Sa dinami-raming tao dito sa mundo, at sa dinami-raming panahon at pagkakataon, doon pa kita nakita at nakilala.
Sa tuwing sinusubukan kong alalahanin ang lahat, lahat ng nangyari sa ating dalawa, naaalala ko kung paano ipinamukha sa akin ng tadhana na hindi tayo ang para sa isa't-isa, na oo, sasaya ka sa akin, pero hindi magtatagal ay magsasawa ka - na ipinangako mong hinding-hindi mo magagawa, pero ginawa mo pa rin.
Sa dinami-rami ng panahon at pagkakataong pwede ka nang sumuko, bakit ngayon pa? Ngayon pang nakaukit na sa aking puso ang ngalan mong alam kong hinding-hindi ko na makakalimutan pa. Bakit ngayong malalim na ang pagmamahal ko sa'yo na halos lahat ay kaya kong ibigay para lang sa ikaliligaya mo.
Kahit na ang ikaliligaya mo ay ang wala ako, sige lang. Okay lang.
Basta masaya ka.
Pero ang hindi ko matanggap, hindi mo hiningi na ika'y pakawalan ko, bagkus kami ay pinagsabay mo, na tila ba atat na atat ka nang magkaroon ng ibang mamahalin pagkatapos ko.
Teka, mali. Natatawa ako sa sarili kong naiisip.
Minahal mo nga ba ako? O isa lang din ako sa maraming babaeng pinaglaruan mo?
BINABASA MO ANG
Philanderer
Teen Fictionphilanderer (n.) person who has many love affairs ©jeanxeileen2016