Birthday Blues

678 14 0
                                    

"Jho, are you sure about this?"

Marahan kong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Bea at hinila siya para mas malapit pa sa akin.

"Yes, Bea. I'm sure."

Iyon ang sagot ko habang tinititigan siya ng mabuti. Isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin at natutukso na nga akong sunggaban siya ng halik. Pinigil ko lang ang sarili ko dahil mukhang siya pa ata ang hindi pa ready sa aming dalawa.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni niya dahil kagagaling lang namin sa bar kung saan nag celebrate kami ng birthday niya kasama ang mga teammates namin. Sumama akong umuwi sa bahay nila dahil oras na para ibigay ko sa kanya ang birthday gift ko. Nahirapan pa nga akong mag-isip ng dahilan kina Kim at Jia kanina kung bakit hindi ako sasabay sa kanila at matutulog sa dorm.

Wala pa kasi talagang ibang may alam ng totoong relasyon namin ni Bea sa ngayon.

Medyo tipsy pa siya pero hindi naman siya lasing. Kahit papaano kasi ay kinontrol niya ang pag inom kanina kahit pa birthday celebration niya naman yun. Ako naman ay hindi uminom dahil naging abala ako sa pag babantay at pag aasikaso sa kanya. Alam niyo na, secret girlfriend duties. Buti nga at sanay na rin ang mga kaibigan namin sa pagiging clingy namin sa isa't isa kaya parang wala na lang sa kanila ang mga pag-akbay ni Bea sakin at ang mga pasimpleng yakapan namin.

Tuluyan nang dinikit ni Bea ang mga katawan namin habang nakahiga at naramdaman ko agad ang mabilis na tibok ng puso niya. Gusto kong matawa dahil halata sa mukha niya na hindi pa siya sigurado sa gagawin namin.

Parang hindi siya yung Bea na laging humihingi ng extension kapag pinuputol ko na yung mga make out sessions namin.

"Okay ka lang?" tanong ko na hindi maiwasan ang pagaalala.

"Sorry, I'm just really nervous."

Nagbuntong hininga ako at tinitigan siya sa mata. "Hindi naman natin 'to kailangan gawin ngayon. Gusto mo bang matulog na lang tayo?"

"No! I want to do it with you tonight."

Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti at matawa dahil sa sinabi niya. Haaay Lord, bakit ba ang cute ng jowa ko?

"Sigurado ka ba?" balik kong tanong sa kanya na may halong pangaasar. Napa-pout naman siya dahil dun.

"Jho naman eh."

Lalo naman akong natawa at pagkatapos ay malambing na hinimas ang mukha niya. "Joke lang po, baby."

Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla siyang napangiti ng sobrang lawak at tinitigan ako na akala mo ngayon lang ako nakita after 84 years. Napakunot agad ang noo ko at pinisil siya sa ilong para maalis ang tingin niya sakin. Na-conscious kasi ako ng very light.

"Ano na naman ba yun, Beatriz?"

"You called me baby." nakangisi pa rin niyang sagot.

"And so? Baby naman talaga kita ha. Baby damulag!"

Pinisil ko ulit ang ilong niya dahil nangigigil ako sa kanya. Hay nako Bea, kung pwede lang kitang iuwi sa 'min tapos sa 'kin ka na lang habang buhay.

"Aray naman, Jho. Masakit naman kasi."

Nag-pout ulit siya at humiwalay sa 'kin sabay hawak sa ilong niya na namumula na ngayon. Medyo teary-eyed na din siya at mukhang bata na akala mo ay inapi ng kalaro. Natatawa talaga ako sa itsura niya pero pinipigilan ko dahil mukhang seryoso na ang pagtatampo niya.

Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at nilapitan siya na ngayon ay nakaupo na sa dulo ng kama at nakatingin lang sakin ng masama.

"Sorry na, baby." pag-aamo ko at akmang yayakapin siya pero inilayo ulit ang sarili niya habang naka-pout pa rin sakin.

CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon