Buti nalang at medyo malamig na rin ngayon ang klima dahil papalapit na ang buwan ng disyembreNapaka gandang araw para sa aming dalawa ni Lola ..
Batid ko na umayon sakin ang araw ngayon at maisagawa ko lahat ang aking mga plano sa picnic namin ni Lola
"Haaaaaaaayyyyy!!!!!"
Napa lingon ako sakanya ng Bigla nya nalang ibinagsak ang katawan nya sa kumot na nuupuan namin at doon humiga
Mabuti naman at natuwa sya sa ginawa ko , kahit papa ano ay na GI guilty pa rin ako sa nangyare saknya last last week kaya gusto ko talagang bumawi , Simula sa pwesto namin kung saan kami mag pi picnic ay tinanong ko saknya kung saan nya gusto , sa kulay ng kumot na gagamitin namin , sa mga pag kain naming kakainin , sa oras at sa mismong araw ng picnic namin , saknya ko lahat yon itinanong , gusto ko kase na ayos saknya ang lahat sa oras na mag picnic kami , ipaparamdam ko saknya kung Paano ako trumato ng isang babae ..
"Salamat Von ha "
Naka ngiti nitong sambit habang ang mga mata ay nakapikit
Napa ngiti na rin ako nang makita ko ang mga ngiti nya .. Napaka gandang pag masdan nito , para bang anghel ang kasama ko sa mga oras na yon
"Bakit ka nag papasalamat ? "
Pag loloko kong tanong sakanya , habang naka higa narin sa tabi nya pero mag kaiba ang pwesto namin , mag katapat ang ulo namin ngunit sya ay naka turo sa silangan at ako naman ay sa kanluran
"Dahil dito , tinupad mo talaga yung pustahan natin "
Muling sagot nito sakin , Hindi ko naman maiwasan ang Hindi lumingon sakanya , at sa ka swertehan ko ay saktong naka tingin din pala sya sakin kaya ngayon ay mag ka harap ang mga mukha namin ..
Yun nga lang ay naka tapat ang mata ko sa labi nya , dahil nga mag kasalungat ang higa namin , ganun din sya sakin imbis na sa mata kami mag abot ay parehong mga labi namin ang una naming makikita
Nakita kong nag kurba ang mga labi nya , sinyales na ngumiti ito
At bago pa ko matukso , ay bumangon na lamang ako sa pag kakahiga ko at sumandal sa puno , naka tingin lang sakin si Lola ng mga oras na yon , kaya't napa tingin nalang din ako sakanya ..
Para kaseng may mga katanugan ito sa kanyang isip na Hindi nya kayang itanong sakin
"Bakit Lola ? "
At gaya ng ginawa ko ay umupo na rin ito tulad ng ginawa ko kanina , bago sya sumagot sa tanong ko
"Naisip ko lang manong kung bakit mo Mas pinipiling maka sama ako kaysa ang maki saya ka sa mga ka eskwela mo o kaya sa mga kaibigan mo "
Napa simpleng tanong pero napa laki ang kahulugan para sakin
"Halika nga rito"
Tinapik ko ang lap ko bago ko sya sagutin sa tanong nya
Buti naman ay nakuha nya agad ang gusto kong sabihin kaya agad itong humiga