Literal akong napanganga sa mga narinig ko pero hindi ako umiyak ng oras na yun! Dahil inaantay kong lumabas si Saint sa banyo at marinig sa kanya ang lahat
"L-love? A-Ayos ka lang ba?" Di na ito makapagsalita ng maayos ng makita niya akong nakatingin sa cellphone niya at nanginginig ang kamay
Oo, syempre ayos lang naman ako. Tangina niyo mga manloloko!
"Sino yun, saint?" Direktang tanong ko sabay tayo sa kanyang kama
"Lo-love.. Ano ah. Sii-- Si"
"Damnit! Sino yun saint!!?" Ngayon naiiyak na talaga ako!
Utang na loob naman! Umamin ka nalang!
Imbes na magsalita ay yumuko lang ito..
"Pano mo nagawa sakin to saint ha? Pinagsabay mo ba kami? Akala ko nagbago ka na eh! Ilan ba talaga kami!? Di pa ba ako sapat at naghanap ka pa talaga ng iba? Ang sakit saint! Binigay ko lahat lahat sayo eh! Wala ng natira sakin, oh! Ang gago mo talaga di bagay sayo ang pangalan mo! Demonyo ka!" Nanginginig kong sabi sabay dampot ng bag ko at umalis sa apartment niya
Wala nakong pakealam kung ano ang iisipin ng ibang tao sakin.
Gusto ko lang umalis.
Gusto ko lang mawala ang sakit.
Gusto ko lang makalimot.
Kasi ang sakit-sakit sobra..
-----
Hi readers!
This is just a short update about their past relationship.
I'll make a long chapter, after this.
Thank you! :))
YOU ARE READING
Definitely Tired (ON-GOING)
Romance"Ayoko na" "Pagod nako" "Nakakasawa na sobra" Mga salitang masakit sabihin at marinig. Hanggang kailan ba dapat tumigil at Hanggang kailan pwedeng lumaban?