Suportahan niyo po yung first story ko. But I am not obliging you to do so. Sa may mga gusto lang. Thanks!
Anyways, pagbigyan niyo na yung kinalabasan ng book cover. Tinatamad kasi ako gumawa ng eye catching cover.
Enjoy reading.
______________________________________________
Living With Dilemma
written by DhaniLee
CHAPTER 1
"Hala. Mema." sabi ko sa babaeng bigla na lang ako binatukan.
"Wala na akong boyfriend dahil sayo!"
Hanggang ngayon ba naman yun pa rin yung pinuputok ng butsi niya? Ilang beses ko nang sinasabi sa kanya na wag na magboyfriend kasi nakakasama sila sa pag-aaral.
"Madami pang lalake dyan. Tsaka please lang, wag ka na magboyfriend. Sakit sa ulo lang yan tsaka baka sakit pa sa pepe." inis kong tugon sa sinabi niya. "Tsaka bakit ba gustong-gusto mong magkaboyfriend? Malandi rin yang kemerut mo eh." dagdag ko.
"Eh pake mo ba? Natatamo ko ang kaligayahan sa pagkakaroon ng boyfriend."
"Kahit panget." dagdag ko sa sinabi niya.
"Hoy! Grabe ka naman! Ang hard neto! Di sila panget ah. Sadyang kinapos lang sa kapogian."
"In short, panget." sabi ko ngunit sapak lang ang sinagot sakin.
"Alam mo, bitter ka lang. Palibhasa wala ka kasing lablayp bebe! Subukan mo rin minsan magkajowa." sabi niya sabay upo sa tabi ko.
Kanina pa nakakairita tong babaeng to. Ako nanaman ang sisisihin sa pagkawala ng boyfriend niya. Kasalanan ko bang iniwan siya nung lalakeng hitad na yun? Tsaka ano naman mapapala niya dun? Eh ang liit ng jomblag ng aswang na yun.
YOU ARE READING
Living With Dilemma
General FictionA typical love story is what Damiline Zaragosa don't like. She doesn't care about boyfriends and such awful sweet stuff. She is so sick and tired of her best friend, Georgine Fajardo, who keeps on blaming her of her boyfriend leaving her. Although s...