Chapter 2.

3.6K 30 1
                                    

Chapter 2.

Ahhhh. Ang ingay ng alarm tone ko. Girlfriend ni Avril Lavigne. Okay. Hindi ba obvious na para kay Rye yun? Haha

Naligo na ako baka kasi ma-late pa ako. Aww. Wala mama ko, may seminar siya sa Cebu, so walang maghahanda ng pagkain ko. Huhu. Buti na lang at mabait si kuya ko, hinandaan ako ng ham and egg. Kunyare pang nagutom siya bigla at nagluto na ng madami para hindi masabihan ng madamot, pero yung totoo, pinaghandaan niya talaga ako.

“Alis na po ako!” Hinihintay na pala ako ni Charie sa labas.

Pumasok na kami dahil nakikisabay lang ako sa sasakyan nila ng papa niya.

Ng nasa school na kami, hindi kami late, ayokong ma-late dahil ayokong pumunta kay s. Grace, yung parang Discipline adviser ng school. Sungit kasi nun eh. Tsaka ayoko lang talaga.

Umakyat na kami ng classroom, ganon pa din nangyayari.

Natapos ang araw na ganun. Medyo okay na ako sa sugat ko. Natatakpan naman ng palda eh.

Kaso problema ko bukas, PE. Naka-jogging pants naman kami pero tatakbo dahil basketball yung lesson namin. WTH.

“May nagpapabigay oh.” ANO ‘TO? SULAT?

From JCG.

To You.

WTH. Ano naman ‘to. Who the pak is JCG?

Binasa ko yung sulat niya...

Ang ganda mo pa din kahit ganyan ka maglakad.

Tapos may drawing pa. Babaeng naka-peace sign. Cute lang. Natuwa na ako dahil..ganon ba talaga ako ka-special sa iba? Sana kay Rye din. Pero, asa-ness naman.

“Ano ba yan, may sulat ka na naman dyan..”

“Alam mo Charie, bakit kaya sila ganun no? Ayaw na lang nila magpakilala?”

“Akala mo ba ganun kadali yun?” Sabagay may point si best friend. Yung feelings ko nga kay Rye, sa graduation pa namin ko sasabihin eh. I’m sure hindi na kami magkikita after graduation. Iiwas ako. Hahaha

Umuwi na kami. Wala kaming moment ni Rye ngayon. Huhu.

Sana bukas meron na.

Lumipas ang ilang lingo, ganun pa din. Walang pinagbago. Masaya na naman ako dahil nagpunta kaming computer lab, si Marie absent, sa akin talaga siya tumingin, tapos sumenyas siya kung okay na ba sugat ko. Nag-OK sign ako. Tapos nagsmile siya at nagsulat na. Wala kasi silang aircon eh. Sira. Paano, hindi sila makuntento, patay-sindi.

Nakita yun ni Charie at inasar na naman ako. Nakatulala lang ako sa loob ng computer lab. Pero nagagawa ko naman yung pinapagawa ng teacher ko.

Dahil mataas kami sa quiz kanina, yung 30 mins, pwede na mag-net. Why so bait, Sir Argen?

Uwian na. Walang kasabay si Rye umuwi, kaya tinitignan ko lang siya dahil wala si Marie. Iniisip ko kung ako yung nasa tabi niya. Mas bagay yata kami noh? Tama lang height namin. Swak na swak.

Nakita niya yata akong nakatitig sa kanya, umiwas ako ng tingin, tapos lumapit siya.

Nasaan ka na ba Charie? Tagal mo naman maglinis.

“Hello. Wala ka ding kasabay umuwi?”

“Uhh..meron.” At naupo siya sa tabi ko, nakaupo kasi ako sa may bench sa quadrangle.

“Sino? Si Charie?” Malamang, Sino pa ba? Haha

“Oo.”

Awkward. Tahimik talaga.

“Ikaw? Wala kang kasabay? Talagang si Marie lang talagang kasama mo?” tanong ko sakanya

“Oo eh. Nasanay na din ako.”

“Ahh.” Ouch.

“Eh,paano ka na niyan uuwi?”

“Sasabay na lang ako sa inyo.” WHAT? TAMA BA ‘TONG NARIRINIG KO? Sasabay siya sa amin?

“Nako..”

“Wag kang mag-alala, libre ko naman eh.”

Nag-half smile na lang ako. Tagal ni Charie talaga, Anong oras na oh. Kinakabahan na ako oh.

“Uyyy! Nandyan lang pala ikaw!!!” sigaw ni Charie

Nag-hi si Rye kay Charie. Tumingin sa akin ng mapang-asar si Charie. Baliw. Wag kang obvious please?

Naglakad na kami palabas ng school. Magkatabi kami ni Rye. Bale ako nasa gitna nilang dalawa. Nag-para na kami ng jeep sa harap ng school.

“Ako na..” biglang sabi ni Rye habang kumukuha ako ng barya sa wallet ko.

Na-thank you na lang kami. Hindi ako makatitig sa kanya, Nasa harap kasi naming siya eh. Ako, sa labas na lang ako nakatitig kahit na mas maganada view dito sa loob ng jeep.

Nauna na kami ni Charie bumaba ang layo pa yata ngbahay nila Rye eh.

Naglakad lang kami ni Charie dahil magkukwentuhan pa kami.

Tae! Naiwan ko yata sa locker yung panyo ko. Huhuhu

“Peram panyo Charie.”

Inabot niya sa akin yung panyo niya at nagpatuloy na kami magkwentuhan.

Nakarating na din ako ng bahay, nagpaalam na ako kay Charie.

Gutom na ako. Ano kaya ulam namin?

“Nak! Nandito ka na!”

“Ma! Anong oras po kayo nakauwi? Ano po ulam?”

“Your favorite...adobo!”

“Ayos! Kain nap o ako bihis lang po ako saglit.”

Hinanda na ni Mama yung mga plato, yes! Nandito na mama ko. Hindi na ako magugutom lagi. Hahaha

Kumain na kami sabay-sabay. Si kuya, may nililigawan na. Buti pa siya, pwedeng may ligawan. Samantalang ako? Huhuhu

Natapos ko ng gawin yung mga assignment ko at nag-net na. Naglaro lang saglit sa y3 at nagcheck na din ng mga notifications. Nag-update na din sa Twitter. I’m just happy. Please don’t ruin it.

Kabaklaan ng tweet ko. Haha.

Natulog na ako dahil nakakapagod yung araw kahit masaya.

May event yata ngayon? Madami kasing upuan sa quadrangle. Nakita ko sa stage nakalagay ... Araw ng Kasaysayan. Wow. Oo nga pala.

Umakyat na ako ng classroom at naririnig kong nagpapractice yung mga classmates ko. Bakit hindi ko alam na sasali pala sila sa Araw ng Kasaysayan? Nakaka-excite tuloy.

Dahil sa event mamaya, wala kaming Geometry hanggang last subject, salamat Araw ng Kasaysayan.

Nagsimula na yung program.

Puro kantahan pala ‘to. Battle of the band? Yata?

Ang ganda ng boses. Sino yun? Teka. Si Rye yun ah? Wow. Natutunaw ako. Ang swerte nga naman ni Marie oh. Siguro, gabi-gabi kinakantahan niya yun hanggang sa makatulog. Pangarap ko yun eh. Haaayy.

Kinanta nila, sarili nilang kanta. Perfect yung boses niya plus yung tugtog. Kung ako judge, winner na sila.

Ang daming nagpicture sa kanya, siguro, madami ng nagkagusto kay Rye matapos niyang kumanta. Si Marie naman sinalubong si Rye galing stage. WTF.

“Galing niya kumanta no?”

“Naku, oo ngae, napapansin ko nga madami na yatang magkakagusto sa kanya.”

“Alam mo Nics,, okay lang yan. Ganyan talaga life.” At ngumuso na lang ako.

Nanalo yung year namin, sila Rye. Galing naman kasi eh.

Sobrang proud si Marie, asusual, holding hands sila palabas ng school, parang kahapon lang. Kami magkasama.

Sana maghiwalay na sila.

Easy To Fall In Love.Where stories live. Discover now