"tao po ! Tita Fel! "Sigaw ko mula sa gate ng bahay
*KNOCK*KNOCK*KNOCK*
"TITA FEL ! SI VON PO ITO ! TITA PAPASOK NA PO AKO !"
Dahan dahan kong itinulak ang gate para maka pasok sa loob at nag deretso na ako sa loob ng bahay
"Tita Fel ?"
Muling tawag ko kay tita
"Lola ?"
Maski si Lola ay natawag ko na rin , medyo Hindi kase maganda ang pakiramdam ko ng pumasok ako sa bahay , parang may Mali
"Hik ....... Hik--- "
Napa takbo ako ng kwarto ni Lola ng maka rinig ako ng mga impit na iyak ng isang babae , pag ka kita ko ay nadatnan kong nasa paahan banda si tita Fel ni Lola na kasalukuyan ngayon natutulog? Sabagay gabi na
Umiiyak si tita kaya nilapitan ko ito
Di ko alam kung Paano mag patahan ng babae nong mga panahong yon kaya otomatikong ikinulong ko si tita sa mga bisig ko
Habang ni ra rub ang likod nito , walang tigil ito sa pag iyak , Hindi ko naman mabigyan ng pampalubag loob na salita dahil wala akong ideya kung bakit ito umiiyak nong gabing yon ..Hanggang sa napagod ata si tita na Umiyak at niyaya ako sa sala para mag kape
"Tita , pasensya na ho kung ngayon lang ako nakarating , may emergency po kase sa bahay kaya pinauwi ako ni inay"
Tahimik lang si tita non habang nakikinig sa kwento ko , pero ng matapos na kong mag salita ay sya naman ang non stop na nag kwento
Nalaman ko tuloy na Simula pa kagabe ay Hindi pa rin nagigising si Lola kaya pala umiiyak si tita dahil sa takot nito kanina pag dating nya ng madatnan nyang tulog pa rin ang prinsesa nya
Napag alaman ko ding may Lupus pala si Lola at Hindi lang Basta sakit sa Buto , noong una daw sabi ng doktor ay sakit lamang sa Buto ang sakit ni Lola kung bakit Hindi sya nakaka lakad kaya isinawalang bahala lang nila at pinilit na mabuhay ng normal na dalaga si Lola , pero noong nag kinse anyos daw ito ay na diagnosed daw ito na may roong SLE o systemic Lupus Erythematosus isang sakit kung saan dahan dahan nitong pinapahina ang buong sistema ng isang tao , lalong lalo na ang nervous system , kung saan ay magiging dahilan ng pag kapit ng ibat ibang uri ng sakit sa taong may sakit na Lupus
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng oras na yon , magkahalong Lungkot at awa ang nararamdaman ko nong time na yon , ni Hindi na ko naka pag salita dahil sa biglang lumalim ang iniisip ko hanggang sa inabot na ko ng matinding antok at tuluyan ko ng ipinikit ang aking mga mata
*poke* poke*poke*poke*
"Hmmmmmmmm"
Habang natutulog ako ay may naramdaman akong tumutusok ng pisngi ko
Kaya kahit pipikit pikit pa ang isa kong mata sa antok ay dumilat ako at shet !
-----> O////////////O (me)
^________^ (Lola)Hindi ko alam kung anong nangyare sakin nung araw nayon parang bigla akong inatake sa puso ! Biglang nag karoon ng isang marathon ng mga kabayo sa loob ko