Crush ko si Father! (ONE SHOT)

325 9 3
                                    

Psyche:

There's this guy na nakasama ko na since birth, literally. No, hindi bestfriends ang parents namin before the day of our birth but after. False alarm parehas nung sinugod sila sa hospital but two days later, halos sabay kaming pinanganak.

Naging close ang parents namin kasi nasa ward lang naman sila nun, magkatabi pa ng kama.

Anyway, hindi kami best of friends pero lagi kaming magkasama. Ayaw kong bestfriend ko lang siya.

Ideal child daw yang si Gabriel ng kahit na sinong magulang. Halos lahat ng nakakakilala sa kanya, tuwang-tuwa pag nakikita siya. Mabait daw kasi, malapit sa mga bata at matulungin pa. Matalino din siya. Scholar kasi at Computer Science yung course. Pero syempre, may mga flaws din siya. Sabi nga, though ideal, it doesn't mean it's perfect. Mainipin kaya yun. Alaskador din siya. Sakin nga lang. Diba? Ang special ko! Hihihi!

Kaya nga inaasar ko din siya para makaganti. Binigyan ko pa siya ng palayaw na 'Father'. Trip ko siya e.

"Hi Father!" tawag ko. Dumaan kasi siya sa bahay namin. Nasa labas ako ng gate at nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga, kumakain pa ng Piattos.

"Psyche," sabi niya saka siya ngumiti.

Wala kayo sa pangalan ko 'no? Sa Mama ni Gabriel nakuha yang pangalan na yan. Fan kasi si Tita Misty ng Greek Mythology. Dinaldalan lang niya si Mama nung nasa hospital sila at nagustuhan ni Mama yung pangalan.

Same goes with his name naman. Though kilalang-kilala na si Angel Gabriel among us Christians, nagustuhan din ni Tita Misty ang pangalan ni Gabriel dahil sa todo kwento daw ni Mama noon.

"Dito ka muna, Father. Kwentuhan tayo. Di na kita nakikita e," yaya ko sa kanya.

Hindi kasi ako pala-labas ng bahay lalo na't bakasyon ngayon. Kaya nga lang ako nandito sa labas dahil naaalibadbaran na daw si Mama sakin. Binigyan pa ako ng limangdaan wag lang daw akong uuwi ng maaga. Mga alas nuebe na daw ako ng gabi umuwi.

"Saglit lang, Psyche. May pinapagawa pa si Mommy sakin. Babalik ako," sagot niya.

"Sama na lang ako. Ayaw akong makita ni Mama ngayon. Grabe talaga maglihi yun!"

Five months ng buntis si Mama. Kay Brandon, ayos lang naman ang paglilihi niya. Ganun din naman kay Blair.

Pero ngayon, dapat daw pagkatapos mananghalian, nasa labas na ako at nine ako ng gabi uuwi. Swerte daw yun. Mag-iisang linggo na akong pagala-gala. Last week nga lang, nagpumilit siya ng magpapalit ng tigte-ten cents sa bangko. Ihahagis daw sa loob ng bahay para swerte. Buti na lang napilit ni Daddy na mamiso na lang. Sa'min lang din napunta yun pera.

Sabi ni Daddy, kambal daw kasi yung pinagbubuntis ni Mama kaya mas malakas ang pag-excrete ng hormones yung katawan niya. Ewan ko kung may connection ba talaga ang kambal sa hormones number ng isang buntis but nonetheless, um-oo na lang ako. Kahit na Bio student ako, hindi ko pa din maintindihan yun.

Naglakad na kami papunta sa bahay nila na five houses away from ours lang naman.

"Intindihin mo na lang. Gaya nga ng sabi mo, buntis," sabi niya sakin.

"I know kaya nga sinusunod ko siya. Sa inyo na lang muna ako ngayon. Nagsasawa na kong gumala."

"Baka maboring ka sa bahay. Busy si Mommy at kami lang ni Kuya Nate ang nandun," paalala niya.

Si Kuya Nate naman yung may mood swing na kuya nitong si Gabriel. Tyempuhan talaga ang ugali nun.

"Matutulog lang naman ako sa inyo, Father. Inaantok na talaga ako kanina pa," napahikab pa nga ako.

Crush ko si Father! (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon