First

8 1 0
                                    

O N E / / Simula

"Hoy babae." Nakarinig na lang ako ng malakas na pagtawag ng pamilyar na boses. Lumingon ako sa nagsalita. Sabi ko na nga ba.

"Minsan talaga, iniisip ko kung nakalunok ka ng megaphone." Salubong ko kay Fran ng mapunta na siya sa tabi ko. Inakbayan niya ako at hindi pinansin ang sinabi ko sa kaniya.

"Alam mo ba," putol niya na para bang binibitin ako. Lumiko kami at dumiretso papuntang CR dahil doon naman talaga ang tungo ko.

"Hindi pa." Ngumisi ako sa kaniya kaya naman inalis niya ang pagkakaakbay sa akin kaya tuluyan na akong natawa.

"Panira ka ng momentum." Sabi niya na mas nagpatawa sa akin. Dumiretso ako sa first cubicle at ginawa ang dapat gawin habang nakikinig sa sinasabi niya.

"Pero alam mo ba, na nakaperfect ako sa English exam?" sabi niya at rinig na rinig ko sa boses niya ang pagmamayabang at tuwa - hindi dahil naka-perfect sa exam, kundi dahil may maipagyayabang siya sa kaniyang ina. Knowing Fran.

"O ano naman?" Sabi ko ng nangingisi dahil alam kong naasar ko na naman siya.

"Anong ano naman. That's something to be proud of you know," mayabang niyang sabi. "Kasi ikaw 'di mo kaya 'yun," pang-aasar niya sakin.

Lumabas ako ng cubicle na nag-aayos pa ng palda, natatawa ng bahagya. Ibinalik ko na lang ang usapan sa topic.

"Sus. Ang makaperfect sa exam ni Ma'am Vedino ay hindi himala, pre. Kilala naman natin si Ma'am di ba?" Sabi ko ng natatawa habang naghuhuhas ng kamay matapos mag-ayos ng damit.

Nakitawa siya at lumabas na kami ng CR.

"Saan ka magla-lunch?" Tanong niya sa akin.

"Sa cafeteria. Sabay ako sa inyo mamaya." Sabi ko at tumango siya.

"Sino teacher niyo ngayon?" Tanong ko dahil magkaiba kami ng section.

"Si Ma'am favorite." Natawa ulit ako dahil sa sagot niya kasi she's pertaining to Ma'am Vedino. "Sige, diretso na kong room." Sabi niya at tumango lang ako. Nagdiretso na siya ng lakad at ako ay kumaliwa naman para makapunta na sa room namin.

Pagkaliko ko ay may nakita akong matangkad na lalaking hindi pamilyar ang mukha na may kasamang mukhang tita o ina niya. Napatitig ako sa kaniya pero slight lang na titig.

Iniwas ko ang aking tingin dahil nakita kong napatingin siya sa akin. Dumiretso lang ako ng lakad nang nag-iisip kung sino iyon dahil kung titignan siya, he's tall, dark and handsome. Hindi ko masyadong nakita ang kanyang mukha pero sa tantsa ko, matangos ang kaniyang ilong at manipis ang labi.

Kita ko sa gilid ng aking mata na iniwas na rin niya ang tingin niya sa akin.

Saan kaya papunta yon? Siguro sa office. Usually naman yung mga hindi pamilyar na mukha ay sa office ang diretso.

Tahimik akong umupo at nakinig sa dinidiscuss ni Sir, nawala na rin sa isip yung lalaki.

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang morning period. Lunch na!

Nagpunta ako sa kabilang section para hintayin si Fran nang makita ko ulit yung lalaking matangkad. Iniwas ko ang aking tingin sa lalaki dahil palapit siya kung saan ako nakatayo. Hindi ako nagkamali sa inisip ko na sa office ang kanyang diretso kanina dahil mukhang doon siya nanggaling.

"Uhm, miss?" Agad akong napatingin sa kaniya at napalingon sa dalawang gilid ko. Wala namang tao doon so... ako nga ang kausap niya?

Unconsciously napaturo ako sa sarili ko asking him kung ako ba ang kausap niya. He chuckled dahil sa ginawa ko, pero tumango pa rin. Muntik na kong magface-palm sa sarili kong katangahan. Nakakahiya ka, Araújo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PhilandererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon