Kring ! Kring !"Hello ! Ano ba? Gabing gabi na tumatawag ka pa."
"Hindi kasi ako makatulog. Hoy ano yung nakita ko kanina?" Pang-iintriga ni Danica.
"Ha? Alin yun? Bukas na lang yang mga tanong mo, tutulog na ulit ako."
"Hindi pwede ! May gusto ka na ba kay Alfred? Bakit sinundan mo sya kanina? At ang haba pa ng pinag-usapan nyo ha."
Bilib din talaga ako sa pagkadirekta ng kaibigan kong to. Walang paliguy-ligoy, yung tipong hindi mo talaga mapapaghandaan ang mga sasabihin nya.Pinilit kong sumagot kahit na nakapikit ang mga mata ko. "Ano ba yang sinasabi mo? Ginising mo ako habang nasa Random Eye Movement stage na yung pagtulog ko para lang itanong yan? "
"Basta sagutin mo na lang ng maayos. In love kana ano?" Sinundan ko lang yung tao para pampalubag loob sa ginawa nyang pampapahiya tapos issue pa ang igaganti sakin.
"Bakit ba ang rude nyo sakin? Kahapon nyo pa ako pinaparatangan. Una kay... Mr. Black Jacket ngayon kay Alfred. Wala ba kayong tiwala sakin?" Kahit na napakawalang kabuluhan ng tanong na ito ni Danica, sinagot ko pa rin sya kahit na tinatawag na talaga ako ng antok.
"Sinong Mr. Black Jacket yang sinasabi mo ha?"
Nang marinig ko ang huling tanong ni Danica, bumukas ng kusa ang mga mata ko. Parang nag-ice bucket challenge ang pakiramdam ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya nagsigisingan ang mga nerves ko. Nagitla rin ako sa sinabi ko.
Mr. Black Jacket, saan nanggaling yun?
Natagalan bago ko sya sagutin. Napabangon pa ako sa pag-iisip ng safe answer.
"Ah ano, ha? Choppy ka bes. Di kita marinig. Hello ! Hey ! Still there? oy! Can you hear me? Bukas na lang tayo mag-usap, mahina ata ang signal mo eh. Bye !"
Ibinaba ko na ang cellphone at humiga ng pabagsak sa kama.
May mga tanong talagang mahirap sagutin, mga tanong na nag-iintay ng katanggap-tanggap na sagot sa loob ng maikling oras at kung minsan kapag hindi tayo makapagbigay ng kasagutan kahit na ibinuhos na natin ang lahat ng buo nating makakaya, wala pa rin tayong ibang magawa kundi... tumakas.
Hayy naku ! Nakatakas din ako kay Danica. Napaka curious talaga ng babaeng yun, lahat na lang gustong malaman.
Pero hindi pa tapos ang problema ko. Paano na bukas? For sure kukulitin na naman ako nun tapos kakampihan pa sya ni Pat.
Saan ba kasi nanggaling yung Mr. Black Jacket?
Syempre dun sa suot nya nung unang beses na nagkita kami pero bakit? Bakit nagawan ko sya ng code name?
Makakatulog kaya ulit ako nito?
Grabe naman Mr. Black Jacket dalawang gabi mo na akong hindi pinapatulog ha.
Speaking of Mr. Black Jacket parang hindi ko sya nakita kanina. Hala ! Ano ba yan ! Bakit iniisip ko sya."Grrrrrr !"
"Anak ano ba yan?"
Gosh ! Napalakas ata ang sigaw ko nagising ata sina Papa sa kabilang kwarto.
"Ahmmm. Papa wala po, may ipis lang po."
Sorry Papa kung nagsinungaling ako. Ganon naman talaga kung minsan may mga tanong na kasinungalingan ang ibinibigay nating sagot para hindi na lumaki pa, lumayo pa o para hindi na sundan pa ng isa pang tanong.
"Kunin mo na lang yung Baygon sa kusina, hindi yan mamamatay sa sigaw mo, maliban na lang kung hindi ka nag-toothbrush."
"Opo. Matulog na po ulit kayo, wag na po kayong mag-joke, nawawala ang respeto ko sa inyo." Pabiro kong sagot kay Papa."
Ipipikit ko na ang aking mga mata ng biglang...
Kring ! Kring !
Sino na naman to?
Hay Sabi na nga ba eh, naitawag na ni Danica kay Pat ang chika. Hindi ko sinagot ang tawag ng isa ko pang makulit na kaibigan, sigurado akong pupurgahin din nya ako ng tanong. I'm too tired answering cliché questions, the questions that don't make any sense if I response with my own opinions, because they only require a certain answers. Objective questions kumbaga.
Pero...
Hindi ibig-sabihin nun, titigilan na nya ako sa pangungulit. When I didn't answer her call, she texted me.
"Bea, yung guy na kinukwento mo kahapon, yung sinasabi mong Mr. Black Jacket. Parang kilala ko kung sino sya, alam ko ang pangalan nya."

YOU ARE READING
Niligawan Mo Lang Ako
Teen FictionKaya mapapatanong ka na lang ng mga katagang... "minahal mo ba talaga ako? o niligawan mo lang ako?" Sabay patak ng luha.