Living With Dilemma
written by DhaniLee
CHAPTER 2
Buong araw akong makasimangot dahil sa problema netong si Georgine. Simula nang sinabi ko sa kanya na kaklase ko si Van Leigh, naibigan na niyang magshift ng kurso. Napakagaga. Eh wala nga siyang alam sa pagiging lawyer tas ano, magshishift siya? Tsaka sa isang klase ko lang naman siya kasama. Dat dun siya sumama kay Van Leigh.
Anyway, nalaman kong di pala abogasya yung kinuha niya. From bungangerang source, magdodoktor pala yung gago. Kaya pala magkaklase kami dahil yun yung pre-med niya. Eto rin kasi yung pre-law ko.
"Uy! Magshishift na ako!" sabi niya habang hinihila-hila yung sleeves ko.
"No. Wag mong pahirapan yang sarili mo dahil lang sa isang lalake." inis kong sabi sabay dampot ng bag ko. Tapos na history class ko. Uwian na, salamat naman.
"Pake mo ba? Buhay ko to." sabi niya sabay pinagkrus yung dalawang braso.
Ayan nanaman tayo.
"Pag magshishfit ka, palalayasin kita sa condo ko, I tell you." banta ka sa kanya.
"Hala! Wag naman ganon. Iba na lang! Ako na lang pabayarin mo sa kuryente't tubig." suhestiyon niya na ikinatawa ko lang.
"Kaya mo? Eh wala ka ngang pamilya na magbibigay ng pera sayo para mabayaran yung gastusin sa condo ko, wala ka pang trabaho. Sige nga, pano mo mababayaran yun, aber? Eh ang mahal mahal nun." sabi ko nang hindi siya tinitingnan dahil busy ako sa paghahanap ng calligraphy pen ko.
"S-sorry." rinig kong sabi niya. Napahinto ako sa paghahanap ng callig pen ko na nawawala at tingnan si Georgine na ngayon ay nakayuko.
Shit. How insensitive of me?
"No. It's okay. I should be sorry." sabi ko ay niyakap siya.
YOU ARE READING
Living With Dilemma
Fiction généraleA typical love story is what Damiline Zaragosa don't like. She doesn't care about boyfriends and such awful sweet stuff. She is so sick and tired of her best friend, Georgine Fajardo, who keeps on blaming her of her boyfriend leaving her. Although s...