Beginning & Ending

35 4 0
                                    

Kanina pa ako tumitingin sa sarili ko dito sa salamin. Wide eyes with rapidly palpitating chest.

Imposible! Hindi maaari!

Flashback...

Napadilat ako ng may malambot na pakiramdam. Hmm, ang sarap pang matulog.

Bumangon ako at pumunta sa banyo para manghilamos. Pinunasan ko ang mukha ko ng malinis na bimpo.

Pero teka, kailan pa ako nagkaroon ng malambot na kama? Eh, papag yung hinihigaan ko? Bakit may banyo ako sa kwarto? Eh sa pagkakaalam ko, nasa labas ng bahay namin ang CR.

Nagkibit-balikat nalang ako at inangat ang mukha ko pagkatapos kong punasan ito
..at ganon kalaking gulat nalang ang naipinta sa mukha ko.

Hindi ako ang nasa salamin!

End of Flashback

Ano na?! Kailangan kong umuwi! Malalagot ako kay mama. Tsaka, kailangan kong bumalik sa sarili kong katawan! Alangan naman magpatuloy ako sa pagiging KPOP IDOL.

"AAAAAAAAARRGGGHHHHHHHHHHH!!!"

Kailangan ko--"Hyun Jin-shi?! Gwaenchan-a?! Hyun Jin!"

Oh no... May nakarinig sa sigaw ko. Malamang. Eh pano na yan?! Bubuksan ko ang pinto? Eh hindi naman ako marunong mag-hangul at hi--

"Hyun Jin-shi!"

Tsk! Nadagdagan na ang problema ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pinihit ang seradura at..

"Hyun Jin-shi? Gwaenchan-a?" tanong ng isang babae sa akin. Hmm, hindi siya kasama sa bagong girl group na A-Class, siguro siya ang manager ng girl group na ito. Ang A-Class ang bagong grupo ngayon na ni-release ng K Entertainment. Sobrang sikat nito na halos saan amang panig ng mundo ay kilala sila at si Hyun Jin o mas kilala sa pangalan na Shin Hyun Jin, ay ang pinakasikat na miyembro ng grupong ito kung saan nakukulong ang kaluluwa ko.

"He..he..he..uhmm..d-do you u-unders-stand E-eng-english?"

Napakunot ang noo niya.

"Mwo?"

Ayan! Ayan na ba sinasabi ko. Kailangan ko nang umuwi.

"Teka lang ha?" sabi ko sabay taas ng index finger ko at mabilis na sinarado ang pinto. Sumandal ako nito at malalim na bumuntong-hininga.

Ano gagawin ko?!. Patay ako nito!

...

Hapon na. Tumakas ako sa dorm nila na katabi lang ng K Entertainment at pumasok sa nasabing kompanya.

"Annyeonghaseyo!"

"Annyeonghasimnika!"

"Hyun Jin-shi!"

Ayan na. Di ko maintindihan lenggwuahe nila. Sadyang 'annyeonghaseyo' at 'kamsahamnida' lang nalalaman ko.

Dali-dali akong lumakad sa paikut-ikut na pasilyo kahit di ko naman alam kung saan ito patungo. Bahala na si Darna.

"Hyun Jin-shi!"

Napahinto ako. At mariing pumikit sabay kagat ng ibabang labi. Tsk. Ang rami kasing nakakakilala kay Hyun Jin. Yan tuloy, nahihirapan ako.

"Jal Jinneseo?"

Ano raw? Ngumiti ako...ng pilit.

"Annyeonghaseyo!" bati ko kahit ang gusto koy tumakbo palabas dito. Kainis. Kailangan ko kasing makakita ng tao na marunong mag-english dito. Para kahit katiting may maintindihan ako.

SarangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon