Chapter 1

6 0 0
                                    


Nagising ako sa ingay nang aking alarm clock. Mahigit tatlong oras lang ang tulog ko.

Damn these thoughts are gonna kill me.

Pinatay ko yun at agad tumayo upang kumain ng almusal.

Binuksan ko ang aking cellphone  upang tignan ang mga notifications doon na kagabi pa nag-iingay.

"Shit"

Hindi ko naicharge ang aking cellphone! Deadbatt ito urggh! Agad akong nagmadali upang maisaksak ito ngunit sa kasamaang palad tumama ang aking paa sa binti nang lamesa.

"Bwiset!"

"Umagang-umaga puro malulutong na mura ang lumalabas diyan sa bunganga mo" sabi ni yaya.


Umirap lamang ako at agad sinalpak ang charger sa saksakan.


Pumunta ako sa hapag at kumain nang almusal na mag-isa. Pagkatapos, pumasok agad ako sa banyo upang maligo.


Naramdaman ko ka agad ang malamig na tubig na dumadaloy sa aking katawan galing sa shower. Nagsimula na namang maglayag ang aking isip. Aabutin ata ako ng isang oras dito.

Pagkalabas ko ng banyo ay agad akong sinalubong ng bunganga ni mommy.

"Ba't ang bagal mong kumilos bata ka? Anong akala mo sa skwelahan niyo, diyan lang sa tapat at lalamya-lamya ka? 45 minutes ang kailangan mong lakbayin tapos traffic na ngayon!"

Pumasok agad ako sa kwarto at agad na nagbihis.

Tinignan ko ka agad ang notifications ko sa aking cellphone umaasang may isang galing sa aking crush doon pero wala.

"Why are you not answering my mails babe?" Ilusyonada kong tanong sa sarili.

Agad akong nagpaalam at tumahak na papunta sa skwelahan.

Cgy To CaliWhere stories live. Discover now