Chapter 1.

9.3K 74 4
                                    

Never ko pang na-experience ang ma-in love. Ever. Siguro, kinikilig lang ako dun sa mga nagtatanong sa akin ng.. “Ate, pwedeng manligaw?” Tapos magugulat ka na lang na nalaman na number mo, tapos i-a-add ka na sa FB. Weird. Wala namang masama na makipagkilala sila. Pero mga mukha silang hindi seryoso.

Okay, hindi ako mayabang pero madaming nagkakagusto sa akin. Kasi, apat silang nanliligaw sa akin. Yung dalawa pa dun, magkaibigan. Pero, lower year sila sa akin. Hindi naman sila seryoso pero may isa lang talaga na…

“Jas..sagutin mo na kasi eh..” sabi ni Charie, best friend ko.

“Talaga bang dapat sagutin ko sila? Look, hindi pa ako pinpayagan sa bahay. Baka magalit sila sa akin.”

“Mahal mo ba siya?” Yung totoo, oo.

“Oo..pero..natatakot nga ako.”

“Edi i-lihim niyo.”

“Ano? Hindi ganon yun kadali.”

“Kung mahal ka naman niya, I’m sure go din siya dun.”

Chapter 1.

May activity na naman sa school, late na naman recess namin. Bakit kasi sakop nila yung quadrangle? Tsk.

Ang liit kasi ng school ko. Malaki yung bayad pero ang liit ng lugar. Gutom na ako. Sobra.

Pumunta na lang ako ng CR para mag-ayos ng sarili. Tae. Ang gulo pala ng buhok ko? Nakakahiya. Kanina pa ako palakad-lakad.

Nang lumabas na ako, may sumitsit sa akin. Ano ba ako dito, aso?

“Pst. Dito.” Saan?

“Maka-sitsit ka naman wagas.”

“Syempre. Gusto mo Nicole?” Okay. Pangalan ko ay Jasmine Nicole, pero I prefer Nicole, si Charie lang may karapatan na tawagin akong Jas.

Siya si Jonas Alonso. Lower year sa akin. Nanliligaw sa akin though hindi ako pumayag pero pinilit na lang niya sarili niya.

“Gusto mo?”

“Ano yan?”

“Sandwich.. gutom ka na siguro.” Paano niya nalaman? Kinuha ko at nag-thank you.

“Walang inumin?” Demanding ko, noh?

“Teka, tatakbo ako.” Haha. Bait mo talaga Jonas.

Recess na kasi nila eh, 3rd year na ako tapos sila 2nd year pa lang.

Binilhan niya ako ng C2. Pwede na.

“Thank you talaga ah.” At umakyat na ako. Kumain na lang ako habang paakyat.

Pagdating ko sa room, nandun yung adviser ko, si Ms. Ramos. Patay ako nito. Nandun yung room pass nakasabit sa black board.

Buti na lang at lumabas si Jonna,  sumabay na lang ako sa kanya.

Ayos. Hindi ako nahalata ni Ms, Ramos!

“May mumo ka pa sa bibig.” Sabi ni Charie. Boink. Huli.

Tinanggal ko na dahil nakakahiya naman.

“Kumain ka na? Daya mo.”

“Hindi, binigyan lang ako ni Jonas.”

“Yieeh..Ikaw na may manliligaw!”

“Ewan, bigla lang naman niya ako inabutan eh.”

At inaasar pa din ako ni Charie. Gawd. Di ko sasagutin yun no. Ayoko.

Actually, may crush talaga ako. Si Rye. Hindi ko alam bakit crush ko yun eh. Crush lang naman.

“Don’t tell me, iniisip mo pa din si R!” We used to have codenames. Well, that’s high school.

Easy To Fall In Love.Where stories live. Discover now