" kate , minahal naman kita pero kasi... kasi di ko kayang mawala ang girlfriend ko sakin .. sana.. sana dalawa nalang ako "
"Minahal mo ko ? O tapos ? "
" hindi ko alam .. di ko lam kung anong gagawin pero importante ka sakin kate "
Pilit akong ngumiti sa kaniya. Naiiyak ako . Ngunit mas nanaig sakin ang galit.
" Gago ka ba ? Mahal mo ko tapos mahal mo rin siya ?"Tinalikuran ko na siya .
At tumakbo hanggang makasakay ako ng jeep.Sino ba naman ako para piliiin?
Nauna ang gf niya sa kaniya samantalang ako ? 2 Months palang kaming magkakilala. At nainlove sa isa't isa .Ang sakit lang dahil , hinayaan kong mafall sa kaniya .
Nagbayad na ko . Baka kasi makalimutan ko pa.
"Bayad po , Sa **** lang po "
"Ilan dito sa bente ?"
Tsk. Yung totoo manong driver may nakikita kang kasama ko ? Isa pa 'to eeh .
"Isa lang ako , ganun talaga sanay naman na kong iniiwan at binabalewala"
"Hugoooot"
Sabi ng mga estudyante . Sabay tawanan ." Status na yan "
Nginitian ko lang sila .
" Te sukli niyo raw po "
Aabutin ko na sana nang...
Sabihin ni manong ,," Sa sengkwenta po yan sukli"
"Ayy sakin pala yan "
Sabat ng matabang lalaki katapat ko ."Pati ba naman kayo paasa manong "
" Whooah "
Mga estudyante." Ate okay lang po yan , maganda ka naman po eeh "
" Maganda ?Dyan kayo magaling eeh ang tumingin sa magaganda tapos ano ? Iiwan niyo rin naman "
Ewan ko lahat nalang ata ng bagay nirerelate ko sa kaniya. Totoo pala yun , pag nasasaktan tayo nagiging OA tayo. Haha
"Eto sukli sa bente "
Sabi ni Manong .Tsk . Kung kelan malapit nako , tyaka lang sya manunukli .
Haynako.Umuwi ako na tulaley . Yung totoo kasi gusto ko ngayon magpaka-emo at Mapag-isa .
Binati ko nalang si mama nang makauwi ako then umakyat nako ng kwarto ko at nagkulong.
Nag open ako ng facebook ko at nagstatus.
"Kung papipiliin ka sa 2 boy/girl, tapos di ka makapili dahil pareho mo silang mahal ,piliin mo yung pangalawa ..
Baket ? Kase bakit ka pa nagmahal ng pangalawa kung talagang mahal mo yung una "Hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit di niya ako kayang piliin. Ganun na siguro talaga ang role ko sa buhay ang
Di piliin at iwanan nalang. Unti nalang masasanay na ko .
5 friends commented at your status.." Siguro ganun talaga sila , di sila nakukuntento sa isa , gusto nila dala-dalawa para may thrill . Haha"😂😑
"Tama nga naman , bakit pa sila maghahanap ng iba kung talagang mahal nila yung una!
😤😡"Boys be like . Haha "💣💪👎
"Ganyan yang mga yan , kelangan may pang reserve sila " 👊❌
"Siguro sadyang mahal lang namin yung una . Minsan kase kala natin mahal na natin yung pangalawa pero di pala nadala lang tayo ng galit at tampuhan nung una kaya tumitingin tayo sa iba , but still loyal parin tayo sa una "
Nalungkot ako sa huling comment sa status ko . Ganun pala talaga sila . Di na ko magtataka .
Again nag status ako .
"Dear boys , if its just a game
please inform me, so i can play the same "Then nag log out na ko .
YOU ARE READING
Playboy ➡Boys Be Like
Teen Fiction"I'm just bored, dont make it serious. Its just a play , just go with the flow, no assumes , no feelings . The rule is, is to enjoy ... "