Prologue

85 1 4
                                    

Ang buhay ay isang mundong punung-puno ng mga pagsubok, kasawian, kapighatian, kahiwagaan at mga katanungan. At bilang pagharap sa mga bagay na ito, ang bawat isa ay naghahanap at umiisip ng mga paraan upang masolusyunan ang mga ito. Sinasabi na ang isang tao ay matapang kung siya ay hindi sumusuko sa mga pagsubok na kanyang pinagdadaanan at taas-noong nakikipaglaban sa mapaglarong mundo ng problema, lahat ng paghihirap at pasakit ay handa niyang tiisin at gawin mahanap lamang ang solusyon sa mga problemang ito. Bilang resulta ay nakapagbibitaw ang tao ng isang desisyon.. Isang desisyon na para sa kanila'y ito ay TAMA at may MAGANDANG KAHIHINATNAN.

Nakagawa ka na ba ng isang desisyon na sa tingin mo ay pawang kabutihan ang maidudulot? Subali't di mo alam at napapansin na sa likod nito'y nakatago ang isang katakot-takot, kahindig-hindig, kalunos-lunos, at kasuklam-suklam na pangyayari na siyang mag-uugat upang mabalot ang inyong mundo ng isang malagim na kapaligiran ng dahil sa iyong isang . . . . .

MALING PAG-AAKALA !! ;'c

(Nakakatakot ba? AHAHA. Pasensya na, Ang lawak ng pag-iisip ko nung ginawa ko ito eh. AHHAHA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MALING PAG-AAKALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon