening dahil wala ni isa samin ang nagsalita pa hanggang marating ang parking, napagod ata siya sa dami ng sinabi kanina.

Pagdating sa parking lot iginiya niya ko patungo sa isang red Mazda 3 na sasakyan. Ipinagbukas pako ng mokong ng pinto ng akmang hahawakan ko na. 

his manly scent filled the car. He leaned over me and our faces were only inches apart. When..

He adjusted the seatbelt, my seatbelt. "Safety First." Then he smiled and adjusted his own seatbelt before starting the engine.

What he said next instantly send chills to my spine.

"Serene there's somewhere I want to go first before taking you home."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CrossroadsWhere stories live. Discover now