Akala ko di ko na siya mahal..
Akala ko nakalimutan ko na sya..
Akala ko pwede pa talagang maging kami..Pero
"Di na pala talaga" napapapikit ako sa daan habang naglalakad.
Ang sakit pala talagang magmukang tanga, yun bang binigay mo ang lahat pero sa huli talo ka parin.
Oo sumugal ako kahit alam kong Playboy siya. Akala ko kasi totoo rin ang nararamdaman niya ng manligaw siya sakin noon.
Kaya lang, laro lang pala ang gusto mo.
"Oh? Ang daming bulaklak ah! Kay Liam na naman bayan galing ha?" panunuksong sabi ni Alyana kasabay ang tatlo pa naming barkada
"Wow! Ibang klase ka talaga bree!" Ani naman ni Margo habang sinusuklay ang buhok niya
Diko sila pinansin at inilapag ko na ang mga gamit at libro ko sa lamesa. Andito kasi kami ngayon sa canteen
"Tumigil nga kayo" reklamo ko
"Bakit? Eh bagay naman kayo ah! At higit na mas gwapo din naman si fafa Liam dun sa Saint na yun!" Ani naman ni Belle sabay irap.
Kung naging Artista lang siguro si Liam, si belle na ang number 1 supporter nito.
"At alam kong hinding-hindi ka lolokohin nun" dagdag niya sabay ngiti na sakin.
flashback
"Happy 3rd Anniversary, love!" Sabay halik ko sa mga pisnge niya.
"Same to you love." sabay halik naman sa labi ko "ligo lang muna ako saglit lang to."
Diko alam pero parang nakaramdam ako ng kaba bigla pero pinagsawalang bahala ko nalang baka kasi may surpresa para sakin si Saint o hindi naman baka nagmamadali kasi kakain kami sa labas ito kasi ang ginagawa niyang regalo sakin sa tuwing mag aanibersaryo kami.
"Okay love, ill wait" sigaw ko kasi mukha talaga siyang nagmamadali.
Habang naghihintay, bigla namang tumunog ang cellphone nito na siya kong ikinabigla.
"Love? Yung phone mo tumutunog.." katok ko rito kasi diko naman ugaling sumagot ng tawag lalo pa't hindi akin.
Kahit na tatlong taon na kami ni Saint, di kami nagpapakialamanan ng gamit lalo na't sa cellphone. May tiwala din naman kami sa isa't-isa.
Pero parang hindi ata ako narinig ni Saint kaya di ko narin pinansin ang tawag dahil naputol na din naman kaya ilalagay ko na sana pabalik sa higaan ng umilaw ito at may rumihistrong "BABE" nanigas ako at nanatiling nakatingin sa screen di ako makahinga at parang maiiyak ako bigla.
Ayokong tingnan.
Yan ang una kong desisyon pero parang pinaglalaruan talaga ako ng panahon at ayaw akong hayaang sumaya ng bigla itong lumiwanag at tumawag ulit.
Ayoko mang sagutin pero parang wala na din akong lakas para ipagpatuloy patong araw nato.
''Hel--"
"ILL BE THERE IN 15 MINUTES! HAPPY 3RD ANNIVERSARY, BABE! SEE YOU LATER, ILOVEYOU!" and she immediately ended the call.

YOU ARE READING
Definitely Tired (ON-GOING)
Romansa"Ayoko na" "Pagod nako" "Nakakasawa na sobra" Mga salitang masakit sabihin at marinig. Hanggang kailan ba dapat tumigil at Hanggang kailan pwedeng lumaban?