Saan naman kaya ko mag - aapply ? Hays. Buhay ba't ba kasi ako nagresign eh. Kasalanan niya to eeh .
Ba't ba kasi mas pinili kong lumayo para lang sa ikakasaya niya eh . Badtrip na buhay to.
Well , i admit minahal ko talaga siya ng sobra . Kaya lang ayoko namang ibreak niya yung gf niya malapit na kaya silang mag isang taon . Huhu . Ayoko masira yun noh.
Nakagawa pa nga ko ng tula para sa kaniya.
Tayo'y pinagtagpo .
Tadhana ba 'ng gumawa nito,
Para magkakilala tayo?
O baka parte kalang ng journey ko?Naging malapit sa isa't isa ,
Naging masaya , pag ikaw'y kasama .
Kislap ng aking mata 'y nakikita mo ba ?
Ngiti ng labi ko'y napapansin mo ba, pag ika'y nakikita na .Pag ika'y nagtatampo , ako'y natatawa
Di dahil sa cute ka kundi dahil mahal kita . At gustong mapangiti ka .
Pag sumeryoso na iyong mukha ,
ako'y tatahimik na ngunit matatawa pa.
Pagkat may kung anong magic sayo na saaki'y nagpapasaya .Mga alala ko sayo ,
Pag ika'y natutulog sa braso ko
Kaysarap titigan mukha mong maamo .
Sa hilik mong may tono , na lalong kinaganda mo .
Pulso mo'y naririnig ko na sinusundan ng tibok ng aking puso .Minahal na kita habang tumatagal,
Hinahanap , hanap pag ika'y wala.
Ngunit nakalimutan ko ,pag aari ka nga pala ng iba . Kaya mali , mali itong nadarama !Gusto ko'y kalimutan ka
Ngunit mapilit itong nadarama.
Para bang nananadya ,
tumitibok ng kusa.Mga araw na nagdaan ,
lumalalim aking nararamdaman,
pag iwas aking sinisimulan .
Aamin ako, ngunit ako'y lilisan.Ngunit bakit ganto?
Tuwing magtatama ating mata'y para bang may pumipigil sa akin na di tama .
Patunay lang na di ko kaya.Mahal kita , mahal mo ko
ngunit mahal mo rin siya , paano?
Dalawa kaming nagmamahal sayo.
Una palang alam ko nang ako' y talo.
Kaya ako na ang lalayo.Nasasaktan ako aminin ko .
Ngunit masaya ko para sayo,
Dahil ang hangad ko'y maging
masaya kalang kasama niya,
okay na ako .Ngunit bakit heto 't naiinis sayo .
Mga litrato niyo'y nakikita ko
Parang sasabog itong puso
Ayoko na , ayoko na , nasasaktan ako .
kaysakit pala , umibig ng patago
Hanggang tingin kalang sa taong
mahal mo .Pag siya'y nasasaktan
umiiyak aking puso .
Sana sana ako nalang .
Ayokong nakikita kang ganyan
O may dinaramdam .Ngunit wala akong magagawa
pagkat siya'y mas lamang
Pag ibig mo't pagmamahal
Sa kaniya'y walang hanggan.Tatanggapin ko na ako'y kailangan mo
Pag siya sayo'y may tampo
Di alam kung ano talagang papel sa buhay mo . Ako ba'y naaalala mo lang pag ika'y nalulungkot? O pag siya'y hindi nagpaparamdam sayo ?Tandaan mo hindi lahat ng tao
Panghabang buhay nandyan
magtitiis sayo . Napapagod rin at sumusuko . Kaya sana'y deretchuhin ,
mo na ako . Ano ba talagang papel ko sa buhay mo ?I learned na hindi lahat ng pinapakita ng ibang tao totoo. Dapat marunong lang tayo makipagsabayan sa takbo ng isip nila.
Di pwedeng seryosohin kundi , ikaw magiging kawawa ,ikaw ang masasaktan at sila boom nagpapakasaya sa pagkawala mo .
Tama na nga ang emote .
Bukas mag aapply ako direct. Ang hirap ng walang trabaho eh .I texted angie . My high school friend.
" Biee apply tayo "
" Saan nmn bie? "
"Subic"
"Sige be "
"8 am , bukas huh"
" Okie , kitakits "
Pagkatapos kong itext siya. Tinitigan ko nanaman ang laman ng inbox ko , at nagscroll nanaman ng mga message niya .
Bat ba kasi ang hirap burahin? Argh.
Ayan ka nanaman kate eeh .
Gusto ko ng makalimutan ka please lang .
YOU ARE READING
Playboy ➡Boys Be Like
Teen Fiction"I'm just bored, dont make it serious. Its just a play , just go with the flow, no assumes , no feelings . The rule is, is to enjoy ... "