[Chapter9- E&A meets AEA Army ]

34 1 0
                                    

(Eunice's POV)

8:30am pa lang ay pumasok na ako, ako kasi ang muse sa English Fest na gaganapin ngayon sa school namin, escort ko naman si Aj. Pinalitan kasi yung dating muse ni Aj, pasaway daw kasi hindi umaattend ng practice tapos kung aattend late pa. Pagdating ko ay nandito na pala si Aj, sinosolo na yung mga lines niya para mamaya. Nakita na ako ni ma'am Remulla kaya pinaayusan na agad ako. Una ay pinakulot ang buhok ko, yung baba lang. Pinasukat naman nila ang susuotin ko para mamaya pag pinakilala na ang mga characters. Ako nga pala si Elizabeth Swann at si Jack Sparrow naman si Aj. Natatawa nga ako sa kanya kapag naglalasing lasingan siya eh, ganun kasi si Jack haha. Pagkatapos nun ay sinimulan na akong make-upan at nagbihis na dahil malapit na daw ipakilala ang mga characters. Nakabihis na din si Aj. Pagkakita ko sa kanya 

"ahmff wahahaha!!"  

"tawa ka jan!"  

"ahaha ang cute mo Aj wahaha! maglasing lasingan ka nga ulit!" 

"thanks! ang ganda mo Eunice, ayoko tatawanan mo lang ako eh" 

"sige na please *puppy eyes" 

"wag na! hoy! wag kang tatawa mamaya ah! baka matalo tayo!" 

"ahaha oo na!" 

*To all participants, please proceed at the back stage* 

"tara na, tawag na tayo doon oh" 

"let's gooo!!"  

Pumunta na kami sa back stage at pinapila na kami. Lumabas na yung contestant #1 kasama nung escort niya, nagpalakpakan naman yung mga tao. Lumabas na din kami dahil kami na yung sunod. Nagpalakpakan din ang mga tao pero mas malakas yung samin kaysa nung sa una. Biglang may mga naghiyawan kaya napatingin kami ni Aj doon, nakita namin si Annrry nakatingin samin at nanunood. Oo galit parin ako sa kanya pero kahit papano nabawasan na ito saka alam kong sinusuportahan niya parin kami kahit na magkagalit kami. Nakipag usap siya sa grupo ng babae na nasa harap niya at pumunta sila ng canteen. Ano yun? pinagpalit na ba niya kami? may bago na agad siyang mga kaibigan? Ang alam ko hindi siya namamansin ng hindi niya kilala at hindi din siya basta basta sumasama sa kung sinu-sino lang. Pagkatapos namin rumampa ay bumalik na kami sa back stage. 

"Aj, sa tingin mo ba pinagpalit na niya tayo?" 

"hindi ko alam" 

"nakakainis naman siya! nawala lang tayo sa tabi niya may kapalit na agad tayo!" 

"maski ako eh, alam ko kasing hindi siya namamansin ng hindi niya kilala at lalong lalo na ang pagsama" 

"pero sa tingin mo, kaya ba siya nanood kasi she support us?" 

"oo, yata? alam ko naman na kahit magkakagalit tayo, she's always there to support us kaya kahit di niya sabihin, alam ko at ramdam ko" 

Gangster Fell Inlove With A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon