Chapter 3.

2.4K 25 2
                                    

Chapter 3.

“At kahit mahal kita, wala akong magagawa, tanggap ko, oh aking sinta, pangarap lang kita...”

Pangarap ko na lang talaga si Rye. Kawawa naman ako. Ako ‘tong babae pero ako yung naghihintay. Nakakainis talaga.

Pumunta muna ako ng guidance dahil may kailangan lang akong tanungin, tungkol sa nararamdaman ko, hindi ko na kasi alam kung normal pa ba ito eh.

Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko si Rye. Nakaupo. Papa-consult pa yata siya. Hay.

Paalis na sana ako ng bigla niya akong tinawag.

“Nicole..” Wala akong choice kundi pumasok.

“Bakit ka nandito?”

“Wala lang. May itatanong lang ako eh. Ikaw?” Tanong niya.

“Ahh. May kukuhanin lang sana ako dito eh.”

Natahimik kami.

“Ang galing mo pala last week.” Yun lang naman pwede kong masabi eh. Hindi naman kami close.

“Salamat. Ikaw pa lang nagsabi sa kin niyan.” HUH? Hindi siya sinasabihan ni Marie?

“Hindi ka sinasabihan ni Marie?”

“Hindi. Lagi niya lang sinabi, ‘mag-practice ka pa’.”

“Seryoso?” Nagulat ako sa sinabi niya. Nag-jjoke ba ‘to?

“Seryoso ako. Hindi ko alam kung ayaw niya sa boses ko o ayaw niya akong kumakanta.”

Ang ganda naman ng boses niya eh. Pang lalaki. Pang-love song.

“Weird naman.”

“Weird talaga. Gusto niya lang lagi magkaholding hands kami.”

Wth. Kamay lang habol kay Rye? Hahaha.

“Okay naman kayo?” tanong ko sa kanya.

“Oo naman. Parang hindi lang. Minsan kasi nakakainis na eh. Parang hindi na niya ako mahal.” OMG. Bakit niya sa akin sinasabi ‘to?

“Hindi ko alam bakit sinasabi ko ‘to sa’yo pero alam kong secure naman lahat ng mga ito sa’yo.” Nagtitiwala siya sa akin.

Tahimik lang ako. Who’d have thought, dito yata kami magsisimula.

Lumabas na si Ms. Santos, yung guidance counsellor, at pinapasok na si Rye, nagpaalam na ako sa kanya, at nag-wave na din siya.

Umakyat na ako ng room na nakangiti.

“Oh. Bakit ka nakangiti?” tanong ni Charie.

“Wala lang. Masama ba?” Di ko pa din mapigilan ngiti ko. Nakita ko si Marie, may katext. Sino kaya yun? Yung boyfriend naman niya nasa baba. Hmm.

Uwian na naming at nagkasalubong kami ni Rye, si Charie kasi may pinasa sa adviser namin.

“Uy!” sabi niya

“Oh?” Wala kasi talaga ako masabi pag siya kaharap ko eh. Tapos hindi pa ako makatingin sa kanya.

“Uwi ka na?”

“Oo.” Di ba, ang tipid ko talaga.

“Sige, bye!” nag-smile siya. Ang lalim ng dimples niya.

Ako naman, hinintay si Charie sa labas ng room, nakadungaw lang ako sa corridor naming, nakita ko si Rye at Marie magka-holding hands, tapos bitbit pa ni Rye yung paper bag na dala ni Marie. Hay. Nakaka-inggit. Tumingin na lang ako sa langit, palubog na yung araw. Palubog na din siguro yung pag-asa ko kay Rye.

Ang tagal naman nila maghiwalay.

Easy To Fall In Love.Where stories live. Discover now