1

7 0 0
                                        

"Roselle, anak kamusta ka na?"

"Bumabalik ka pa pala samin,papa?"

"Roselle! Wag mong sinasagot sagot ng  ganyan ang papa mo!"

"Mama. Mas matindi pa kayo sa mga kilala ko dyan sa kanto sa pagpapakatanga nyo kay papa."

"Roselle! Wag mong bastusin ang mama mo!"

"Hindi ko binabastos ang mama ko. Iminumulat ko lang sya sa katotohanan na hindi ka namin kailangan!"

*pak

"Fred..."

"Roselle, ako padin ang tatay mo. Kami ang magulang mo! Sa ayaw mo't sa gusto, kami ang masusunod at dapat igalang mo!"

"Marahil nga po kayo ang tatay ko pero kahit minsan hindi ko naramdaman ang presensya nyo bilang ama ko."

"Roselle, Fredo... Itigil nyo na yan!"

"Tilda,pagsabihan mo yang batang yan!"

"Oo. Tama na."

Simula non, umalis si papa sa bahay at marahil ay nagtungo na siya sa asawa nya. Tama. Nakakaawa ano? Kabit ang nanay ko, ako ang naging bunga niyon.

"Roselle naman. Hindi ka manlamang ba nag iisip?! Minsan na lamang dumalaw dito ang tatay mo tapos ganyan pa ang iaasta mo?"

"Mama, hindi ko kasalanan kung bakit ni minsan hindi ko iginalang yang lalaking yan! Tatay ko man sya o hindi, hindi ko matatanggap ang pangyayaring sana ay matagal ko nang nakalimutan!"

Umalis ako sa harap ni mama at pumunta sa kwarto ko.. Aalis ako dito bago pa dumating ang mga kapatid ko.

Dalawa kaming anak ni Fredo kay mama. Pero dahil nag ibang bansa ang pamilya ni papa,nagkaroon ako ng pangatlong kapatid na bunga ng pakikipagtalik ni mama sa lalaki nya.

Nagpapadala lagi si mama sa bugso ng damdamin nya.. Lahat ginugusto nya kahit maagrabyado pa sya pero kahit anuman ang maging kasalanan nya, mama ko sya at mahal na mahal ko sya.

"San mo binabalak na pumunta Roselle?"

"Walang may pake. Pabayaan nyo ako tutal dun kayo magaling."

Umalis ako ng bahay at pumunta sa kaibigan ko.. Doon na muna ako tutal welcome na welcome ako doon.

"Elle, anong nagyari sayo? Dumalaw na naman ba?" Tumingin lang ako sa mata nya.. Niyakap nya ako na naging dahilan ng pagtulo ng mga luha ko.

"Hindi ko naman ginusto ito e.. Ayokong--"

"Shhhh. Tama na. Wag ka nang magpaliwanag pa. Alam ko. Walang kahit sino ang ginustong mangyari lahat ng ito. Magiging okay din ang lahat."

Pagkasabi nya niyon, pinunasan nya ang luha ko at pinapasok sa bahay nila.. Tulog na si tita kaya tuluyan na kaming pumasok sa kwarto. Hindi na ako kumain pa, wala akong gana.

"Matulog ka na. Bukas na lang tayo mag usap ulit. Okay? Goodnight."

"Thank you. The best ka talaga. Goodnight."

Nginitian nya ako. Pinatay nya ang ilaw at natulog na pero ako, hindi pa.. Hindi muna.. Naglaan pa ako ng ilang minuto para makapag isip ng maayos bago ako tuluyang nawala sa wisyo..

*Zzzzzzzzzzzzz 😴

The Black MysteryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon