Chapter 1: Bakit ba ang daming bitter?

530 12 0
                                    


Bakit ba ang daming bitter sa mundo? Bakit madaming tao na ginagawang komplikado ang pag-ibig? Hindi ba't napaka-sarap mag-mahal?

Sabi nila walang forever. So anong tawag nila sa magulang nila? Nag-lalandian lang? Eh yung lolo't lola nila? Anong tawag nila dun? Fling? Hindi pa ba forever 'yon?

Madaming ibang nag-sasabi na nag-hiwalay ang magulang nila. Pero hindi naman ibig sabihin 'nun, ganon din dapat ang mangyayare sa kanila hindi ba? Desisyon naman ng tao 'yon.

Maraming bitter kasi maraming hindi marunong mag-let go. Masakit ba? Truth hurts. Madaming tao ang sumasabak sa relasyon sa murang edad, hindi ba? Tapos pag nasaktan, iisipin nilang pare-pareho lang ang mga babae/lalake. At ang malala... As usual, magpapaka-bitter. Anong napala niyo?

Ang forever kasi, hindi mo 'yan makikita agad. Hinihintay yan sa tamang tao, tamang panahon, tamang edad. Pero since malandi ka, HALA SIGE HANAPIN MO! HANAPIN MO!

-Kisha Psalm.
Posted 12 Minutes Ago
56 likes • 3 comments • 2 shares

////

"KISHA PSAAAAAALM!"

"Ay tupa!" Nalaglag ko yung phone ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Mudra. "Bakit?!" Sigaw ko saka ko pinulot yung phone ko.

"BUMABA KA NA DITO! IHAHAMPAS KO SA MUKA MO MGA PLATO!"

Si Mama talaga nakakahiya. Mariring nanaman kami ng kapit bahay naming nag-bebenta ng siomai tapos ipag-kakalat na baliw si Mama.

"Wait lang!" Sigaw ko ulit tapos nag-tali ako ng buhok.

"ISA!" Ayan nanaman ang mahiwagang bilang ni Mama. "DALAWA!" Dugtong ko pa. OHAOHA MARUNONG AKO MAG-BILANG!

"KISHA PSALM BUMABA KA DITO BAGO KO IBATO YANG CELLPHONE MO!"

Ha ano daw? Edi ibato niy--"ETO NA NGA MAMA EH! Jusko!" Kumaripas ako pababa ng hagdan saka sinalubong si Mama ng isang yakap kahit amoy bawang at sibuyas siya. Syempre, love love ko yan si Mudra eh!

At dahil nga mahal ko yung nanay ko eh tinignan ko siya. "Mama, naniniwala ka ba sa forever?" I asked but then her eyes were saying: "MAGHUGAS KA NA KUNDI INGUNGUDNGOD KO MUKA MO SA TILES!"

Dumiretso ako sa lababo at tinignan ang isang bundok ng plato na nagka-patong patong na dahil hindi hinugasan ng magaling kong ina.

Is it me or is it who? Ako lang ba ang natutuwa pag may bagong sponge sa lababo? Hays, tumatanda na talaga ako.

At dahil nga sobrang sipag ko, inisa-isa ko ang mga plato tapos sinabot at saka pinunasan. Oha, ang puti na!

20 minutes later...

"Mamaaaaa! Tapos na ako!" Masigla akong lumapit kay Mama na kasalukuyang kumakain.

"Oh sige, mag pahinga ka na."

Automatic na nag-sparkle yung dalawa kong mata dahil sa sinabi ni Mama. Omygosh himala! Aakyat na sana ako sa kwarto para matulog nang mag-salita si Mama.

"Pero habang nag-papahinga ka, mag-walis ka."

Ahhh okay-ANO?! Ajdbeoqalajbeowkwjsjenepwzbienwoajwbeiwjsnskwiwjwlwpeehnenebrbrbr.

"BALIW KA BA, MAMA?! ANG SAKIT KAYA SA BRASO TSAKA SA PAA TSAKA SA BEWANG MAG-HUGAS NG MGA PINGGAN! TAPOS KADIRI PA YUNG MGA KALDERO LIKE YUCK IT'S SO KADIRI! IT'S LIKE NANGINGITIM TO THE NTH LEVEL TAPOS YOU WANT ME TO MAKE WALIS TO THIS HOUSE?!" Sabi ko kay Mama...

Sa utak ko syempre. Kasi baka mamaya eh palayasin ako sa bahay. Si Mama pa ba?! Mas okay na mag-walis kesa mamalimos ako d'yan sa kanto 'no!

So eto ako ngayon, feeling Cinderella na nag-wawalis ng bahay. Ang sakit na ng balakang ko. :(

20 minutes later...

"Ma, okay na." Saad ko kay mama saka ako humilata sa couch. Jusko ang sakit talaga sa balakang.

"Good. Oh mag-laba ka na tapos habang nag-lalaba ka, bantayan mo yung niluluto ko. Pagkatapos mo, ihanda mo na yung kaininan nang maka-kain na tayo. Umpisahan mo na at madami pa akong i-uutos sa'yo!"

Hay. Buti pa ang Diyos, sampu lang ang utos samantalang si Mama...

At since napaka-bait kong bata, tinapos ko naman lahat ng inutos sa'kin ni Mama.

"Oh anak, kumain ka muna." Sabi ni mama nang naka-ngiti saka inilapag ang isang plato na may skyflakes tsaka juice. Hindi naman kami poor, ayaw lang ni Mama na manaba ako kaya bantay siya sa diet ko.

"Thanks, Mama. Gusto mo?" Aya ko naman habang nginunguya yung biscuit. Kahit naman sungitan ako lagi ni Mama, mahal na mahal ko 'yan at alam kong mahal niya din ako.

"Hindi naman ako gutom. Oo nga pala," tumabi si Mama sa'kin at hinaplos yung buhok ko. "Punta ka sa Daddy mo sa Saturday, ha?" And with that, nagbago bigla mood ko.

"Ayoko." Uminom ako ng juice at bumusangot. "Ikaw talaga, sige na... Sumama ka na para naman makapag-enjoy ka."

"Enjoy? Kasama ng anak niya sa kalandian niya? Wag na, dito na lang ako."

Naiinis talaga ako sa tuwing pinipilit ako ni Mama napumunta at dalawin si Daddy kasi halata namang ayoko nang makita ang pag-mumuka ng tatay ko. Iniwan niya kasi si Mama 6 years ago matapos umamin ba may anak siya sa iba.

"Anak, kailangan mong maintindihan ang Daddy mo. Oras na para bigyan siya ng chance, 'di ba?" Napa-irap na lang ako sa sinasabi ni Mama. Ewan ko ba kung bakit ang bait niya kay Daddy matapos yung ginawa sa kanya.

"Mama naman 'eh, pinapamigay mo na ba ako?" Pag arte ko saka ngumuso.

"Nako, tigilan mo nga ako. Paano na lang pag namatay ako, syempre Daddy mo na ang may responsibilidad sa'yo!" Ginulo niya ang buhok ko at tumawa.

Pag namatay?

"HAHAHA! Mama naman, matagal pa 'yon, mag-aartista pa nga ako eh, 'di ba? Tsaka papanuorin niyo pa ako mag-drums sa Araneta! Malamang kaya ko na sarili ko 'non!" Halos mapunit na yung pisngi ko sa lawak ng ngiti ko. Natawa naman si Mama saka ako hinalikan sa noo.

"Daddy mo pa din 'yun, kahit matigok siya, ama mo pa rin yun okay?" At dahil hindi naman nag-papatalo si Mama, nag-nod na lang ako at inubos yung skyflakes.



---

Hi readers! Hahahaha, hanggang dito na muna alright? Babawi ako sa susunod na chapter! Lovelots! <3

MOVE-ON. Wag kang BITTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon