ANG PABORITO KONG KATANGAHAN

82 1 0
                                    


Date started : 11/22/16
Time check : 7:25 am

Written by : KIRYU

Sa buhay natin Hindi maiiwasan ang mag kamali , ang maging tanga tanga sa mga simpleng bagay pero alam nyo ba na sa bawat katangahan nyong nagagawa sa araw araw ay may maidudulot ding maganda sayo ?

Na masasabi mong yon na ang pinaka paborito mong katangahan

Dahil sa katangahan, nakilala ko sya :) , ang babaeng di ko akalaing kababaliwan ko pala , ang babaeng magiging dahilan ng araw araw kong pag hinga , babaeng dahilan kung bakit ako ngumingiti , ang babaeng dahilan kung bakit ako nag aaral mabuti , ang babaeng dahilan kung bakit may patuloy pa ring nag e exist na Yvonne Malaya sa mundo

(take note: lalake ako ! Please wag kayong malito, call me Von, nick name ko yon)  

Summer non , mag po 4th year college na ko that time , sa isang di ka sikatang unibersidad dito sa Pilipinas

Katanghalian tapat ng mag yaya ang mga ka board mates ko na mag basketball daw kame , pumayag naman ako dala ng boring na boring din naman ako sa kwarto kaya sumama ko sakanila

Maingay kami nong nag lalakad papunta sa isang side ng subdivision

Dumaan kami sa isang short cut, medyo may kasikipan ang Daan sa dinaanan namin , dahil napapa ligiran ito ng mga matataas na pader

Short cut daw ito papuntang court sabi ng isa naming kasama, si Ben

Ng maka alpas kami sa makipot na Daan ay nag Simula nanamang mag harutan ang mga kasama ko
Sa ka abnormalan nila  ay Bigla na lang silang nag habulan sa Madamong bahagi ng Daan na dinaanan namin  syempre na damay ako kahit ayoko , batuhan sila ng bola , bola ng pang basketball ang sakit kaya non !
Kaya puro ilag lang ang ginagawa ko , tapos non napadaan kame sa isang mukhang abandonadong bahay, kung titignan ito ay parang haunted ang bahay na ito pero ang sabi may nakatira don , ng biglang hinagis ni Brix yung bola ulit sakin gaya ng sinabi ko umilag ulit ako at sa di inaasahang pangyayare

*CRASH*

*BLAGG*

Nabasag ang bintana ng abandonadong bahay narinig ko pA ngang may bumagsak sa loob ng bahay natamaan ata ng bola

Agad nag panic ang mga kasama ko, at nag umpisa nang mag sisihan

mga abnormal talaga -,- kaya sinabihan ko silang ako na aayos ng Problema , wala namang tumutol sa sinabi ko at agad silang lumihis ng Daan para umuwi , mga walangya wala man lang sumama sakin kahit isa ! Tsk

Nag deretso ako sa gate ng bahay at doon ay paulit ulit na kumatok , naka kita ako ng doorbell kaya sinubukan ko na din kung gumagana ang kaso Hindi pala , muka nga akong tanga that time kase 50/50 ang chances ko kung may tao ba dito sa bahay o wala pero patuloy pa din akong kumatok , halos mag tatatlumpung minuto na kong naka tayo sa harap ng gate ngunit wala pa ring sinyales na may tao sa loob kaya kahit ayaw kong mag trespass ay pumasok na rin ako , 

**  sayang yung bola **

ayan ang nasa isip ko non kaya nangahas akong pasukin ang mukhang haunted na bahay na yon ..

Ng makarating ako sa pinto ay , parang gusto ko na ulit umatras , Bigla kaseng lumakas ang ihip ng hangin isama mo pa ang biglang pag tunog ng tumba tumba na nakalagay sa bandang gilid ng balkon ng bahay , sumabay pa ang walangyang pusang itim na dumaan sa harapan ng ko,  bwiset talaga

ANG PABORITO KONG KATANGAHANWhere stories live. Discover now