before everything...
"Simple... that's all that defines me. Someone with usual dreams and goals in life. Well I don't think there's something special in me. I'm just the typical teenager girl who loves to read and write, the reason why I'm joining this new sorority group for author wannabes."
---------Clap---------
Sa wakas natapos din ang "Tell me who you are challenged" ng sinasalihan kong school organization- ang "I Have a Pen Club" isang grupo ng mga babaeng kolehiyala na may talent sa creative writing.
Dali-dali akong bumalik sa upuan pagkatapos kong magpakilala. That's one of the hardest things for me, introducing myself in front of many people dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano ba ang dapat kong sabihin? Hindi ko talaga alam kaya nga sobrang ikli lang ng speech ko kanina kumpara sa mga nauna, at tsaka wala na rin naman akong naiisip na pwede kong idagdag, what else will I say?
Wala na, dahil ayon sa pagkakakilala ko sa sarili ko, iyon lang mga nabanggit ko kanina ang nakapaloob sa buo kong pagkatao, walang kulang at walang sobra. Wala na nga ba talaga?***
Nakaupo na kaming mga members, habang nakikinig ng lectures sa loob ng halos dalawang oras. Masaya namang makinig sa mga ganitong discussions, lalo pa't may aircon naman ang classroom na pinagdarausan namin ng event na ito, kaya lang medyo nakakainip na rin. Nagugutom na rin ako dahil hindi pa ako nagbe-breakfast, ang agap kasing nagsimula ng event (Not a morning person😂) late na nang magising ako kaya dali-dali na akong naghanda at pumunta sa school.Hindi ko na naririnig ang sinasabi ng speaker, nakatitig na lang ako sa powerpoint presentation nya na naiintindihan ko naman kahit papano. Naghihintay na sakin si Pat at Danica, baka hindi na kami magkasabay-sabay mag-lunch. Ayoko pa namang nag-iisa sa public places, pati for sure pagti-tripan lang ako ng mga maaangas na criminology kapag nakita nilang loner akong kumakain sa canteen at iyon ang pinakainiiwasan kong mangyari.
Tatakas na sana ako, kunwari pupunta akong C.R tapos diretso alis na. That's the best technique for me though, kahit kailan hindi pa ako nagtagumpay gawin. Nakakakonsensya rin kasi eh, yung mang-iiwan ka tapos kailangan mong magsinungaling kaya sasabihin mo na babalik ka rin kahit hindi naman.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko, umaasa na sa pagkakataong ito ay magagawa ko na ang tumakas. Lumingon sa kanan, sa kaliwa, sa unahan at sa likod, tiningnan kung may nakamasid na nagbabantay, meron man pero hindi naman nila ako mapapansin. Saktong tatayo na ako nang biglang may nagbukas ng pinto sa harapan kung saan mismong nagsasalita ang guest speaker.
"Good Morning Maam, sorry I'm late."
Hala ! Hindi ata alam ng lalaking ito, na wala silang klase sa room na ito. Nagtawanan ang mga tao. Binati din naman sya ng aming guest speaker.
"Good Morning, it seems that you want to join me here in front."
Lalong lumakas ang tawanan ng mga tao, kahit ako hindi ko napigilan ang sarili kong humalakhak. Sa sobrang hiya ay dali-dali syang lumabas ng pinto at humingi ng paumanhin.
"I'm sorry Sir if I made some disturbance."
Nabalot ng tawanan ang buong silid, ang mismong guest speaker at si Ma'am Del Rosario (Club Adviser) ay nakisabay sa tawanan.
"Cute pero hindi marunong magbasa ng announcements." Sambit ng babaeng nasa likuran ko.
"Kaya nga, sayang." Sagot ko naman.
Ha? Cute? Sayang? Anong sayang? Nagulat ako sa sinabi ko, karaniwan ko lang sinasabi ang katagang cute sa mga favorite movie characters ko at tsaka kapag kaharap ko lang ang mga kaibigan ko. Siguro naman it doesn't mean anything. Cute naman talaga sya tsaka parang... his face looks so familiar. Ang mga mata nya na parang minsan ko nang nakasulyapan, ang matangos nyang ilong, manipis na labi, magandang postura na bagay na bagay sa katamtamang pangangatawan nya at katangkaran, ang maputi at makinis nyang balat at higit sa lahat ang black jacket with hood na suot nya ay parang hinahalukay sa aking gunita. Nagkita na ba kami? Is it the first or second time that I saw him? Teka, hindi ko maalala... kailan? saan? paano?
KAHAPON ! SA BUS ! NAKATABI KO SYA !
![](https://img.wattpad.com/cover/89623532-288-k637939.jpg)
YOU ARE READING
Niligawan Mo Lang Ako
Teen FictionKaya mapapatanong ka na lang ng mga katagang... "minahal mo ba talaga ako? o niligawan mo lang ako?" Sabay patak ng luha.